Chapter 56

7.8K 132 1
                                    

Chapter 56: 'The Mafia Boss'

December 8, 2011


Ahli's POV

"B-bitawan niyo ako!"-pinilit kong magpumiglas sa hawak nung dalawang lalake ng matapat ang sinasakyang speed boat namin sa isang malaking yacht.

Alam kong dun nila ako dadalhin kaya naman ginawa ko na ang lahat upang makatakas pero nakakuha lang ako ng suntok sa mukha dahilan para muntik na akong mapaupo pero mahigpit ang pagkakahawak nila sa braso ko kaya hindi yun natuloy. Dinura ko ang dugo sa aking labi at nanghihinang umiyak.

Lalo akong napaiyak ng matagumpay nila akong nadala sa yate na may nag aabang na mga armadong lalake. Lalo akong kinabahan dahil sa mga bitbit nilang baril at halos lahat ng parte ng yate ay may nakabantay. Tumigil ang yate sa gitna ng karagatan kaya lalo akong nabahala.

Paano nila ako mahahanap kung nasa gitna kami ng karagatan? Paano pa kaya nila ako maililigtas kung ang higpit ng bantay sa buong yate? Paano pa ako makakatakas?

"Tigil-tigilan mo yang pag iyak mo dahil makakatikim ka sa akin! Napaka ingay mo!"-singhal sa akin nung lalakeng kumakaladkad sa akin.

Pero dahil hindi ko mapigilan, nagpatuloy lang ako sa pag iyak dahil sa sobrang takot. Hindi ko na alam ang gagawin ko sa oras na to dahil hindi ko naman alam kung sino na naman ang taong nasa likod neto. Sawang sawa na akong mapunta sa sitwasyong ito at talaga pang sa kaarawan ko mangyayari ito. Paulit ulit na lang ba?

Kung nasa panaginip lang ako, gusto ko ng gumising. Ayoko na dito.

"Argh! Aaaaah!!!"-napasigaw ako sa sakit na bumalatay sa mukha ko ng muli nila akong suntukin at sa sobrang lakas nun, napahiga ako sa sahig. Lalo akong napaiyak ng tinadyakan pa nila ako sa sikmura.

"Tangina! Sabi ng tumigil ka! Nakakairita ka!"-akmang sisipain na naman niya ako ng pinigilan na siya ng kasama niya.

"Tama na yan. Hinihintay siya ni boss."-awat nung kasama niya.

"Eh p*tangina kase tong babaeng to! Nakakabanas!"-mura pa niya bago nila ulit ako kinaladkad. Marahas at halos manghina ako dahil sa ginawa nilang pagsuntok sa akin. Sobrang sakit ng katawan ko sa ginawa niya kaya wala akong ginawa kundi ang tahimik na lang na umiyak.

Pumasok kami sa unang palapag ng yacht at bumungad sa amin ang isang kwarto. Ayoko man sanang pumasok dahil natatakot ako. Wala na akong magawa dahil nanghihina na ako.

Binuksan nila ang pintuan at bumungad sa amin ang isang matanda'ng lalake na parang kaseng edad lang siya ni mommy. Nakangisi niya akong pinagmasdan ng marahas nila akong binitawan kaya napasalampak agad ako sa sahig.

Mahina akong napaiyak habang nakasubsob ang mukha ko sa sahig. Wala akong magawa kundi ang magdasal at humiling na sana mahanap ako nila khanz. Sana maabutan pa nila ako...

"The birthday girl looks like a mess eh?"-mapangasar nitong sabi at saka humalakhak ng malakas.

Nanindig ang balahibo ko sa batok at nanlaki ang mata ko sa gulat ng parang naging pamilyar sa akin ang halakhak na yun.

'Hahahaha...'

Umalingawngaw sa pandinig ko ang boses ng lalakeng tumawag sa akin noong nasa locker ako.

HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon