Chapter 19: 'Begin'Ahli's POV
"Why did you leave?"-yang ang unang tanong niya pagkaupong pagkaupo pa lang namin sa umbrella.
Hindi ko nagawang sumagot agad dahil sa pagkabigla. Inaasahan ko namang magtataka siya kung bakit umalis agad ako kahapon pero hindi ko aakalaing, pupunta pa siya dito para lang tanungin ako. Hindi ako nakapag handa na pwedeng idahilan. Bwisit.
Hindi ko naman pwedeng sabihin na 'zad, nasaktan kase ako. Hindi ko aakalaing may girlfriend ka na pala at ang sakit lang dahil hindi mo ako kayang mahalin tulad ng pagmamahal ko sayo.'
Edi malalaman niyang may gusto ako sa kanya. At hindi lang niya ako kakausapin baka layuan niya ako at yun ang ikinatatakot ko. Ayoko siyang layuan ako sa kaalamang may gusto lang ako sa kanya.
"Ah ano...diba sabi ko sayo na may pinapabili sa akin si mama? N-nakalimutan ko kase kaya ayun...u-umalis na ako. Alam mo namang magagalit yun kapag hindi ko ginawa yung u-utos niya."-paliwanag ko ng hindi tumitingin sa kanya.
Ang hirap magsinungaling lalo na sa kanya. Ang hirap magtago lalo na't alam kong masasaktan rin lang naman ako. Ang hirap ng ganitong sitwasyon.
"Pero pwede ka namang bumili pagkatapos nating kumain ah? Ayaw mo ba kay hayzelle? "
O__O
O__o
o__O
"H-hindi ah!"-agad kong tanggi at saka umiling iling pa.
Bakit naman yun ang naisip niyang dahilan ko?
"Then why?"-bakas padin ang pagtataka sa kanyang mukha. Para siyang bata na hindi nakatanggap ng tamang sagot.
Napabuntong hininga ako at saka humarap sa kanya.
"Hindi sa ayaw ko kay hayzelle. Talagang nakalimutan ko lang yung pinabibili ni mama. At sorry dahil hindi ako nakasabay sa inyo. Promise sa susunod na kakain kayo, sasabay na talaga ako."
Pero sisisguraduhin kong wala na akong nararamdaman sayo para hindi na masakit.
"Ill take your promise okay?"
Tumango tango naman ako saka siya nginitian. Yung ngiting hindi umabot sa aking mata. Ngiting nagpapatunay na, nahihirapan na ako.
Katahimikan ang bumalot sa amin. Wala akong masabi dahil nahihirapan ako. Para akong kinakapos ng hininga dahil sa kirot na nararamdaman ko sa aking puso.
"What do you think of hayzelle?"-kapagkuwa'y tanong niya.
Pareho kaming nakasandal sa bench habang nakatingin sa mga punong sinasayaw ng hangin.
Kailangan ba talagang ako ang tanungin niya? Peste. Nasasaktan na nga ako,kailangan pang doblehin.
"Mabait naman siya."-tipid kong sagot. Pansin ko naman ang pagsilay ng ngiti sa kanyang labi.
Ibang-iba yung ngiti niya. Halatang mahal na mahal niya si hayzelle. Samantalang ako, kapag nginingitian niya purong kaibigan lang. Walang ng iba.
At ang sakit para makita siyang ganun.
"Yeah. She's really kind. Unang kita ko pa lang sa kanya, alam ko nang nagustuhan ko na siya. The feeling that I never knew before. She's my first love. Hindi ko aakalaing magmamahal ako ng ganitong kalalim. Lahat na ata ng gusto ko nasa kanya na. Kaya hindi na talaga ako magtataka kung bakit ganito ko na lang siya kamahal. I finally found her ahli. My love of my life at pinapangako kong hindi ko na siya papakawalan pa."
BINABASA MO ANG
HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1) (COMPLETED)
Action(RAW/UNEDITED) Ahlisha Zoxzhen Bustamantelo has a simple life. She studies at public school and she always ended up fighting with her schoolmates. Ahli is a trouble maker but despite that, she has a deep scar in her heart because of the past. Apart...