Chapter 13

31 2 0
                                    

Chapter 13

Back out

Ganito ba talaga ka-atat na manalo ang course namin? Simpleng contest lang naman yun. Bakit kailangan pang dumaan sa ganito katinding training?

Like duh?! Di naman 'to prestigious pageant di ba?

"Ashley! Mali ka na naman!" malakas na sigaw ng bading na trainor namin. "Ilang beses na tayong nagpractice pero di mo pa rin makuha!"

Huminga ako ng malalim.

Kalma Ashley. Huwag mong patulan. Yan ang pilit kong isinasaksak sa utak ko ng mga oras na yun.

"Sorry po. Aayusin ko na po." sabi ko at naglakad pabalik sa dating puwesto.

Kasalukuyan kaming nasa auditorium. Nasa stage ako samantalang si Kris, ang trainor naming bading ay nasa baba at ino-obserbahan ang "pagrampa" ko. Nakaheels pa ako! Ilang beses na akong natapilok kaya naman highblood palagi si Kris.

Seriously, kung pwede lang talagang magback out matagal ko nang ginawa. Actually, nirecommend ko na nga si Hannah kaso di sila pumayag. Sinabi ng department head namin na exempted na sa final exams ang magpaparticipate sa contest. Kakainin kasi nito ang oras ng estudyante.

Bakit nga ba kasi kailangan na ganito kaseryoso ang laban? Simpleng activity lang naman yun sa college namin.

"Nakikinig ka ba?!" pasigaw na namang puna ng bading. "Palagi ka na lang wala sa focus! Di ko alam kung bakit ikaw pa ang pinili nila. Bilisan mo na ang kilos. Ang arte mo kasi!"

"Hoy bading! Ayusin mo pagsasalita mo ha."

Nagulat kami ni Kris sa lakas ng boses na nagmula sa may pinto ng auditorium. Nakita namin sina Hannah at Luke. Nasa likuran nila sina Jacob at iba pang ComArts students.

Lumapit agad sila at tinuloy ni Hannah ang sinasabi.

"Wala kang karapatan na sabihan ng ganyan ang kaibigan namin. Baka gusto mong isumbong kita sa Dean!" mataray na banta nya sa bading na ngayon ay mababakas sa mukha ang kaba.

"W-what are you doing here? Off limits ito ngayon. Don't you see we're practicing?" halata sa boses ni Kris na kahit papano ay tinablahan sya sa sinabi ni Hannah.

"FYI. We asked permission kay Ms. Flores." sagot ni Hannah. "Buti na lang pala pumunta kami dito. Lagi ka bang ginaganyan ng bading na 'to Ash?"

Si Ms. Flores ang head ng Communication Arts Department.

"Ah..kasi.." di ko masagot ang tanong nya.

"Hay naku. Wag mo nang sagutin. Alam ko na sagot mo." Putol ni Hannah. "Oh, ituloy mo na pagtuturo mo bading. Ayusin mo kundi talagang lagot ka."

Hinihila na sya ni Luke para maupo pero halos di magpa-awat si Hannah. Nakapamewang syang tumingin ng masama kay Kris.

"Ok. Let's do it from the top." mahinahong sabi ni Kris.

Tindi talaga ni Hannah. Basta may mali, di sya makakapayag na di itatama yun.

Natapos ang practice namin na hindi nagsungit si Kris. Effective ang pananakot ni Hannah.

Lumabas kami ng auditorium para magmeryenda. Kasunod naman namin ang trio ng second year students with the same course as mine.

Pinakilala ko sila sa mga kaibigan ko. Todo ngiti na naman si Jacob. Siniko naman ni Hannah si Luke na pinipigilan ang pagngiti.

"Wow Ashley! Siguradong tayo na ang panalo." masayang sabi sa akin Mia. ComArts student din. Kasama nya ang mga kaibigan nyang sina Shiela at Hazel.

"Susuportahan ka namin. Sure na yun, panalo ka na." sabi naman ni Hazel. "Kelan pala kayo magpapractice na sabay ni Josh?"

Si Josh Consuji ang napiling maging partner ko para sa contest. Fourth year din sya pero sa kabilang section.

