Chapter 14

9.9K 160 4
                                    

Chapter 14

'His Friend's'

Ahli's POV

"Tae ka gelo! Hindi ka ba nakakain ng tatlong araw? Ang takaw mo!"-komento ni rondrick habang pinagmamasdan naming kumain siya ng pancit. Naka styro yun at punong puno!

Kakabili lang namin sa canteen kanina at nagpa hirit pa ang gago! Hindi na nahiya, buti na lang at hindi nagalit yung nagbebentang dalaga dahil may crush siya kay gelo. Akalain mo yun, may nagkakagusto pala sa ugok na to. Akala ko mga bakla lang. Hahaha.

Kasalukuyan kaming nakatambay sa umbrella malapit sa gate ng St. Momtris dahil malapit ng uwian. May meeting ang faculty dahil may dadating daw na bisita sa lunes.

"Pasalamat nga to at at nakahirit. Grabe, hindi ako makapaniwala na may nagkakavusto sayo gelo. Nyahahaha."-tawa ni ayna sabay hampas sa balikat ni gelo.

"Ano ba! Kumakain ako!"-reklamo niya na punong puno pa ng pancit sa bibig!

"Ang dugyot mo! Kumain ka nga ng maayos."-puna ni lester at saka umirap pa.

"Bakla neto."-biro ni gelo sa kanya.

"Ang takaw mo! Buti kung tumataba ka, ang payat mo naman! Para ka ng kalansay!"-at saka nagtawanan kami sa biro ni ayna.

Hindi naman talaga payat si gelo. Hindi din mataba. Sakto lang at aaminin kong gwapo naman siya. Moreno, matangkad pero hindi kasing tangkad nila lester at rondrick. Palatawa, palabiro, matakaw, at pala away. Hindi na yun bago pero kapag makikilala mo siya ng husto, mabait naman talaga siya. Mahirap din siya tulad ko. Namatay ang nanay niya noong nanganak siya sa kanya. Yung tatay naman niya nagta-trabaho ng construction worker. Walang kapatid si gelo at yung lolo at lola niya sa ina ay nasa probinsya.Masipag si gelo at mapagmahal sa tatay niya. Pagdating sa tatay niya masunurin siya. Wala nga yang bisyo eh. Hindi tulad ko na naninigarilyo.

"Kalansay mo mukha mo! Ang gwapo ko kaya. Baka pag nag-pa gwapo pa ako, mahuhulog brief ni mr montevaldejo."-biro niya kaya natawa kaming lahat, maliban kay lester na naka poker lang.

"Gago! Baka marinig ka ni sir, ihahampas niya sayo yung pamaypay niya."-tawa ni rondrick.

"Subukan lang niya, babastedin ko siya. Marami pa namang babae diyan na nagkakandarapa sa akin."-ngisi niya at saka ni-shoot yung styro sa basurahan.

"Utot mo! Nagkagusto lang yung tindera sa canteen, ang yabang mo na."-biro ko kaya umasim mukha niya.

"Talaga naman ah! Maraming nagkakagusto sa akin. Di tulad sa masungit na to, konti lang."-pabirong tinuro niya si lester na tahimik lang at naka kunot noo.

"Sapakan na yan."-biro ni rondrick na mabilis sinuway ni ayna.

"Hindi kase ako tulad sayo na hambog."-irap ni lester kaya natawa kami nila ayna.

Iba naman ang gwapo ni lester. Kahit hindi ngumiti, gwapo siya pero kapag ngumiti yan paniguradong magkakagusto ka sa kanya. Matangkad at saka moreno. Tahimik at snob rin yan pero kahit ganun mabait yan. Palaging nakakunot noo at hindi tumatawa. Ewan ko nga kung bakit. Mahal ang ngiti niyan. May nagkakagusto namanpero lamang ang mat takot sa kanya. Tulad din siya samin ni gelo na mahirap. Namatay yung tatay niya noong bata pa lang siya. Yung nanay naman niya iniwan siya at nagka pamilya na sa iba. Yung lola lang ni lester sa tatay ngayon ang nag aaruga sa kanya pero kahit ganun masaya siya sa piling ng kanyang lola. Kita namin ang pagmamahal ni lester dito dahil siya na ang tumayong nanay at tatay nito.

"Hambog mo mukha mo! Ang yabang mo!"-tawa ni gelo.

"Saan ang yabang dun? Gago neto. Tara na nga at baka makita ka ni mr montevaldejo at ma inlove pa sayo."-natawa kaming lahat sa biro ni lester at umasim naman ang mukha ni gelo.

HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon