Chapter 11

10.2K 145 1
                                    

Chapter 11

'Who's khanz?'

Ahli's POV

Lunes na lunes pero parang gusto ko na lang manatili sa bahay at magkulong. Gusto kong magtago para walang makakita sa akin. Gusto ko ng tumayo sa aking kinauupuan at umuwi na lang.

Pakiramdam ko palaging may nakamasid sa akin. Pakiramdam ko pinapanood nila ang mga kilos ko. Palagi akong sumusulyap sa likod ko o di kaya'y sa kaliwa't kanan ko upang masiguro lang na walang sumusunod sa akin.

Natatakot ako pero wala akong magawa kundi ang manahimik. Wala akong mapagsabihan sa nangyari sa akin noong nakaraang araw dahil natatakot ako na idamay rin nila ang mga taong malapit sa akin.

Lutang at Tulala.

Yan ako ngayon dito sa aming klase. Hindi nakikinig sa gurong nasa harapan ko dahil hanggang ngayon, naalala ko pa ng maayos yung nangyari sa akin ng gabing yun. Naalala ko pa lahat ng sinabi sa akin nung men in black. Paulit ulit na sinasambit sa aking isipan.

Hindi ko aakalaing ako pa ang lalapitan ng mga taong yun para lang pumatay. Sa dinami-rami ng taong pwede nilang pagbantaan, ako pa. Wala naman akong ginawa sa kanilang masama dahil sila mismo ang unang lumapit sa akin. Wala akong matandaan na may atraso ako sa kanila kaya hindi ko lubos akalaing na ganito ang ipapagawa nila sa akin.

'Patayin mo si khanzler varhmiel lacuesta'

Napapikit ako ng mariin ng muling pumasok sa aking ang utos nila sa akin. Iniisip ko pa lang, natatakot na ako at kinakabahan. Mali ito. Hindi ko kayang pumatay. Alam kong sumuntok at makipag away pero hindi ko kayang kumitil ng buhay ng isang tao.

At isa pa, hindi ko kilala ang sinasabi nilang khanzler. Paano kung mamamatay tao rin yun? Paano kung ang magulang eh pulis o abogado? Pag nagkataon, tiyak na makukulong talaga ako.

Bakit ba ang malas malas ko? Ganito na ba ang kapalaran ko? Hindi man lang ba ako makakaranas ng saya. Palagi na lang hirap ang dinadanas ko.

Pero kahit anong gawin at isipin ko, wala akong magagawa. Wala akong pagpipilian. Dahil kapag hindi ko yun gawin, ako ang malalagay sa panganib.

*flashback*

"A-ayoko pong gawin yang p-pinag uutos niyo. H-hindi ko kayang gawin yun."-napapalunok akong tumingin sa lalakeng masama na ang tingin sa akin.

Ayokong gawin ang bagay na yun dahil tiyak na makukulong ako. Ano na lang ang sasabihin ng iba, si mama. Siguradong kamumuhian nila ako. At ayokong mangyari yun. Masyado pa akong bata para gumawa ng mga ganong krimen. Natatakot ako.

"Gusto mo bang mamatay?"-galit na tinutukan niya ako ng baril kaya nataranta ako.

"H-hindi po---"

"Eh yun naman pala eh! Gawin mo ang inuutos ko kung hindi yang buhay mo ang kapalit. Naiintindihan mo ba?!"

"B-bakit ako?"-naiiyak ko pangtanong at napayuko.

"Aangal ka ha? Huwag kang usisera! Kapag hindi mo ginawa yan ako mismo ang papatay sayo! Tandaan mo, lahat ng kilos mo alam na alam ko."

*end of flashback*

Ayokong mamatay. Gusto kong mabuhay dahil may umaasa sa akin. Maiiwan ko sina mama kapag nagkataon at wala ng tutulong sa kanila. Pero kaya ko bang pumatay?

Napalunok ako sa isiping yun at sinilip ang bag ko kung saan nandun yung swiss knife na bigay sa akin nung men in black. Nanginginig ang kamay kong hinawakan yun. Pinagpapawisan ako pero hindi ko na inabalang punasan. Damang dama ko ang malakas na pintig ng puso ko.

HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon