Chapter 45

8.1K 177 4
                                    

Chapter 45: 'Alcantara sister's'

Ahli's POV

Makalipas lang ng ilang araw, lunes na at may pasok na! Parang kailan lang, nakahiga lang ako sa kama at walang magawa at ngayong araw parang ayaw ko pang pumasok. Pakiramdam ko nabitin ako sa semestral break namin.

Pero kahit anong angal kong wala akong magagawa. Papasok at papasok pa rin ako sa paaralan. Simula ng mag kaayos na kami ni 'mommy'. (-.-). Hanggang ngayon, hindi padin ako sanay na tawagin siyang 'mommy'. Nahihiya ako at parang ang sosyal naman pakinggan nun. Ayoko sana, pero yun na lang daw itawag ko sa kanya at 'mama' naman kay mama.

Yun nga, simula ng nagkabati na kami, palagi niya akong pinapasyal sa kung saan saan. Kumbaga, nagba-bonding. Nalaman na din ni hans na step sister lang niy ako pero kahit ganun, hindi nag iba ang trato namin sa isa't-isa. Para pa din siyang mas nakakatanda kung tratuhin at sungitan ako.

Para ngang ngayon na lang ako nakaramdaman ng ganitong 'saya'. Matagal ko ng hinhiling at talagang nagpapasalamat ako dahil natupad na. Wala na ata akong mahihiling pa. Pakiramdam ko buong-buo na ako at eLa nang kulang dahil nasa akin na lahat ng taong nagpapasaya sa akin.

Kahit late na akong pumasok sa klase, nanatili akong nakangiti. Kahit pinagalitan na ako ni sir montevaldejo, nginitian ko lang siya kaya naman lalo siyang nagalit at muntikan na akong palabasin, buti na lang dumating si principal para magmonitor bawat classroom. Nagtataka nga si ayna dahil para na daw akong nababaliw. Ano daw bang nangyari sa akin noong semestral break, para maging ganito ako kasing saya. Sabi pa niya, namaligno daw ako pero imbes na magalit nginitian ko siya ng pagka tamis-tamis.

Hindi makapaniwalang tinignan niya ako at saka nagtatakang dinuro.

"Hindi pala, na engkanto ka, tama! Naengkanto. Nababaliw ka na ahli. Diyosko, kung ako sayo magpa albularyo ka na. Sasamahan pa kita."-tatango niyang sabi at saka nagpamewang sa harapan ko.

Hindi pumasok ang second lecturer namin dahil absent kaya naman malaya kaming magingay ngayon dahil wala kaming bantay. Si ayna naman ay kanina pa nakatayo sa harapan ko na para bang sinesermunan.

"Tsk. Napaka OA mo talaga. Di ba pwedeng masaya lang ako?"-tinaasan ko siya ng kilay at saka nginisihan.

Nanlaki ang mata niya at saka sinabunutan ako dahilan para mapahiyaw ako.

"Aba at nginingisihan mo na ako. May iba sayo eh. Sabihin mo nga---oh my god!"-magaspang ang pagkaka english niya atsaka napatakip pa sa bibig. "Huwag mong sabihing, nagpo-prose sayo si khanz at ikakasal na kayo? Bakit ang bilis naman ata?"

Malakas ko siyang hinampas na malakas niyang kinasigaw dahilan para mapatingin sa kanya ang mga kaklase namin. Pero mabilis lang naman silang nag iwas.

"OA mong babae ka! Upakan kita diyan eh, kung ano anong iniisip mo!"

"Eh ano nga bang dahilan at bakit sobrang saya mo ngayon? Nagshashabu ka ba?"-hinimas niya ang balikat niyang hinampas ko at saka naupo na sa tabi ko.

Napangisi ako. "Bati na kase kami ni mama at saka nalaman ko na ang totoong nanay ko."

"Ows? Bati na kayo ni tita? Okay naman pala---TEKA! Anong totoong Ina? Mayron ba akong hindi nalalaman? Ano yun, may dalawa kang nanay?!"-gulat niyang sigaw kaya mabilis ko siyang sinuway at lumapit ng husto sa kanya.

"Huwag kang maingay."-asik ko at saka kinwento sa kanya kung anong nangyari. Kung paano ko nalaman at ang dahilan niya kung bakit ngayon niya lang ako nahanap.

Sobrang laki ng mata niya at halos malaglag na panga niya sa gulat.

Tinawanan ko na lang siya kase para na siyang naestatwa at hindi na makapagsalita.

HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon