STEPH'S POV:)
Tumakbo ako papuntang CR matapos kung maipahayag ang aking personal statement. Alam kong hindi tama ang tumakas dahil hindi pa natatapos ang interogation.
Hindi pa nasisentensyahan ang inakusahan at wala pang decision ang mga Jury at Judges pero umalis na ako kaagad.
Hindi pa nakakapagbigay ng pahayag ang side ni Ricci.
Habang humahagulgol ako sa loob ng CR biglang may pumasok.
"Paano mo nagawang magsinungaling?" Tanong ng familiar na boses sa aking likuran. Inangat ko ng dahan dahan ang aking ulo at nilingon siya.
"Ma?" Si mama. Siya ang attorney nila Ricci. Gusto ko siyang lapitan at yakapin pero pinipigilan ako ng aking mga paa.
"Diba flight mo ngayong buwan? Paano ka nasangkot sa crimen na ito, Steph. Sagutin mo ako. Kailan ka pa nagkaganyan, Ha?"
Sunod sunod na tanong ni mommy. Hindi ako nakasagot sa mga tanong niya."Bakit mo yon nagawa? " Tanong niyang muli.
"Si D-dad at G-grace, ma. Kung hindi ko yon gagawin, ma-m-mamatay sila." Utal kong paliwanag umiiyak.
Nagulat siya sa sinabi ko. "What are you saying. Nababaliw ka na ba?"
"Hinatid ako ni papa at Grace sa condo, lumabas ako para bisitahin si Carmen pero matagal na pala siyang patay. Pagbalik ko sa condo unit nandoon na ang mga tauhan ng mama niya at kinukuha si Papa at Grace. Kapag di raw ako pumanig sa kanila papatayin niya sila Papa." Mahabang paliwanag ko.
Lumapit sa akin si mama at niyakap niya ako habang pinapatid ang aking likuran.
"So are you supposed to be our witness?" Gulat na tanong ni mommy sa akin at pinaglakihan ako ng mata.
"Yes mom. Sinabihan na niya ako noong pumunta siya sa bahay. Hindi ko naman akalain na ganon ang mangyayari eh. Mom, please. Anong gagawin ko?" Hagugol ko. Niyakap ako ni mommy.
Dahil sa sobrang iyak ko ay nabahiran ng luha ang coat ni mommy. "It's okay, it's okay. Shhss... everything will be okay. Hindi nanalo ang kasamaan sa kabutihan. Remember that." Bulong niya sa akin habang pinapatahan niya ako.
"Hindi pa tapos ang kaso. Babalik pa tayo bukas dahil wala pang hatol ang mga jury at Judges. Okay? Maayos natin ito."
"Yes ma. Pero paano si Grace at Dad?" Alalang sagot ko.
"Hihingi tayo ng tulong sa mga Police." Sagot naman ni mama.
Naibaling ang tingin namin sa bandang pintuan ng may marinig kaming padyak ng mga paa at tunog ng sandle.
Nagkunwari akong naghihilamos at si mommy naman ay nag ayos ng coat at lumabas na.
"Good Job, Stephanie. You did well." Napahinto ako sa aking ginagawa ng magsalita ang babae sa likuran ko. Tinignan ko ang kanyang postora sa salamin, at siya nga. Si Carmelita Chuan, ang mama ni Carmen.
Nginitian ko siya ng pilit. "Are you crying?" Gulat na tanong nito nang harapin ko siya.
"Uh-- no! Tears of Joy...." I answered, and paused "So, paano yan? Makaka uwi na ba si dad at ang kapatid ko?" Tanong ko sa kanya.
"Yes, at nasa Airport na sila ngayon, hinatid na sila ng mga kasamahan ko, wala ka nang dapat ikatakot." Mataray niyang sagot. Hindi ko alam kong yayakapin ko siya dahil sa tuwa o papasalamatan ko siya sa ginawa niya. Pero diba dapat siya ang magpasalamat sa akin?
BINABASA MO ANG
Ricci Rivero Encounters
ФанфикA Political Science student meet the UAAP Basketball Hearthrob. She became his University buddy, travel buddy, and his certified housemaid. Eventually, the girl fell inlove with her until such time they became mutual. But this Hearthrob still inlove...