Chapter 9

27 1 0
                                    

Chapter 9

Jealous

Matapos magswimming at maghapunan, nagkayayaan na mag-inuman. Sabi ko sa kanila, light lang kasi bata pa kami. Tinawanan lang nila ako.

Ano daw bata ang sinasabi ko eh nasa legal age na kami pare-pareho. Kaya ayun, tahimik na lang ako.

Katabi ko si Hannah sa kanan, sa kaliwa si Jacob. Nasa harap ko naman si Klare habang umoorder ng inumin si Tristan. Maganda ang bar na napuntahan namin. May bandang tumutugtog at paminsan-minsan, pinapayagan nila ang mga customers na kumanta sa harapan.

Abala kami ni Hannah sa pagkukwentuhan kaya di ko napansin na wala na pala sa tabi ko si Jacob Instead, isang nakangising Tristan na ang katabi ko.

Automatic na dumako naman ang tingin ko sa kaharap ko nang malaman na tumabi pala sa akin si Tristan. I saw how disappointed she was. But of course, it's really obvious that she likes this man who's simply unaware of what his actions meant to a girl.

Maya-maya pa, dumating na ang order naming inumin na may kasamang pulutan. Kahit papano, narelieved ako because he didn't order hard drinks for us girls.

I sip a little from my drink. At muling ibinaling ang tingin ko sa dagat. It's so magical seeing the moon's reflection on the calm water.

"Ang ganda." hindi ko maiwasang sabihin.

"Talagang maganda." narinig ko sa likuran ko.

Nilingon ko sya na nakatingin din sa magandang tanawin. Okay, deep inside akala ko ako yung sinasabihan nya na maganda.

Alam nyo yung napapanuod sa movies na kunwari nag-aagree lang yung guy na maganda yung tinitingnan nung girl pero sa totoo, yung girl ang sinasabihan nya ng maganda.

Napailing ako nang wala sa oras. What has gotten into me? Bakit pumasok sa isip ko ang ganong bagay?

Must be the alcohol. Kumbinsi ko sa sarili ko.

"So ano'ng plano n'yo after college?" napatingin kaming lahat nang nagtanong si Jacob.

Napaisip ako. Honestly, hindi ko pa naiisip kung ano ang mangyayari sa akin sa future.

"I want to work as a corporate accountant at a multi-million company." proud na sagot ni Klare.

"Ako, baka magtrabaho ako sa company namin." Ani Jacob.

"Baka mag-abroad naman kami ng boyfriend ko." nakangiting sagot ni Hannah at sinulyapan ang paparating na si Luke.

"Kayo Ashley? Tristan?" tanong ni Klare sa amin ng katabi ko.

"I'll marry the girl I love." napasinghap kaming lahat sa seryosong sagot ni Tristan. Hanggang tumatawa na sila maliban sa akin.

Where Do I Start?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon