Chapter 2

21.5K 338 14
                                    


THE OWNER

Ahli's POV

Nagising ako ng marinig ang mga maiingay na sasakyan'g umaandar at mga busina. Nangunot ang noo ko dahil sa sobrang ingay at kung bakit may naririnig akong mga sasakyan. Istorbo naman sa pagtulog oh! Nakikita na ngang may natutulog. Letse!

"Hoy! Baliw, huwag kang humiga diyan!"-pakinig kong boses ng isang matandang lalake.

Ako ba tinutukoy niya? Eh baliw sabi niya eh. Hindi naman ako baliw ah?

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata at unang tumama sa akin ay ang madilim na kalangitan. Nasaan ako? Bakit ko nakikita ang kalangitan?

"Ay p*cha!"-malutong na mura ko at bahagyang napaupo sa kinahihigahan ko--este sa LUPA AKO NAKAHIGA?

Anong--? Nilibot ko ang buong paligid at ganun na lang ang pagkagulat ko ng makita ang mga umaandar na sasakyan. At ngayon ko lang narealize na nakahiga ako sa gilid ng kalsada! Tangina lang?

Anong nangyari at nakatulog ako dito? Teka, tatawid ako kanina eh. Tapos...tapos hindi ko namalayan na may paparating na kotse. Muntik na akong mabangga! Pero nawalan ako ng malay at--

"HUWAG MONG SABIHING PINABAYAAN NA LANG AKO NG DRIVER NA YUN DITO?! ABA'Y T@R@NT@DO PALA ANG G@GONG YUN! MUNTIK NA AKONG MAIHI KANINA SA KABA NG BABANGGAIN NIYA AKO TAPOS IIWAN LANG NIYA AKO DITO?"-wala sa sariling sigaw ko at tumayo na.

Sinuri ko ang kabuuan ko para tignan kung may sugat o bali ng buto pero wala naman. Tumalon-talon pa ako pero wala akong maramdamang sakit. Mabuti na lang at wala akong tama. Pero p*t@ng*n@ yun ah! Ikaw bang pabayaan na lang dito? Ang himbing himbing pa ng tulog ko?

Napapikit na lang ako ng mariin. Para akong maiiyak dito sa inis. Paano kung may mangyari'ng masama sa akin dito habang natutulog? Paano kung may kumuha ng litrato ko at I-post sa fb? Paano na ako? ANONG GAGAWIN KO?

"Argh! Walang modo! Walang hiya! Ang sama ng ugali ng driver na yun!"-sigaw ko na naman at nagpapa padyak pa.

Hindi talaga ako maka get over sa ginawa ng driver na yun sa akin. Pasalamat siya at hindi ko man lang nakita mukha niya. Pasalamat siya at nahimatay ako dahil baka siya pa ang sagasaan ko! Siraulong tao! Walang modo! Peste! Mabulok sana siya kasama ang kotse niya!

"Baliw!"-natigilan ako sa pag papadyak ng marinig ulit ang boses ng isang matandang lalake. Napalinga-linga ako at nakita siya sa kabilang gilid ng kalsada. Napaka dumi ng damit at butas-butas na. Ang gulo ng buhok na akala mo'y isaang daang taon ng hindi nasuklay. Tapos may bitbit na dalawang sako at walang tsinelas.

"Aba'y sinabihan ba ako ng baliw eh siya na nga tong baliw. HEH! HUWAG KANG FEELING CLOSE!"-inis na sigaw ko sa kanya at linayasan siya.

Ako na nga tong pinabayaan na lang dito, nasabihan pa ako ng baliw. Tanginang buhay to! Letse!

**

"Saan ka na naman nanggaling at ginabi kang umuwi ha?"-bungad sa akun ni mama pagkapasok ko pa lang sa bahay. "Hindi ka na naman ba pumasok sa paaralan mo ha? Yang pagiging lakwatchera na lang ang inaatupag mo! Wala ka na lang ginawa kundi ang bigyan ako ng problema! Hindi ka na nahiya sa mga kapit bahay natin! Hindi kita pinag aaral para lang makipag away ka!"-sunod-sunod na sabi niya.

Napabuntong hininga na lang ako at hindi na nagsalita pa. Hindi ko na lang siya pinansin at mabilis na pumasok sa kwarto ko. Mas mabuti nang huwag nang sumagot kay mama dahil mas lalo lang lalala ang panenermon niya sa akin. Kilala ko siya. Hindi siya titigil sa panenermon sa akin kapag hindi pa siya pagod. At kapag sasabihin ko naman ang totoo hindi siya maniniwala. Kaya bakit pa ako mag aaksaya'ng magpaliwanag.

HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon