Chapter 58

8.2K 133 6
                                    

Chapter 58: 'Letting Go'

December 25, 2011

Ayna's POV

"Merry christmas, tita."-nakangiting bati ko kay tita ethelly at mabilis na nakipagyakapan sa kanya.

Ginantihan naman niya ako at nginitian ng malungkot. Magang maga ang mata nito dahil galing sa pag iyak. Ganun din si tita leyah na nasa tabi nito. Wala naman akong magawa kundi ngitian sila para kahit papano ay gumaan ang pakiramdam nila dahil nalulungkot sila sa nangyari pero kahit ako ay di kona mapigilang maiyak.

Halos dalawang linggo na ang lumipas ngunit hindi pa din kami nakaka move on sa madilim na pangyayaring yun. Wala kaming magawa kundi ang umiyak sa nangyari. Alam kong malala ang nangyari kay khanz at ahli dahil sa mga tama nila ng baril pero nagpapasalamat kami dahil nagamot agad ang mga sugat ni khanz at nakauwi na galing sa hospital noong isang linngo lang.

Pero, si ahli....

Lalo akong napaiyak dahil sa nangyari sa kanya. Hindi namin aakalain na sasaluhin niya ang bala na para kay khanz dahilan para mahulog sila at tumama ang ulo niya sa bakal.

Dahil sa ginawa niyang yun ay malaki ang pinsala na nakuha niya lalo nat may tama din siya sa hita. Kung sino man ang may gawa nun ay walang awa. Masamang tao at walang puso.

"T-tita, magpahinga muna kaya kayo?"-pilit kong hindi pinahalata ang boses kong nanginginig. Pero hindi ko nakaya dahil mas lalo akong naiyak sa itsura nilang ni walang pahinga man lang.

"Hija, were okay."-pilit na nginitian ako ni tita leyah bago tinignan ang natutulog na anak sa kama. Walang malay, maraming naka kabit na tubo sa katawan.

Nagkatinginan na lang kami ni hans at morreth na tahimik lang na nakaupo sa gilid. Pareho din silang malungkot at nag aalala.

Tandang tanda ko pa kung paano namin sinugod si ahli at khanz sa hospital. Pareho silang basa at walang malay. Marami silang tama ng bala at mga sugat. Lalo na si ahli. Dumudugo pa ang ulo dahil sa pagkatama nito sa bakal.

Hanggang sa sinabi ng doktor na nagamutan na si khanz, nakahinga kami ng maluwag pero ng malaman namin ang kalagayan ni ahli, naiyak na lang kaming lahat. Nagamot na nga ang mga sugat niya, natanggal na ang bala sa hita at likod niya pero wala kaming kasiguraduhan na magigising pa siya. Na coma siya pero hindi namin alam kung hanggang kailan siya matutulog. Nakakalungkot isipin na hindi na magigising si ahli.

Ilang araw na ang lumipas, umaasa kami na sana, sana bumalik siya. Sana, magising na siya. Kapag talaga hindi, ako ang babaril sa kanya. Na miss ko na ang bestriend ko.

Umupo ako sa tabi ni morreth at bumuntong hininga.

"Anong balita kay khanz?"-tanong ko habang nanatiling nakatingin kay ahli na payapang natutulog.

Narinig ko ang malungkot niyang buntong hininga. "Ayaw niyang lumabas ng kwarto niya. Palagi siyang nagkukulong, kulang na lang hindi na siya kumain. Ginawa nila tita jeane, ang mommy ni khanz ang lahat pero wala talaga."

Lalo akong nalungkot sa kalagayan ni khanz. Naaawa ako dahil sinisisi din niya ang sarili niya sa nangyari kay ahli. Wala naman kaming magawa dahil pati sina renzo ay hindi din siya nakikinig. Alam kong si khanz ang higit na nasasaktan kaysa sa amin dahil sa pagka coma ni ahli.

HIS HIDDEN IDENTITY (BOOK 1) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon