Chapter 35
Tuos
"Ok ka lang ba Ash?" Narinig kong tanong ni Rex. Ngunit hindi ko magawang sumagot.
I'm still trying to recall what I just saw rather who I saw earlier in the office. Tama ba talaga ang nakita ko? Is it really Tristan? Pero kelan pa sya nakabalik? At bakit dun sya nagpunta sa office ko? Handa na ba akong makaharap sya? Ano naman ang sasabihin ko?
"Huy, Ash!"
"Ay butiki!" Gulat kong sabi. Naningkit ang mata ko at tiningnan ang katabi ko.
Pinipigilan naman nito ang pagtawa. Nang hindi na mapigilan, isang napakalakas na tawa ang pinakawalan nito.
Kaya naman di ko napigilan ang hampasin na naman sya.
"Aray naman!" Reklamo nya na nangingiti pa rin.
"Tumigil ka nga. Kainis to." Maktol ko.
"Eh pano ba naman kasi, ang lalim masyado ng iniisip mo." Aniya.
"Alam mo ba yung kasabihan na ' Mind you own business'?" I asked in sarcasm.
"Ok fine. Di kita pipilitin kung ayaw mong magsabi." Sagot nya at pinagpatuloy na lang ang pagmamaneho.
Hindi na ulit ako nagsalita hanggang sa makarating kami sa restaurant na lagi naming kinakainan tuwing lunch. Kung di pa nya ako tinapik ay di ako matatauhan.
I ate in silence. Sa kabilang banda, ipinagpasalamat ko na di nag-usisa si Rex. Though I know na kating-kati na syang tanungin kung anong problema ko. I'm just not in the mood to explain and tell him the story.
Napansin niyang naging aligaga ako nang pabalik na kami ng opisina. Baka kasi nariyan pa din si Tristan. Hindi pa ako handang harapin sya.
Dahil aminado ako na kahit galit ang pilit kong pairalin sa puso at isip ko, di ko maikakailang namiss ko talaga sya.
Nakahinga ako ng ayos nang wala akong nakitang Tristan. Kampante akong bumalik sa trabaho. Mabuti na lamang at madami kaming rush na reports kaya kahit papaano ay nawaglit sa isip ko ang tungkol sa nakita ko kanina.
Pagsapit ng alas-singko ay agad kong inayos ang gamit ko. Magkikita nga pala kami ng mga kaibigan ko noong college.
I called Hannah to ask kung saan ang meeting place.
"Hello gurla, saan ko kayo pupuntahan? Palabas na ako ng office." Sabi ko habang pinipindot ang button ng elevator. "Oh, okay sige. I'll see you there."
Ibinaba ko ang telepono at pumasok na sa loob. Halos puno na ang elevator kasi rush hour na, sabay-sabay na umuuwi ang lahat ng empleyado.
Nagring muli ang phone ko pero dahil masikip, di ko agad mahanap at makuha ang phond sa bag ko. Tumunog ang elevator hudyat na may sumakay ulit. Umusog lang ako ng konti habang patuloy sa pagkapa sa bag ko. Nang nakuha ay agad kong sinagot iyon.
"Hello gurla, bakit ka tumawag?" Tanong ko.
Ngunit di ko na masyadong naintindihan ang sinabi nya dahil napatulala ako sa taong katabi ko. It's freakin' him! It's Tristan!
"Hoy gurla! Naririnig mo ba ako?" Sabi ng kausap ko sa kabilang linya.
"Ha? Ano ulit yun?" Tila natauhang tanong ko nang hindi inaalis ang tingin sa katabi ko. "Ano?!"
Napatakip ako sa bibig ko sa pagkabigla. Napayuko din sa hiya dahil napalakas ang boses ko.
"Oo gurla. It's true. Kaya you better come." Sambi ni Hannah. "Gusto tayong makita ni Tristan lalo ka na."
"Ahm, I guess you're right. Sige, pupunta ako." Kalmado kong sabi at tinapos ang tawag.
Hindi lumilingon sa akin ang katabi ko. Derecho lamang itong nakatingin sa pinto ng elevator hanggang sa tumunog iyon at bumukas. Nasa ground level na pala kami.
I stood there like an idiot. Nilampasan na ako ng mga kasabay ko sa loob ng elevator.
"Ano pang hinihintay mo? Pasko?" isang aroganteng tinig ang narinig ko kaya natauhan ako.
Kumurap ako ng ilang beses. Sakto namang sasarado na sana ang pinto ng elevator ng bigla nya itong pigilan. Naramdaman kong hinila nya ako palabas.
"They are waiting for us. Hurry up, will you?" banat na naman nya.
Aba teka! Bakit ba ang sungit ng isang to? Sya pa talaga ang nagsusungit sa akin ha.
Hinigit ko ang braso ko.
"Wag mo nga akong hawakan. Kaya kong maglakad mag-isa." asik ko sa kanya at nauna nang maglakad.
Nagtungo ako sa sasakyan ko at inilabas ang susi. Pero nanindig ang balahibo ko nang narinig ko na naman syang nagsalita sa likuran ko.
"We'll use my car." sabi nito at pinuntahan ang sinasabing sasakyan.
"Aba't..." di ko na nagawa pang ituloy ang sasabihin ko. Napilitan akong sumunod sa kanya dahil agad niyang ini-start ang engine ng sasakyan.
Balak pa yata akong iwan ng unggoy na ito ah.
Then it hit me.
I'm with him. Again. And all the memories came crashing.
Habang nasa daan ay dahan-dahan akong lumingon para matingnan sya. Seryosong-seryoso sya habang nagmamaneho. Eyes straight to the road.
Mas lalo syang nagmature tingnan simula nang huli ko syang makita. Mas naging defined din ang features ng mukha nya. In short, lalo syang gumwapo.
Agad akong nag-iwas ng tingin nang bigla syang lumingon pabalik sa akin. Ayaw ko pa naman sa lahat ay napapahiya. Kaya naman para maiwasan iyon ay tumikhim ako.
Ibubuka ko pa lang sana ang bibig ko to open a conversation pero inunahan nya ako at binuksan ang radyo. Halos pandilatan ko sya dahil sa ginawa nya.
Ok fine. It's not like I want to talk to him.
He drove in silence. I waited in vain.
Nang dumating kami sa destinasyon ay bumaba ako kaagad at hindi na sya hinintay pa. Baka magtaka pa ang mga kaibigan namin at tanungin kung bakit sabay kaming dumating.
"Ash!" Masayang tawag sa akin ni Jacob. Sinalubong na rin ako nina Hannah at Luke.
"Buti naman at nagpakita ka na din sa wakas." may himig pagtatampong sambit ni Hannah. "Akala ko nakalimutan mo na kami eh."
Naglakad kami papunta sa nakareserve na mesa para sa grupo. Pero saktong pagkaupo ko ay narinig kong binati na rin nila ang taong dumating kasunod ko.
"It's good to see you, man." si Jacob.
"Aba nga naman. Buhay pa pala ang unggoy." si Hannah.
I heard him chuckled. Di ko namalayan na sumilay na rin ang ngiti sa labi ko. Napailing naman ako agad.
Dapat hindi ka masaya Ashley. Iniwan ka nya remember? iniwan ka nya without a single word. Not even a freakin' goodbye.
With that in mind, I composed myself.
Magtutuos tayo Tristan.
BINABASA MO ANG
Where Do I Start?
RomanceIt seemed that happy ending only exist in the so called fairy tales. Where in fact, reality will give you a taste of pure bliss but then in a snap, it will slap you with a heart-breaking truth. Ga...