Chapter 31

9.9K 168 1
                                    


Chapter 31: 'The Escape'

Ahli's POV

"Alhi..."-nagising ako ng maramdaman kong may yumuyugyog sa aking balikat.

Bumungad sa akin ang nag aalalang mukha ni ayna.

"A-anong nangyari sa a-akin?"-mahina kong tanong habang linilibot ang paligid. Nandito pa din kami sa kulungan pero wala na si arevalo.

"N-nahimatay ka kanina."-bulong niya habang tinutulungan akong kalagan ang tali sa kamay ko.

Dun ko napansing hindi na siya nakatali. Ganun din si ate zaynah na kausap si khonner ng masinsinan.

"Okay ka lang ba?"-tanong ko ng makalagan niya ako. Namumutla padin siya.

Ngumiti siya ng tipid pero kita ko sa mata niya ang takot. "Huwag kang mag alala sa akin. Mas malala yang sugat mo kaysa sa akin."-wika niya at naupo sa harapan ko.

"P-pero ayna---"

"Okay lang ako ahli. Basta, mangako kang makakatakas tayo ng buhay dito, naiintindihan mo ba?"-hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ko na lalong pinagtaka ko.

"A-anong ibig mong s-sabihin?"

"Tatakas tayo ngayon."-bulong niya.

"Ano? Paano? Sugatan tayo at hindi tayo makalaban."-pangangatwiran ko.

"My brother is waiting outside. While khanz, will be distracting the guards. "-paliwanag ni ate zaynah.

"N-nandito si zad?"-may nanlalaking matang bulalas ko.

Baka mapahamak pa siya! Ano bang iniisip ng lalakeng yun.

"P-pero paano---"-natigilan ako sa pagsasalita ng tumayo si khonner at sinilip ang paligid.

"It's clear. Let's go, we don't have much time."-bulong niya at inalalayan si ate zaynah na maglakad. Tinulungan naman ako ni ayna na tumayo at naglakad patungo ng rehas.

Wala nga ang mga bantay na lalong pinagtaka ko. Saan nagpunta ang mga yun at basta na lang kaming iniwan?

Gusto kong magtanong pero mas mainam munang makatakas kami. Ito muna ang iisipin ko ngayon at ang kaligtasan naming lahat.

Malakas ang kabog ng dibdib ko habang dahan-dahan kaming naglakad papalabas ng basement. May hagdan dun patungong first floor ng bahay.

"Stay here."-maawtoridad na wika ni khonner at naunang umakyat ng hagdan. Pansin kong may nakapulupot na panyo sa kanyang brasong tinamaan kanina.

Magkahawak kamay kaming tatlo habang hinihintay ang kapatid ni khanz.

"Let's go!"-halos mapaigtad kaming lahat sa gulat ng magsalita ito galing ng hagdan.

Naunang naglakad si ate zaynah kasunod si ayna at nahuli ako. Pagkatapak pa lang namin sa first floor ng bahay dinig na namin ang mga putukan ng baril.

Lalo akong kinabahan dun. Anong nangyayari sa labas?

"Tara na!"-naunang naglakad patungong pinto si khonner pero nagulat kaming lahat ng may humarang na tatlong tauhan ni arevalo.

Napakapit ng mahigpit sa akin si ayna kaya naman dinala ko siya sa aking likod. Hindi niya alam lumaban kaya mas mabuting huwag na siyang madamay dito lalo na't may sugat pa siya sa likod.

Mabilis na sinipa ni khonner ang mga bitbit nilang baril dahilan para tumilapon ito sa malayo. Mabilis sumugod sina ate zaynah at khonmer sa tatlo. Di ko mapigilang humanga sa klase ng pakikipaglaban nila. Parang konektado ang isip nilang dalawa dahil nagkakaintindihan sila kung anong dapat nilang gawin.

HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon