Chapter 6

46 1 0
                                    

Chapter 6

Dessert


"Ano pwede na ba to?" tanong ko kay Hannah. Kasalukuyan kaming nag-aayos para sa party ni Klare. "Bakit ba kasi kailangan pang magdress?"


"Adik ka? Syempre ganyan talaga magparty ang mayayaman." sagot nya habang sinusuklay ang buhok.


Tiningnan ko ang sarili sa salamin. I'm currently wearing a simple black dress. Knitted ang back part nya kaya inilugay ko na lang nag mahaba kong buhok. I matched it with a low-heeled shoes. Di ako sanay sa high heels. Si Hannah naman ay nagsuot ng floral dress na may ternong peach pumps.

Kapwa nag-aabang sina Jacob at Tristan sa amin nang bumaba kami mula sa kwarto ko. Nakangisi si Jacob at parang may planong mang-asar. While Tristan is wearing his usual, normal smile.

"Hanep sa porma ah! Parang aattend lang ng prom." natatawang komento ni Jacob. Binatukan lang sya ni Hannah.

"Eh kayo parang pupunta sa binyagan." Banat ni Hannah at kapwa kami tumawa.

Si Tristan ang nasa driver's seat kasama si Jacob. Nasa likuran naman kami ni Hannah.

"May ibubulong ako sa'yo. My instinct is working again." sabi nya kaya inilapit ko ang tenga ko sa kanya. "Parang merong crush si Tristan."

Tinaasan ko sya ng kilay.

"Oo nga. Sa barkada natin. Syempre hindi ako yun, kaya malamang ikaw." nakangiting sabi nya.

"Alam mo gutom ka na. Kung anu-anong pinagsasabi mo dyan." sabi ko.

"Ay naku. Ayaw maniwala nito. Alam mo namang palaging tama ang instinct ko." Sabi pa nya.

Hindi ko na lang sya sinagot at hinintay na makarating kami sa venue. Maraming nakaparadang sasakyan nang dumating kami.

"Wow, parang ang daming bisita ah." sabi ni Jacob habang binubuksan ang pinto para sa kay Hannah. Si Tristan naman ang nagbukas ng pinto sa gawi ko.

Inilabas ko ang binti ko para bumaba. Nang papatayo na ako narinig kong may ibinulong si Tristan

"Ganda mo ngayon." sambit nya.

Tiningnan ko sya para alamin kung ako ba ang sinasabihan nya noon pero nakatingin na sya sa mga taong naglalakad papasok sa mansyon. Baka may binati syang kakilala.


"Ano guys? Tara, let's party!" sabi ni Hannah.

Ikinawit ni Tristan ang kamay ko sa braso nya. Nailang man ako, pinabayaan ko na lang. Wala namang kaso iyon sa akin.

Pumasok kami sa loob ng mansyon. Di ko mapigilan ang mamangha sa karangyaang nakikita ko. Ang yaman talaga nina Klare.


Where Do I Start?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon