Chapter 22

9.4K 190 2
                                    


Chapter 22: 'Cutting ties'

Ahli's POV

Sa gitna ng labanan, hindi padin nawawala ang malakas na kabog ng dibdib ko. Natatakot ako sa anumang mangyari lalo na't isang mafia ang kalaban namin.

Akala ko si mondriguez na ang pinaka tinatakutan kong tao dahil siya lang ang walang awang pumapatay ng tao. Siya yung tipong gagawa ng masama para lang magtagumpay sa kanyang plano. Wala siyang pake sa iba kundi sarili lang niya.

Pero ng makilala ko si khanz...

Hindi ko na alam kung dapat ko pa siyang pagkatiwalaan o kung dapat ko pa siyang kilalanin ng lubos. Dahil sa pinapakita niya sa akin ngayon, binibigyan niya ako ng dahilan upang matakot ako sa kanya.

Hindi ko pa siya lubos kilala pero halos araw-araw na kaming nag uusap. Hindi nga kami kaibigan pero unti-unti na siyang napapalapit sa akin. Kaso, wala akong ibang alam tungkol sa kanya kundi isang lalakeng mayaman at may atraso kay mondriguez.

Sa pinapakita niya sa akin ngayon, lalo akong naguguluhan sa pagkatao niya. Hindi lang siya kundi ang mga kaibigan din niya.

"Ahlisha..."-natauhan ako ng marinig ko ang kanyang boses.

Tsaka ko lang naalala na nasa gitna kami ngayon ng labanan.

Umangat ang paningin ko kay khanz, may bahid na takot at kaba sa aking mukha. Hindi ko na alam kung sino pa ang pagkakatiwalaan ko. Hindi ako tanga para hindi malamang masama siyang tao. Pangalawang beses na siyang pumatay ng tao sa mismong harapan ko at natatakot ako dun.

Paano niya magawang sikmurain yun? Saan siya kumukuha ng tapang para kumitil ng buhay ng tao? Sa isiping yun, para na rin siyang si mondriguez na walang ibang ginawa kundi ang gumawa ng masama.

"Ahlisha..."-muli niyang tawag sa pangalan ko at akmang lalapit sa akin pero mabilis akong napaatras.

Nanatili akong nakaupo sa lupa habang siya ay nakatayo sa harapan ko. Naguguluhan sa inasta ko.

Nanginginig ang mga kamay ko at ramdam ang takot na bumabalot sa puso ko.

Unti-unti na ba kitang nakikilala khanz?

"What are you doing?"-kunot noo niyang tanong.

Napalunok ako at umiwas sa kanyang titig.

"H-huwag kang lalapit."-nauutal kong sambit habang patuloy sa pag atras.

"What?!"-naguguluhang bulalas niya.

Magsasalita pa sana siya kaso nagsilapitan na sa gawi namin ang mga natitirang tauhan ni mondriguez kaya walang nagawa si khanz kundi makipaglaban sa kanila.

Hindi niya hinayaang may makalapit sa gawi ko dahil lahat ng lumalampas sa kanya ay mabilis niyang nababaril.

Walang akong magawa kundi ang tumulala sa kanyang ginagawa. Hindi ko alam pero ngayon lang ako nakaramdam ng takot kay khanz. Isa siyang masamang tao. Alam ko yun. Bakit hindi ko naisip yun ng mas maaga?

Ang tanga mo ahli. Nagpabulag ka sa kanya. Nabulag ka sa tunay niyang anyo dahil sa kagustuhan mong makawala sa sitwasyong ito. Dahil sa kagustuhan kong makalabas sa gulong to. Kaya nakalimutan ko na masama siyang tao dahil sa kagustuhang humingi ng tulong sa kanila. Kinalimutan ko yun.

Tama ba ang ginawa ko o mali?

"P*tangina! Sumama ka sa akin kung ayaw mong sumabog yang ulo mo!"-halos mapaigtad ako sa gulat ng marinig ko ang boses ni mondriguez sa aking likuran.

Dumagundong ang matinding kaba sa aking dibdib. Nanlalaki ang mga mata kong bumaling sa kanya. Wala siyang kasama. May hawak siyang baril at nakatutok yun sa akin dahilan para mas lalo akong kabahan.

HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon