Chapter 23: 'New Enemy'Ahli's POV
Natapos ng isang buong linggo ng hindi ko na nakakausap sina khanz. Natapos ang isang linggo'ng hindi kami nagkakausap dahil nagpapagaling ako. Akala ko kapag nakapasok na ako sa school, babalik kami sa dati. Akala ko kapag magaling na ako magkakausap pa kami pero mukhang hindi na ata.
Dahil sa nalaman ni zadkiel na napasali ako sa gulo nila khanz, gumawa siya ng paraan para hindi na kami magkausap-usap pa. Nag transform siya ng school sa school namin at bantay sarado na ako sa kanya.
Kapag bantay sarado, palagi ko na siyang kasama. Hindi siya kailanman humiwalay sa akin. Nagtataka sina ayna kung bakit nagtransfer si zad at kung bakit daw niya ako palaging nasa tabi niya. Inaasar nila ako pero mukhang di ko magawang pansinin sila dahil tila nagbago na ang ihip ng hangin.
Kapag nakakasalubong naman namin sila khanz, hihilain ako ni zad papalapit sa kanya at parang hindi kami magkakakilala kung umasta si zad. Madami ng nagbago at hindi ko mapigilang madismaya.
Lalo na ang pagkakaibigan ni zad at kila khanz. Nagawa niyang talikuran sina khanz ng dahil sa akin at nagi-guilty ako. Kasalanan ko dahil nagsinungaling ako kay zad. Sana sinabi ko sa kanya ang totoo pero magbabago din ba ang isip ni zad kapag sinabi ko ng mas maaga? Sa tingin ko hindi.
Matagal ko ng gusto na makasama palagi si zad pero bakit ngayong natupad ay tila nagbago na bigla ang isip ko? Dapat masaya ako. Dapat masaya ako ngayo'y tapos na ang paghihirap ko. Dapat masaya ako dahil nawala na ang takot na nararamdaman ko. Pero bakit parang kabaliktaran ang nararamdaman ko?
Hindi ba't mas okay na tong mapapalayo na ako kila khanz para hindi na ako madamay sa mga gulong pinasok nila? Ito na ang matagal kong hinihiling. Ang maging malaya ngunit bakit parang ang bigat bigat ng dibdib ko?
"HOY! AHLISHA BUSTAMANTELO NAKIKINIG KA BA?!"
Halos mapaigtad ako sa malakas na sigaw ni ayna sa akin. Nakakabingi yung sigaw niya kaya napapangiwi na lang ako.
"Yan talagang bunganga mo eh no! Nakalunok ka ba ng speaker?!"-inis kong singhal sa kanya at inirapan pa siya.
Grabe! Ang sakit sa tenga!
"Eh ikaw kase eh! Kanina pa kita kinakausap diyan! Ano bang problema mo at kanina ka pa nakatitig kay gelo?"-reklamo niya habang nakanguso.
Kala mo cute, ang lasgwa namang tignan leche!
Kasalukuyan kaming nasa canteen para sa break time namin at sakto naming nakita namin si gelo at lester edi naki table na kami.
Napatingin naman ako kay gelo na ngayon eh masaganang kumakain ng spaghetti. Sarap na sarap yung gago.
"Inggit ka noh? He! Bumili ka ng sayo!"-belatsa akin ni gelo at saka nilayo pa ng konti sa akin yung pagkain niya.
"Porket nakahirit ka ng spaghetti ganyan ka na. Kung ipakain ko kaya sayo tong plato ko!"-singhal ko sa kanya at inirapan din.
"Subukan mo nga! Isama mo na pati kutsara't tinidor!"-hamon pa niya,
"Aba't gago ka pala eh!"-binato ko sa kanya yung plastic bottle ko na wala ng lamang tubig. Sapul sa mukha!
"Aray!"-reklamo pa niya.
"Teka nga, teka nga! Kinakausap kita eh!"-nabaling naman atensyon ko kay ayna.
"Ano ba kase yang dinadada mo?"
"Tsk. Di ka kase nakikinig! Ikaw pa may ganang magreklamo!"
"Sino ba kase may sabe sayong kausapin mo ako?"-inis na singhal ko sa kanya at bahagyang sumandal sa aking upuan.
BINABASA MO ANG
HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1) (COMPLETED)
Aksi(RAW/UNEDITED) Ahlisha Zoxzhen Bustamantelo has a simple life. She studies at public school and she always ended up fighting with her schoolmates. Ahli is a trouble maker but despite that, she has a deep scar in her heart because of the past. Apart...