Solo practice ang peg ni Kris kaya di pa kami nagsasabay ni Josh.

"Hindi ko pa alam kay Kris. Syempre mas gusto nun na solo para masolo nya din si Josh." biro ko na ikinatawa ng mga kasama ko.

Gwapo din kasi si Josh. Kung si Timothy ang pambato ng Public Ad, si Josh naman ang sa course namin.

Nagpaalam na rin sa amin ang tatlong bata. Sabihan ko daw sila pag may practice kami ni Josh. Kahit naman kasi masungit ako kay Tristan, di naman ako ganon sa iba. Medyo friendly din naman ako.

Speaking of the evil monkey, nasaan kaya yun? Bakit kaya di sya kasama nina Hannah kanina?

Naalala ko nung huli kaming nag-usap sa canteen. Di na talaga sya umimik noong umalis si Klare.

"Wala si Tristan. May klase. Sayang nga gusto daw nyang sumama manuod kanina kaso may quiz sila." tila nabasa naman ni Hannah ang nasa utak ko.

"Hayaan nyo na ang unggoy na yun. At least walang mang-aasar sa akin." sabi ko at nauna nang maglakad.

Kinagabihan, naisipan kong tumugtog ng piano. There's this vacant room in our house sa second floor na walang gumagamit kaya naisipan ni Mama na doon na lang ilagay ang grand piano.

Di ako narunong nito pero si Papa at Mama magaling tumugtog. Pinilit nila ako dating mag-aral kaso di talaga ako mahilig magbasa ng musical notes. Sumasakit ang ulo ko.

But then I heard this piano version of Canon in D Major and I fell inlove with the song. After that, pinilit ko iyong tugtugin pero hindi ako nagbabasa sa music sheet. Nagdownload lang ako ng tutorial sa Youtube.

Umupo ako sa harap ng piano at sinimulang tumugtog. Hindi ako madalas magpractice. Tumutugtog lang ako pag napagtripan ko tulad ngayon.

Pumailanlang ang musika sa buong kwarto. Enjoy na enjoy ako sa pagtugtog kaya di ko namalayan na may nanunuod na pala sa akin.

"Ay butiki!" bulalas ko nang biglang may pumalakpak matapos kong tumugtog.

Tawa ng tawa ang unggoy habang lumalapit sa akin.

"What the hell are you doing here? Paano ka nakapasok?" sunod-sunod na tanong ko.

"Through the door of course. I'm not the Romeo type of guy kung iyon ang iniisip mo." nangingiting sagot nito.

"Pilosopong unggoy." usal ko. "Bakit ka ba nandito? Paano mo nalaman ang bahay namin?"

"Mas mabuti pa pala kapag tumutugtog ka. Mas maganda pakinggan kesa yang kaingayan ng bibig mo." sambit nya sa halip na sagutin ang tanong ko.

"Hoy sagutin mo nga ang tanong ko! At wag mong pakialaman yan!" saway ko sa kanya ng akmang kukunin ang frame na nakapatong sa table.

Kinuha pa rin nya iyon at tiningnan. Matapos iyon ay bumaling sya sa akin.

"First, I really did come from the door. Syempre pinapasok ako ng mother mo. I told her I'm your classmate and I'll just borrow some notes." paliwanag nya. "Second, the real reason I came here is to tell y to back out from that contest."

"Ha? Back out? Bakit mo naman ako uutusang magback out?" tanong ko na nakataas ang kilay.

Hindi ako makapaniwala sa sinasabi nitong si Tristan.

"Well there's nothing you can do because I told them you yourself had an injury dahil sa pagpapractice." at lumabas ang nakakalokong ngiti sa mukha nya.

"What the?! Sinabi mo yun?! Nababaliw ka na ba?!" hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko.

"Yup. So you better back out. Or else.." Talagang ibinitin nya ang sasabihin.

"Or else what?" tanong ko.

"I, myself, will make you back out from that damn contest." pinal na sabi nito at tinalikuran na ako.

Lumabas na sya at narinig kong nagpaalam kay Mama.

Where Do I Start?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon