Chapter 37

8.5K 171 1
                                    


Chapter 37: 'When Jealousy Strikes'

Ahli's POV

Hanggang ba naman dito, nakikita ko padin sila? Nakakainis na ah. Ano bang nagawa kong mali para ipamukha niya sa akin na hindi ako kawalan?

"Aish!"-napa face palm na lang ako sa inis.

Pati ba naman sa library, naglalandian pa sila? Tangina naman oh!

Inutusan kami ng teacher namin dito sa library para maghanap ng sagot tungkol sa mga tanong na binigay niya sa amin. Kaya naman, nandito kaming lahat para sumagot at hindi ko din aasahang nandito din si khanz at yung thamy.

Ewan ko ba, parang sinasadya nilang ipakita sa akin eh. Kanina pa ako nabuburyo dito. Kapag talaga hindi ko napigilan sarili ko, ibabato ko sa kanila tong lamesa. Nakakainis.

"Ano, kanina ka pa diyan pero wala ka pa namang sagot! Di nagsasalita yang libro ha."-bulong ni ayna sa tabi ko.

Sininghalan ko siya ng tingin saka padabog na sinarado ang tinitignan kong libro. Sumandal ako sa likod ng upuan at humalukipkip.

"Wala akong ganang maghanap ng sagot. Pakopyahin mo na lang ako mamaya."-nababagot kong sabi at pasimpleng sinulyapan ang dalawang nagtatawanan sa kabilang table. Mapagalitan sana kayo.

Kung makipaglandian eh, parang walang tao. Bahagya pa talagang naka akbay si khanz sa likod ng upuan ni thamy habang nagtatawanan sila. Tsk.

"Oh yang tingin mo para ka ng papatay."-natatawang biro niya kaya naman napa iwas ako ng tingin sa gawi nila.

Napansin pa talaga ng babaeng to. Tsk.

"Baka ikaw ang patayin ko."-banta ko at saka kinuha ang notebook niya.

Nagsimula na akong kopyahin ang mga sagot niya habang siya naman ay nakasandal sa kanyang upuan.

"Weh? Ako nga ba? Baka naman---"

"Huwag mo kong umpisahan."-matigas kong sambit pero natawa lang siya.

Anong trip ng babaeng to at ganito na lang mang asar. Tsk.

"Mukhang nawawala na ang pagtingin mo kay zad ha? May iba ka na bang gusto?"

Padabog kong sinarado yung notebook niya at saka sinamaan siya ng tingin.

"Wala akong gusto."-pinalidad kong sabi pero hindi siya naniwala.

"Alam ko ang mga ganyan mong tingin ahli. Huwag mo kong lokohin. Nagseselos ka, halatang-halata."-sabi niya na para bang tama ang kanyang hinala.

Bumuntong hininga na lang ako sa kakulitan niya.

Bakit naman ako magseselos? At kila khanz pa talaga? Hello? Ni wala nga akong gusto kay khanz eh paano ako magseselos? Utak neto eh punong puno ng malisya.

"At kanino naman ako magseselos aber?"

Ngumisi siya kalauna'y nginuso ang gawi nila khanz.

Agaran akong umirap at saka umiling. "Bulag ka ata ayna. Bakit naman ako magseselos eh alam mo namang si zad ang gusto ko. Siya lang wala ng iba."-depensa ko habang nakabusangot na ang mukha.

Napipikon na talaga ako sa usapan namin. Hindi naman talaga ako nagseselos. Naiinis lang ako kay khanz dahil matapos niyang sabihin ang mga salitang magpapalito sa damdamin ko saka lang siya lalayo sa akin. Tsk. Isa siyang dakilang manloloko.

"Alam mo ahli, hindi lahat ng sa tingin mo ay totoo. Oo, mahal mo si zad pero hindi pang habang buhay siya na lang ang mamahalin mo. Lahat nagbabago, yang pagmamahal pa kaya?"-seryoso niyang sabi.

HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon