Chapter 13

9.9K 157 1
                                    

Chapter 13

A/N: Another chapter to read. Enjoy=)

'Start of being close'

Ahli's POV

"Nasaan tayo?"-tanong ko ng tumigil ang kanyang sasakyan sa tapat ng isang bahay.

Simple pero maganda. Walang first floor pero malawak. Yan ang unang pumasok sa isip ko ng makita sa ang bahay na nasa harapan ko.

"Headquarter."-simpleng sagot ni khanz na nanatili pading walang emosyon ang kanyang mukha.

Nang matapos ang labang yun, hindi na kami nag imikan pa sa byahe. Iniwan na lang namin basta ang mga men in black kaya kinabahan ako na baka may makakita sila na duguan at mga walang buhay pero sabi ni khanz, may dadating na magliligpit sa kanila.

Hindi ko na lang yun pinansin dahil natulala na ako. Madaming bumabagabag sa isip ko na kailanman hindi na ata masasagot.

Pinasok ni khanz ang kanyang kotse sa garahe at mabilis na bumaba. Sinundan ko naman siya at pumasok kami sa bahay na yun.

Walang tao. Dilim ang unang bumungad sa amin kaya naman kinapa ni khanz ang switch at nung bumukas ang ilaw, tumambad sa akin ang malawak na bahay.

Malawak ang sala dahil may mga sofa at malaking tv.

"Come in."-tipid niyang wika kaya naman sinunod ko siya. Sa gilid ay kitang kita mo ang kusina'ng napakalinis. Katabi niyon ay ang dining table at may hallway padun na hindi ko alam kung ano na ang nandun.

"D-dito ka ba nakatira?"-taka kong tanong ng makaupo kami. Magkaharap.

"Hindi."

"H-ha? Eh sinong bahay t-to?"

"Close ba tayo para sabihin ko?"-napangiwi ako sa tinuran niya.

Napahiya ako dun sa sinabi niya pero pinilit kong huwag magpa apekto. Gagong to! Sarap sipain!

"Tsk. Nagtatanong lang naman."-bulong ko at umirap ng palihim.

"I heard you."

O_O

Lakas namang pandinig ng damuhong to.

"Ay teka, ano bang ginagawa ko dito?"-ngayon ko lang na realize yun ah.

"Bakit ka nga ba nandito?"-pabalik niyang tanong at humalukipkip.  Mataman niya akong tinignan kaya napaiwas ako.

"Kase dinala mo ako dito."

"Nakisakay ka sa kotse ko."

"Ikaw ang humila sa akin kaya ako napunta sa kotse mo!"

"Kase nga pinaputukan tayo ng baril kaya pinasok kita sa kotse ko."

"Dahil kasalanan mo kung bakit tayo pinaputukan ng baril! Nadamay lang ako dito!"

"Kase matigas ang ulo mo!"

"Anong konek nun sa sinabi ko?"-mataray kong sabi at tinaasan siya ng kilay.

"Nothing. Tsk."-umirap siya at muling namutawi ang katahimikan sa paligid.

Nakakainis ang lalakeng to. Napakagaling sumumbat at napaka sungit!

"I just want to say that, eventhough I killed those bastards it doesn't mean your safe now. No, because mondriguez are still hunting me well of course with you too."

"At dahil yun sayo. Aminin mo man o hindi kahit baliktarin mo ang mundo kasalanan mo kung bakit ako ang nadamay. Hindi ko sila kilala, alam mo yun at dahil magkasama tayo noon sa playground akala nila may pinagsamahan na tayo kaya siguro ako ang inutusan nila para patayin ka. Hindi ko sana yun gagawin sayo kaso wala akong choice dahil ako ang papatayin nila. Ano ba kasing ginawa mo at gustong gusto ka nilang patayin?"-mahabang lintanya ko pero mukhang hindi siya interesado.

HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon