Chapter 39: 'Feel the Pain'
Ahli's POV
Kunot noo kaming nagkatinginan ni ayna saka siya bumulong sa akin.
"Nagkamali ata tayo ng pinuntahan natin. Tawagan mo na si zad at umalis na tayo."-wika niya at saka muling napatingin sa paligid na may di makapaniwalang tingin.
Napabuntong hininga na lang ako at bahagyang tumingin sa suot ko. Naka dress ako na kulay blue, hanggang tuhod ang haba at kita ang balikat at likod ko. Open kase sa likod kaya kita ang likod ko. Ito yung binigay sa akin ni ate zaynah na pasalubong daw niya sa akin.
Ayoko sanang isuot kaso mapilit si ayna. Nakita niya kase kaya ayun, halos siya na magpalit sa akin. Muntikan na nga kaming nagsapakan sa bahay kanina kung hindi lang pumagitna si hans. Sabi ng ayoko pero ang kulit ng apog niya eh.
Kaya wala na akong choice kundi suotin. Naka dress din siya tulad ko. Ang pinagkaiba lang namin ay siya ay naka heels at ako naman ay flat shoes. Pasalamat na lang ako dahil hindi na niya ako pinasuot ng heels dahil baka isaksak ko pa sa kaniya. Tsk.
Si zad ang sumundo sa amin papuntang mansion nila thamy dahil ngayon ang party. Hindi ko nga aakalaing ganito siya kayaman dahil gate palang awtomatik nang bumubukas! Tapos ang laki pa ng bahay!
Pero ang pinoproblema namin ngayon ay eto.
Sobrang ingay sa loob ng mansion! Ang lakas ng musika na para bang nasa loob lang kami ng bar! Ang daming mga kaedad lang namin ang nagsasayawan, naghihiyawan, nagtatawanan, nag iinuman at naghahalikan!
Yung tipong kahit saan ka tumingin may mga tao! Di namin inaasahan ni ayna na ganitong party pala ang tinutukoy ni thamy. Akala ko yung parang kay ate zaynah noong birthday niya. May mga business man, pormal at hindi ganito.
Nagtataka nga ako kung alam ba ng magulang ni thamy na dito pa mismo sa bahay nila kami magpa-party. Paano kung may makabasag ng mamahaling bagay? Paano kung may magnakaw? Di ba siya nag aalala sa posibleng mangyari lalo na't mayaman sila?
"Kung sana tumanggi ka na lang, hindi sana tayo mapapasubo dito."-sabi ko at nauna ng pumasok sa loob.
Wala na kaming choice kundi ang pumasok. Nandito na kami eh. Alangan namang aalis pa kami? Nakakahiya kay thamy lalo na't siya pa nagimbita sa amin. At saka nauna ng pumasok si zad para hanapin ang mga kasama namin. Hindi pwedeng lalayasan na lang namin sila.
"Eh hindi ko namang aakalaing ganitong party ang sinasabi niya."-sagot niya ng mahabol niya ako.
Nanatili akong nakatingin sa daan. Sa sobrang daming tao, halos hindi na namin mahagilap sina zad. Lahat na ata ng parte ng bahay ay may mga kaedad naming nag iinuman.
"Yan kase napapala mo. Kapag talaga may pagkain laging go ka. Pakainin kita ng zonrox diyan eh."-pikon kong singhal at saka sinamaan siya ng tingin.
Hindi pa naman ako sanay na magsuot ng dress. Tangina! Kung alam ko lang na ganitong party ang pupuntahan namin eh di sana tumanggi na lang ako.
Nakakainis!
"Ang sama mo."-nginusuan niya ako kaya lalo akong nairita.
"Ang pangit mong ngumuso! Pwede ba, tigil-tigilan mo yan!"-akmang babatukan ko siya pero mabilis siyang nakaiwas.
"Ang sama mo, huhuhu..."-umarte pa siya na parang naiiyak kaya inirapan ko siya.
Tsk. Nasaan na ba sina zad? Saan ba nagpunta yun at hindi ko na makita? Loko yun ah! Iwan ba naman kami dito. Alam naman niyang hindi pa kami nakakapunta sa ganitong party.
"Pucha! Mga tol!!!"-natigilan kaming dalawa sa paglalakad ng makita naming nagtatatakbo si gelo papalapit sa amin.
O_O
BINABASA MO ANG
HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1) (COMPLETED)
Azione(RAW/UNEDITED) Ahlisha Zoxzhen Bustamantelo has a simple life. She studies at public school and she always ended up fighting with her schoolmates. Ahli is a trouble maker but despite that, she has a deep scar in her heart because of the past. Apart...