A/N: Masipag akong mag update ngayon kaya naman, happy reading!
Chapter 32: 'One of the azazel'
Ahli's POV
Matalino ang kapatid ko pero dahil magkadugo kami mas matalino padin ako no!(-.-)
Syempre, hindi ko pwedeng sabihin sa kanya ang totoong nangyari. Ayaw kong madamay ang kapatid ko. Hindi pwede. Kaya naman kung anong nalalaman ni ayna ay ganun na din ang kinwento ko.
Sinabi kong kinidnapp nila kami dahil kailangan nilang pera. At naniwala naman ang kapatid ko. Nakahinga ako dun ng maluwag. Siya kase yung tipong mahilig magtanong. Alam niyo naman ang mga matatalino, hindi kuntento sa katiting na impormasyon.
Gusto ng mga magulang ni ayna na ireport ang nangyari sa mga pulis at sinabi ni khonner na nakakulong na daw ang mga ito. Pero ang alam ko, patay na silang lahat. Sinabi na lang niya yun para hindi na nila malaman ang totoo at para hindi na sila madamay pa.
Napag alaman din naming nasa labas na pala kami syudad. Kaya pala malapit kami sa karagatan ng mapunta kami dito. Kaya pala matagal ang byahe namin ng makidnapp nila kami. Hindi ko aakalaing sa malayo pa nila kami dadalhin.
Hapon na at nasa tabi ko ngayon si hans, kasalukuyang natutulog. Napagod daw. Sabi ko naman, paano siya mapapagod eh hindi naman siya ang nagdrive kaya ayun nakatanggap na naman ako ng pingot sa tenga. Tsk.
Lumabas ang mga magulang ni ayna para asikasuhin ang mga bills namin. Pero si ate zaynah na ang nagbayad kaya wala ng nagawa ang mga magulang ni ayna. Inaasikaso lang nila ang pagtulog namin ngayong gabi dahil bukas pa kami makakalabas.
Nakatulog na din ang mga kasama ko at ako na lang ang nanatiling gising.
Mabilis akong tumayo at nagtungo sa veranda ng kwarto. Bumungad sa akin ang malamyos na ihip ng hangin. Ang kulay kahel na langit at ang papalubog na araw. Humawak ako sa railings at napapikit.
Ang sarap ng pakiramdam kapag malaya ka. Ang sarap pakiramdaman ang paligid lalo na't wala kang problema. Malayo sa realidad ko.
"Bakit hindi ka pa natutulog?"-napalingon ako ng marinig ko ang boses ni ate zaynah.
Gising na pala siya.
Nginitian ko siya ng makitang nakangiti siya sa akin at muling binalik ang paningin sa kalangitan. Ramdam ko naman ang pagtabi niya sa akin.
Nanatili kaming tahimik habang nakatingala, walang nagsasalita.
Hanggang sa marinig ko ang paghinga niya ng malalim.
"Alam kong marami kang tanong sa isip ahlisha."-umpisa niya. Taka naman akong napatingin sa kanya. Nanatili siyang nakatingala habang nakangiti pero hindi abot sa kanyang mata. Pakiramdam ko ang lungkot lungkot niya.
Hindi ito ang kilala kong ate zaynah eh. Hindi siya ito...
"Khonner Lacuesta."-banggit niya sa pangalan ng kapatid ni khanz. Puno ng lungkot ang kanyang boses. "He's my first love."
Hindi nga ako nagkakamali. May relasyon sila dati.
"We were still young back then. Free. No worries. I love him so much that I can't barely live without him. He's my first love afterall."-at saka siya natawa habang may umaagos ng luha sa kanyang pisngi.
Humigpit ang pagkakahawak niya sa railings habang ako walang magawa kundi ang makinig.
"Kasali kami sa isang organisasyon. Hindi sa kagustuhan namin kundi ang pamilya namin. Me, khonner, drex, casz, renzo and drex step sister."-dagdag niya na lalong nagpa kaba sa akin.
BINABASA MO ANG
HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1) (COMPLETED)
Ação(RAW/UNEDITED) Ahlisha Zoxzhen Bustamantelo has a simple life. She studies at public school and she always ended up fighting with her schoolmates. Ahli is a trouble maker but despite that, she has a deep scar in her heart because of the past. Apart...