Chapter 27

9.1K 142 2
                                    


A/N: To make this clear, I just want to say that ahli and zad has at the same age. Zad is grade 11 too but he's in the other section. Nagkamali po ako sorry. Hindi po grade 12 si zad okay? Classmate dati si ahli at zad noong grade 7 kaya sila nagkakilala. Yun lang.♥♥

Chapter 27: 'The Arrival of Lacuesta's'

Ahli's POV

3 days ang lumpias...

Tatlong araw ang lumipas ng hindi mawala sa isip ko ang nangyari noon. Tatlong araw akong di makausap ng matino. Ewan ko ba kung bakit ganun na lang ang epekto ng pagkawala ng first kiss ko.

Korni mang sabihin pero sabi nila, binibigay lang ang first kiss sa taong mahal mo at sa espesyal na lugar.

Pero anong nangyari sa akin? Matatawag ba na espesyal na lugar sa garden nila zad na ni walang ilaw? Mahal ko ba ang nangkuha ng forst kiss ko?

Tanginang kasabihan yan.

Akala ko pa naman si zad ang unang halik ko pero...argh!

Kapag naalala ko si khanz naiinis ako! Hindi lang yun, kusa akong nakakaramdam ng kaba at hindi maipaliwanag na damdamin at ayokong mangyari yun kaya't pagkatapos ng pangyayaring yun ako na ang kusang umiiwas sa kanya.

*Flashback*

Nanlaki ang mga mata ko ng bigla niya akong halikan ng walang permiso!

Tila natigilan ang pag ikot ng mundo at tuluyan ng namingi ang tenga ko. Hindi ako makagalaw dahil para bang napako na lang ako kinatatayuan ko. Pakiramdam ko nakatutok lang ang atensyon ko sa kanyang malambot na labi na ngayon ay nakadantay na sa labi ko.

Sa isiping yun, para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Tila bumalik ang pag ikot ng mundo at umingay ang paligid.

Dahil sa kabang nararamdaman ko, naitulak ko siya ng malakas. Yung pagkalasing ko ay tila nawala. Para akong natauhan.

"A-anong p-problema mo? Bakit mo yun ginawa?!"-nanginginig kong tanong na para bang may nagawa akong mali.

Kumunot ang noo niya at saka hinawakan ang labi niya.

Napalunok ako at napaiwas ng tingin. Tangina ahli! Kumalma ka. Kumalma ka.

"Tsk. Your still the same stupid ahli I know."-nakangisi niyang wika kaya naman napatingin ako sa kanya.

"A-ano?"-naguguluhang tanong ko pero muli lang siyang ngumisi na para bang nasisiyahan siya sa nangyayari.

Lalong kumabog ang dibdib ko.

"Good night ahlisha."-sabi pa niya at saka ako iniwang tulala dun sa gitna ng hardin.

Nalilito, kinakabahan sa ano mang pakiramdam na dinulot niya sa akin.

*end of flashback*

"Hoy! May assignment ka?"-natauhan ako ng kinulbit ako ni ayna.

Kasalukuyan kaming nandito sa classroom hinihintay ang unang lecturer namin. At si mr montevaldejo yun.

"M-may assignment tayo?"-nanlaki ang mata ko sa gulat.

"Oo...eh hindi ko nagawa kagabi. Pakopya ka naman."-bulong pa niya.

Pinagpawisan ako dun. Nadale na. Wala pa naman akong nagawa.

"Ano?"-niyugyog pa niya ako pero di ako umimik.

"Wala kang assignment no?!"-nanlaki ang mga mata niya at napatingin ang ilang kaklase namin sa gawi ni ayna.

"Di ko nagawa eh. Nakatulog kase ako agad."

HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon