Encounter #36

134 2 0
                                        

A/N: Malapit na itong matapod. Sana nagustuhan niyo yong story. Marami pang twists! Hehehe. Enjoy reading.

S T E P H

" Sometimes the best way to be happy is to learn to let go of things you tried hard, to hold on to that are no longer good for you."

K I N A G A B I H A N
5:57 P.M

"Grace, sabihin mo nga sa akin ano nanamang pinagsasabi niya sayo at bakit nakuha niya ang loob mo para patuluyin siya sa bahay natin?" Bungad ko kay Grace na nasa kanyang kwarto na mabilis na nagbibihis ng pantulog na damit.
"Wala, naawa lang ako sa kanya. Ate, magtiwala ka nga sa akin kahit ngayon lang. Akombahala, di ka naman mamamatay eh." Sagot lang niya sa akin at lumabas na nang kanyang kwarto. "Anong magtiwala, ano bang pinagsasabi mong bata ka?" Dagdag ko pa.

"Sinabi mo rin ba yong tungkol sa US?" Tanong kong muli sa kanya. "Hindi, sabi ko lang nag t'tutor ka." Nakahinga naman ako ng maluwang nang banggitin ito ni Grace.

Sinundan ko siya pababa. "Grace, anong ipapakain natin sa kanya, ha? ! Naisip mo ba yon? Alam mo bang mapili yan sa pagkain? Hindi pa yan kumakain ng gulay at de lata." Pabulong ko sa kapatid ko habang sinusundan siyang pababa sa hagdan. "Ate, chill. Edi kasali na yon sa mission natin. Problema mo?" Nagtaka naman ako sa kanyang sinabe. "Anong mission ang pinagsasabi mo?" Tanong ko sa kanya ng pabulong. "Ah basta, just trust me. Kahit ngayon lang. Okay?" Tanging sagot lamang ni Grace sabay kibit balikat na tumuloy sa kusina.

I groaned and shook my head. I can't understand what Grace would want to deliver. It seems like Grace have a plans that I might not aware with. She's hiding something from me and I believed there was.


Nasa CR pa naman yong mokong kaya I took this opportunity to talk to Grace about this things. I followed Grace footsteps as she went at the regrigerator area. Kumukuha siya ng mga gulay upang lutuin.

Akala ko uumipsahan na ng kapatid ko ang pagluluto ngunit iniwan niya ito sa mesa. Sinandig ko ang aking likuran sa bandang lababo na area at nag cross arms habang sinusubaybayan siyang busy sa kusina. Tamang tama rin na lumabas si Rivero sa CR na nakabihis na habang pinupunasan ang kanyang basang buhok. Shempre hindi ko siya pinapansin, kahit hindi ko naman matiis. He wears plain white t'shirt and above the knee short pants. "H-hi, uhm--"

"First rule. Bawal mong kausapin ang ate ko unless kinakausap ka niya." Biglang pagpuputol ni Grace sa sasabihin ni Rivero habang nakatingin sa akin. Gusto kong tumawa pero pinipigilan ko para naman magmukhang sincere yong plano ni Grace. At naiintindihan ko na nga ang gusto niyang iparating. Alam ko na ang kanyang plano. "Okay, madali lang naman akong kausap eh. Pero paano kung may kailangan ako sa kanya?" Balik na tanong nito kay Grace nakita kong ibinaling niya ang tingin sa akin ngunit nagpakawalang kibo lang ako.

"Nasa kanya na yon kung kakausapin ka niya." Sagot naman ni Grace ng directa.

"Btw, marunong ka bang magluto?" Biglang tanong ng kapatid ko sa kanya na ikinagulat ko naman. "Grace!" Mahinahon kong sabi sa kapatid ko at tumayo ako ng matuwid ngunit pinigilan niya ako by signing his arm in a stop form. "Yes, uhm.. medjo. Ano bang lulutuin?" Sagot naman ni Tanga. "Pakbet, ito ang paboritong ulam ng ate ko. Gusto ko lutuin mo yan. Lagyan mo ng bagoong." Mataray na utos ni Grace habang papalapit si tanga sa mga gulay at inumpisahang balatan ito.

"Huh? Wala naman siyang sinabi sa akin na paborito niya ang patbek?" Reklamo ni tanga sabay wink sa akin. I don't know kung matatawa ako o maiinis. Tinignan ko lang siya ng tanga tanga look.

Ricci Rivero EncountersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon