Chapter 7

11K 158 2
                                    


Chapter 7

(Re-Posting)

'OLD FRIEND'

Ahli's POV

*paaaaaakk*

"A-araay!"-napaupo ako sa sakit na bumalatay sa aking pisngi kaya naman nagising ako sa natutulog kong diwa!

"Oppps. Napalakas ata hehehe..."-masama ang tingin kong pinukol yun kay ayna na ngayon ay naka peace sign na sa akin!

"Sinampal mo ba ako?"-taka akong napahawak sa kaliwa kong pisngi.

Shit! Ang sakit ha!

"Hehehe...sorry na. Hindi ka kase magising eh."-ngumiti pa ang loka loka!

Bwisit na babaeng to! Kailangan pa ba akong sampalin para lang magising---teka...anong nangyari kanina?

"Nasaan ako?"

"Tsk. Dinala ka namin dito sa clinic dahil bigla kang nahimatay."-sabat ni lester na nasa gilid pala! Kasama sina gelo at rondrick na kumakain pa ata! Lalo na si gelo. -.-

"Bakit ka ba kasi nahimatay eh wala ka namang tama nung nakipag away tayo kanina ah."-puno pa ang bibig na tanong ni gelo.

"Nakipag away na naman kayo?!"-ayna. O_O

Tsk. Nagulat pa.

"Ano pa nga bang bago sa tatlong to."-iiling na wika ni rondrick at akmang isusubo yung hawak niyang tianapay pero mabilis na inagaw ni gelo yun at sinubo.

"Hoy akin yan! Buraot ka!"

"Wala na....ubosh ko na."-puno ng tinapay ang kanyang bibig.

Napairap na lang sa hangin si ayna bago muling bumaling sa akin.

"Tigil tigilan niyo na yang pakikisangkot niyo sa gulo at baka ma kick out kayo sa paaralan'g ito."-sermon niya sa amin.

Kaming tatlo naman ang napairap.

"Edi makick out kung makick out. Tsk."-bulong ko at saka nag iwas ng tingin sa kanila.

Mukhang sakit ko na to dahil kahit anong gawin ko nasasangkot pa din ako sa away. Simula ng namatay si papa, nagawa ko ng makipag basag ulo, nagawa ko nang suwayin ang mga bawal. Simula ng namatay si papa, nag iisa na lang ako. Sa murang edad ko, naranasan kong mapagsalitaan ng mga masasakit na salita galing kay mama. Nang namatay si papa, nag iba na ang trato sa akin ni mama.

Kaya hindi ko kayang itigil ang pakikisangkot ko sa gulo dahil sa tingin ko kapag ginawa ko yun maawa sa akin si mama. Sa tingin ko, babalik siya sa dati niyang ugali na palagi niya akong inaalagaan tulad noong buhay pa si papa. Pero mukhang nagkakamali ako dahil mas lalo lang siyang nagagalit sa akin.

Mahirap bang humingi ng atensyon at pagmamahal sa kanya? Paano niya ako natitiis na pagalitan na lang ng paulit-ulit? Hindi naman ako perpektong tao dahil nagkakamali din naman ako.

"Hay nako ahli, ewan ko sayo. Ang masasabi ko lang, magbago ka na. Malapit na tayong grumaduate kaya tigil-tigilan mo na yan, lalo na kayo."-turo niya kina lester at gelo na walang imik.

Natigil lang kami sa pag uusap ng biglang pumasok ang nurse.

"Oh, gising ka na pala. Mabuti naman dahil iinom ka na ng gamot. Hindi ka ba nahihilo?"-lumapit siya sa akin dahilan para mapa atras si ayna.

"Hindi naman po nurse. Okay lang ako."

"Hay nakong bata ka. Buti na lang at nadala ka kaagad ng mga kaibigan mo dito. Bakit ka ba kasi nahimatay?"-tanong niya at pumunta sa kanyang drawer para kumuha ng gamot.

HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon