Chapter 47

8.1K 152 3
                                    

Chapter 47: 'Warning'

Ahli's POV

"Oh? Bakit ang tahimik mo diyan?"-puna ni ayna ng mapansing hindi ako umiimik sa aking kinauupuan.

Mukhang absent ang teacher namin dahil hindi naman ito dumating kaya naman malaya kami ngayon at kayang gawin lahat ang gusto namin. Sobrang ingay ng buong klase pero hindi ko kayang makipagsabayan dahil naokupado tong isip ko sa mga sinabi sa akin ni mama kagabi.

Nakatulong nga sa akin lahat ng sinabi niya ngunit kinakabahan ako sa makahulugang payo niya sa akin bago niya ako nilayasan. Nahirapan nga akong natulog kagabi dahil laman padin sa isip ko ang mga sinabi niya.

Nasagot na nga yung tanong ko pero para namang may pumipigil sa nararamdaman ko lalo na sa huling sinabi ni mama. Natatakot ako at naguguluhan.

"HOY!"-natauhan lang ako ng bahagyang tapikin ni ayna ang balikat ko at tinignan ako na para bang nagtataka sa inaasta ko ngayon.

Bumuntong hininga na lang ako at saka umayos ng upo. Humarap ako sa kanya at saka patagilid na sumandal sa sandalan ng upuan ko.

"Oh, anong problema mo? Nanakawan ka ba? Parang pang byernes santo yang mukha mo eh."-dagdag niya pa pero wala talaga akong ganang patulan pa siya dahil wala talaga ako sa mood. Baka masipa ko pa mukha niya palabas ng classroom namin, magsisisi talaga siyang pinagtripan ako ngayon. Tss.

"Huwag mo muna akong istorbohin dahil marami akong iniisip ngayon."-walang gana kong tugon pero imbes na manahimik siya, inismidan lang niya ako.

"Tulad ng ano? Tungkol kay khanz ba?"-bakas sa boses niya ang pang aasar kaya naman di ko mapigilang irapan siya.

"Paano mo nasabi?"

"Kase simula ng naging kayo ni khanz wala ng araw na hindi mo siya naiisip, tama ba? Yung tipong hindi mo lang siya nakikita eh nami-miss mo na. Naku, alam ko na ang mga ganyang kilos mo. Ano bang iniisip mo at bakit ganyan na lang kaseryoso yang mukha mo, ang pangit pangit mo na tuloy."-panlalait pa niya.

Tignan mo ang babaeng to. Kung makapagsalita parang hindi nanglalait eh. Iba talaga tabas ng dila ng babaeng to.

"Eh ano naman sayo?"-pagsusungit ko at nangalumbaba sa desk ko. Feeling ko, wala akong lakas ngayon makipagdada sa babaeng to dahil napuyat ako kagabi.

"Sinasabi ko lang sayo, ang lakas ng tama mo sa kanya gurl! Ibang iba eh! Akalain mong ilang weeks lang kayong nagkakilala eh grabe ka mabaliw kay khanz samantalang kay zad noon eh, ilang taon mo siyang nagustuhan pero hindi ka naman ganun kabaliw tulad ng kay khanz."

Para bang nubahayan lahat ng natutulog kong organs dahil napa ayos agad ako ng upo sa narinig kong sinabi niya.

"Paano mo naman nasabe yun? Halata ba talaga ako o sadyang dahil magkaibigan lang tayo kaya mo napansin?"

"Ganito, dahil ako ang pinakamagandang kaibigan mo sa balat ng lupa..."-palihim akong umismid. Tangina, nagawa pang magbiro tong babaeng to. "Bibigyan kita ng nakakapagpagabagab damdaming salita ng isang magandang dyosa----"

"Pwede ba deretsuhin mo na ako, ayoko ng mga pasikot sikot mo lalo na't wala namang kwenta. Peste, sinasayang mo oras ko."-asik ko at di na pinatuloy ang nakakairita niyang sinasabi.

Sumimangot naman siya at binalewala na lang ang aking sinabi.

"May mga Iba't-ibang klase kase ng pagmamahal. Pagmamahal sa pamilya, kaibigan, kapatid o kasintahan. At kung titignang mabuti ahli, dahil nakasama mo ng matagal si zad bilang kaibigan nabulag ka sa salitang 'mahal mo siya' pero sa sarili kong opinyon minahal mo siya dahil kaibigan mo siya hindi dahil siya ang tinitibok ng puso mo."-tuluyan na akong natigilan sa kanyang sinabi. Dahil kahit anong pilit kong itanggi, tama naman yung mga sinasabi niya ngayon.

HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon