Chapter 36: 'Childhood Friend'Ahli's POV
Ilang araw na ang nakalipas, marami ng nagbago sa paligid. Pagdating kay zad, palagi ko na siyang iniiwasan. Kapag nagsasalubong kami, ako ang unang lilihis ng daan. Walang magawa naman si ayna kundi ang sumunod sa akin. Nasabi ko na sa kanya na umamin na ako kay zad kaya hindi na siya nagtaka.
Tapos si mama, ewan ko pero parang biglang nag iba ang ihip ng hangin. Kinakausap niya ako pero hindi ko siya pinapansin. Nagtataka na nga si hans sa mga kinikilos niya pero hindi ko na lang siya pinapansin.
At si aleyah alcantara. Nagpapasalamat ako dahil hindi na siya nagpapakita sa akin. Mas mabuti na yun para hindi ko siya masabihan ng masasakit na salita. Baka hindi ko mapigilan ang emosyon ko. Hindi ko pa siya tanggap ngayon. Hindi pa sa ngayon.
Pati si marinel kang, mukhang hindi na siya nagpaparamdam sa akin. Mabuti yun dahil hindi ko padin mapigilang mahiwagaan sa pagkatao niya. Masyado siyang misteryosa sa paningin ko.
"Ahli, nood tayo mamaya ng banda."-yaya sa akin ni ayna.
Nakaupo kami ngayon sa loob ng classroom habang kumakain ng junk foods. Palihim kaming kumakain para walang makahalata sa amin. Alam mo naman kapag nakarinig ang mga kaklase namin. Paniguradong hihingi silang lahat. Tsk.
"Saan?"-tanong ko at saka pasimpleng sumubo.
Hindi dumating ang teacher namin dahil may meeting daw silang lahat. Kaya naman wala kaming ginagawa. May sari-sarili kaming mundo dito eh.
"Sa quadrangle. Mamimili daw ng bagong banda si sir montevaldejo dahil ga-graduate na ang mga myembro ng banda natin."-paliwanag niya.
Si sir montevaldejo kase ang pumipili ng mga bagong myembro kapag banda ang pinag uusapan. Siya ang nag babantay sa mga myembro ng banda. Nagtataka nga lang ako kung bakit ngayon pa nilang naisipan pumili. Di na lang nila ginawa noong last month.
"Ano namang gagawin natin dun?"-walang gana kong tanong at saka sumandal sa likod ng upuan ko.
"Malamang manonood! Utak talaga neto!"
"Huwag mo nga akong sigawan. Sipain ko yang sugat mo sa likod eh!"-singhal ko sa kanya at saka inagaw yung hawak niyang chichirya.
"Hoy, subukan mo lang talaga. Ako sisipa likod mo! Masakit pa kaya!"-reklamo niya at sinimangutan pa ako.
Pasimple siyang dumukot ng rebisco sa kanyang bag. At nang mapansing walang nakatingin sa kanya, mabilis niya yung binuksan at sinubo.
Napailing na lang ako. Ayaw mamigay yan pagdating sa rebisco niya. Na adik ata sa biscuit na yan eh.
"Dinig kong magagaling daw sasali dun. Nood tayo mamaya. Wala naman tayong teacher at saka madaming studyante ang manonood dun."-excited pa niyang sabi habang punong puno pa ng pagkain ang bibig.
Ang dugyot talaga kumain nito. Tadyakan ko eh.
"Oo na, oo na. Ang kulit mo! Sumali ka na rin kaya."-asar kong sabi.
"Ayokong sumikat noh!"-mayabang niyang sabi at saka ngingisi ngisi pa.
Napangiwi ako. "Talagang sisikat ka! Sa makabasag salamin mong boses, imposibleng hindi ka sisikat."
"Grabe ka mang insulto ha. Makisakay ka na lang sana eh."-nakasimangot niyang sabi. Halatang napikon sa sinabi ko.
Natawa na lang ako at di na ulit nag salita. Baka umiyak pa yan pag nasobrahan ko siyang asarin. Mahirap na baka ngumawa na naman to dito. Wala pa namang hiya to.
Pansin kong napasulyap siya sa kanyang cellphone ng mag vibrate ito. Nanatili naman akong pinapanood reaksyon niya ng makita kung sino nag text. Ngumingiti pa ang loka na animo'y kinikilig.
BINABASA MO ANG
HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1) (COMPLETED)
Action(RAW/UNEDITED) Ahlisha Zoxzhen Bustamantelo has a simple life. She studies at public school and she always ended up fighting with her schoolmates. Ahli is a trouble maker but despite that, she has a deep scar in her heart because of the past. Apart...