Encounter #1

593 27 10
                                    

"Ok, next."



"Next, please."



"Next number."



"Balik ka na lang next time."



"Tatawagan ka na lang namin kapag okay na? Okay?"


"Sorry, hindi namin nagustuhan ang performance mo."



'Yan lamang ang mga madalas kong naririnig sa lahat ng pinapasukan kong singing and dance contest. Sumabak na rin ako sa acting workshop at sa mga kung ano-ano pang entertainment show sa Maynila.

Ngunit ni-isa ay hindi ako nagtagumpay. Hirap na hirap akong pumasok noon sa mga ganoong trabaho dahil siguro sa hitsura ko na isa lamang na probinsyanang naghahangad ng maayos na pamumuhay na feeling ko ay mahahanap ko dito sa Maynila. Maayos naman na ang buhay namin ngunit mas masaya ang buhay kapag nahihirapan ka at pinagpapawisan.



Ayaw ko ang buhay na KATUGI - kain-tulog-gising. Napakabored, at halos hindi ko na makikita kung anong klaseng tao ang mayroon sa Pilipinas.


Sa hindi nakakapaniwalang nangyari, ang kapalaran ay nagbago ng matanggap ako sa isang bahay bilang isang ganap na kasambahay.

"Steeeeppphhh......!"

L

Napabalikwas ako sa banyo ng biglang sumigaw ng malakas si Tita Abi sa kusina.

It's a saturday-busy morning, a day to do a lot of house chores, in short; KASAMBAHAY MODE!


Tumakbo ako papunta sa kanya, "Oh my goshh, tita. Sorry po. Nakalimutan ko."

"It's okay, next time don't forget to turn off the stove kapag naluto na ang ulam. Lesson learned."
-Pagwawasto sa akin ng amo kong babae. Waahh! Hindi naman talaga ako marunong sa mga gawaing bahay. Sabi ko nga gusto ko lang ng buhay na may challenge. Nakakasawa kasi maging mayaman.


"Opo," - malumanay na sagot ko kay tita Abi habang magkahawak ang aking dalawang kamay na punong-puno ng bula.




Shempre, 'di rin ako marunong maglabao no. Kunting patunog-tunog lang sa mga damit habang kinukusot, okay na yun sa akin.

"Mamaya mo na ipagpatuloy ang nilalab'han mo. Just prepare the dinning table at gigisingin mo na ang mga kapatid mo sa kwarto."


Hiling ni tita sa akin habang inaayos niya ang muntikan ng masunog na beefstake. At naghugas na ako ng kamay upang ihanda na ang lamesa para sa aming breakfast.

"Mga kapatid mo." - kumunot ang noo ko ng sambitin niya ang mga katagang iyon hahabang inihahanda ko ang lamesa. Super bait talaga niya. Ayaw niyang ituring akong kasambahay sa loob ng tahanan nila.

"Oh, naghanda ka na ng mga dishes, pero 'di mo man lang pinunasan ang lamesa?" Mahinhin na tanong sakin ni tita abi.

Sabi ko naman sa inyo, wala akong alam na trabaho. Okay?

Pinusod ko ang buhok ko habang paakyat sa kwarto ng mga lalaki kong amo. Napahinto ako ng saglit nang makita kong bukas ang isang kwarto. Lumapit ako at sumilip ng dahan-dahan sa loob.

"Hindi ka ba marunong kumatok?"


Napabalikwas ako sa gulat ng may nagsalita sa aking likuran. Napa-atras ako ng bahagya habang nakayuko dahil tumama ako sa dibdib nito.

"Sorry po, ser. Kakain na daw po kayo."- tugon ko dito. Naglakad ako at dumaan sa kiliran ng matangkad, nakahubad at nakaboxer na lalaki habang nakatayo ito ng matikas sa labas ng kwarto na aking pinuntahan.



Ricci Rivero EncountersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon