A/N: Waaaahh! Finally, nakabalik na ko, lol. Super duper sorry guys, hindi agad ako nakapag update huhuhu. Pinaghintay ko kayo ng one week kaya naman babawi talaga ako. And sa mga nag ko-comment at nagmessage sa akin, thank you very much! Pati sa mga nagvo-vote. Patawad dahil hindi ko kayo mareplyan. Kaya naman dito ko na lang kayo pasasalamatan. Magmula sa kauna-unahang chapter hanggang dito, alam kong nakasupport kayo sa akin and I love you all!! Muah♥♥
Chapter 44: 'Hurtful Past'
Ahli's POV
Kinabukasan...
Ngayong umaga napagdesisyunan kong gumising ng maaga. Mabilis akong kumain ng agahan at naligo. Naisipan ko kaseng dalawin si papa ngayong maaga pa dahil paniguradong maraming tao ngayon sa sementeryo dahil araw ng mga patay.
Hindi lang ako sigurado kung dadalaw si mama kay papa dahil hindi niya yun ginagawa noon. Hindi ko alam pero pakiramdam ko may galit si mama kay papa at hindi ko matukoy kung ano yun pero sana, balang araw masabi sa akin ni mama. Gusto ko lang naman malaman kung bakit naging ganun.
Napabuntong hininga ako bago lumabas ng bahay. Hindi na ako nagpaalam kay mama dahil nasa kwarto lang siya at hindi lumalabas. Sabi naman ni hans, susunod na lang daw siya sa akin dahil maaga pa naman.
Pagkalabas ko ng bahay, agad na bumungad sa akin ang sinag ng araw ngunit ang hangin ay malamig na sinasayaw ngayon ng buhok ko. Napagdesisyunan kong pumitas na lang ng bulaklak sa bakuran namin na si mama ang nagtanim nito noon pa.
Pagkatapos kong pumitas ng lima, agad na akong nagtungo sa paradahan ng mga jeep. Medyo malapit lang to sa amin at hindi ko naman kayang lakarin papuntang sementeryo dahil malayo yun sa bahay namin.
Ilang minuto lang ang tinahak ko ng marating ko ang lugar kung saan dito ko pwedeng makausap ulit si papa. Naglakad ako ng ilang minuto hanggang sa marating ang isang malaking puno sa gilid na bahagi ng sementeryo.
Pinagmasdan ko ang punong ngayon ay matayog na at pwede na ding pagsilungan. Ilang taon na nga ba ang punong ito? Simula ng mailibing si papa dito, naisipan kong magtanim ng puno sa tabi ng kanyang lapida para mabilis ko siyang mapuntahan kung dadalaw ako. Hindi ko naman alam na ganito na pala katayog ang punong ito.
Pitong taon. Pitong taon ng hindi ko kasama si papa. Pitong taong kay tagal ko siyang gustong ulit makita pero wala akong magawa. Siyam na taong gulang palang ako, nawala na si papa sa piling ko. Kung tutuusin napaka saklap ng napagdaanan ko. Kase siya ang taong unang minahal ko. Siya ang unang taong nandyan lang sa tabi ko.
Napangiti ako ng mapait habang marahang hinawakan ang puno na may nakaukit doon.
'Miss na kita, pa'
Hanggang ngayon, naaalala ko parin ang mga panahong kailangang kailangan ko siya dahil nahihirapan na ako. Hanggang ngayon, sariwa pa sa isip ko kung paano ako umiyak sa harapan ng lapida niya upang bumalik lang siya sa akin.
Dahan dahan akong naupo sa damuhan kung saan nasa harapan ko na ang lapida niya.
'In loving memory of Leorando V. Bustamantelo'
Born: August 2, 1975
Died: Febuary 13, 2004
"Pa, nandito na ako. Sorry kase hindi na ako madalas nakakadalaw sayo. K-kamusta ka na?"-mahina kong sabi at saka linapag ang mga bulaklak na pinitas ko kanina.
Hinawakan ko ng marahan ang kanyang lapida kung saan nakaukit doon ang kanyang pangalan. Di ko mapigilang mapangiti ng mapait kasabay ng pamumuo ng mga luha ko sa aking mata.
BINABASA MO ANG
HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1) (COMPLETED)
Action(RAW/UNEDITED) Ahlisha Zoxzhen Bustamantelo has a simple life. She studies at public school and she always ended up fighting with her schoolmates. Ahli is a trouble maker but despite that, she has a deep scar in her heart because of the past. Apart...