Epilogue

13.7K 171 27
                                    

Epilogue

January 1, 2012

Ahli's POV

Nagising ako ng marinig ko ang cellphone kong nagvibrate na nasa ilalim ng unan ko. Kahit papiki pikit at walang gana, kinuha ko yun at binuksan ang natanggap kong text message.

From: Khonner

Today is our flight. You can still chase him if you want...

Sent. 9:00am

Mabilis akong nagtalukbong ng kumot habang kusang tumulo ang mga luha ko. Tahimik lang akong naiyak habang paulit ulit sa isipan ko ang text ni khonner.

Paano ko siya hahabulin kung ayaw na niya? Halata namang ayaw niya sa akin at nasasaktan ako sa katotohanang yun. Pinagtabuyan na niya ako, wala na akong laban.

Pero wala ng mas masakit na ngayon ang alis niya. Ilang oras na lang wala na kami sa iisang lugar. Ilang oras na lang hindi na pareho ang hanging linalanghap namin. Ilang oras na lang, mawawala na siya ng tuluyan.

Tahimik lang ako doon, mag isang umiiyak.

Hanggang sa naisipan kong itigil na ang kahibangang ito. Ako na sinisira ang sarili ko dahil sa kanya samantalang siya nagawa pa niyang magkaroon ng iba. Sing bilis na hindi ko inaasahan. Hindi ba talaga niya ako minahal? Mahirap ba talaga akong mahalin? Bakit ganito? Wala ba akong halaga na mabilis na lang niya akong tinapon?

Mabilis akong tumayo at naligo. Bagamat mabagal ang kilos ko, kailangan kong mabuhay ng hindi siya iniisip. Kailangan ko siyang kalimutan tulad ng mabilis niyang pagkalimot sa akin. Kahit masakit, kailangan kong kayanin.

Bumaba ako ng kwarto para kumain dahil napagtanto kong wala akong kain simula kahapon.

Pagkababa ko ay dumeretso ako sa kusina ngunit hindi pa man ako nakakapunta ay nakarinig ako ng dalawang taong nag uusap. Kung hindi ako nagkakamali, ay sina mommy yun at tita marinel. Hindi ko man inaasahan ang pag uusap nila dito, wala akong magawa kundi ang makinig lalo na't narinig ko ang pangalan ko.

"Leyah, I think ahli knows something about you and leo..."-panimula ni tita marinel.

Kumunot ang noo ko at napalapit ng konti sa gawi nila.

"W-what do you mean ate?"-nagtatakang tanong ni mommy.

"She knows the organization leyah. And I'm afraid, we have to tell her the truth."-seryosong pakausap nito sa kanyang kapatid.

Sa di malamang dahilan, kumabog ang dibdib ko sa kaba. Para bang may mga sikreto silang kailangan ko talagang malaman lalo na kay mommy.

"No! It's not yet time. Hindi pa ito ang tamang oras."-kinakabahang tanggi nito.

"But we have to tell her sooner! Ang kwintas niya! Yun ang nagpapatunay na isa siyang----"

"Na ano ako?"-mabilis akong sumulpot sa harapan nila dahilan para halos matumba sa gulat si mommy ng makita ako.

Nakita ko ang paglunok nito habang si tita marinel ay seryosong tumingin sa akin.

"Anong kinalaman ng kwintas ko sa organisasyon? "-seryoso kong tanong at kinuha ang kwintas na suot ko. Pinagmasdan ko ang nakaukit sa singsing.

A. M. Q.

Matagal ng palaisipan sa akin kung anong ibig sabihin nito. Akala ko kung isang simpleng meaning lang pero hindi pala. May kinalaman ba to sa organisasyon? Sino ba talaga ako? Kilala ko pa ba ang sarili ko? Nalilito na ako.

"Do you know what's the meaning of that?"-tanong ni tita marinel.

Napakunot ang noo ko bago umiling.

Akmang magsasalita si tita ng pigilan siya ni mommy. "Ako na ang magpapaliwanag."-agad naman nakuha yun ni tita kaya mabilis na itong umalis. Lumapit sa akin si mommy bago ako seryosong tinitigan sa mata.

Hindi ako kumilos. Hindi din ako umimik. Kinakabahan ako.

"Me and you're father became the mafia's of azazel. Anim kami, actually. Kami ang naitalagang magiging mafia queen and boss ng bawat pamilya namin. I became the mafia queen of alcantara while leo became the mafia boss of bustamantelo that's why the box na nakuha mo sa iyong kwarto noon ay may nakaukit na M.B.B which means mafia boss of bustamantelo. Kay papa mo yun..."-malungkot itong napabuntong hininga at mahigpit na napakapit siya sa aking balikat. Hindi ito mapakali at para bang nag aalinlangan pa siyang ituloy ang sasabihin nito.

Parang habang tumatagal ay naninikip ang dibdib ko sa aking nalalaman. Hindi ko aakalaing may ganitong mundo sila noon. Halos hindi na ako huminga sa susunod niyang sabihin.

"At kapag dumating ang tamang panahon, kailangan naming ipasa ang titulong mayron kami sa mga anak namin...."

Nanlaki ang mata ko sa gulat. Hindi agad ako nakahulma sa aking nalaman hanggang sa may nabuo akong konklusyon.

"Kaya ba, sina khanz ang papalit...."-hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil pakiramdam ko may bumara sa lalamunan ko. Nanikip ang dibdib ko habang pilit na prinoproseso ang mga nalaman ko.

Naluluhang napatango si mommy at napayuko. Malakas itong bumuntong hininga bago ako hinawakan sa aking pisngi. Natulala na lang ako kay mommy at wala sa sariling nangiligid ang luha ko saking mata.

"Ibig bang sabihin nito...."-hindi ko alam kung anong ire-react ko. Kinakabahan ako sa katotohanang....


"Yes. You'll be the next Azazels Mafia Queen."

________________________________________

Authors note will be the next. Read it please because it's very important. ^___^

Date: 1/6/20

HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon