Encounter #34

132 7 0
                                        

S T E P H

"Yon na yon? Eh gago pala yang Ribero na yan eh. Pinakilig ka lang di ka naman niligawan."

"Mismo!"

"MiSmOxS, pero umiiyak, ulol."

"Huh di no? Sumasakit lang mata ko sa laptop."

"Sabihin mo na inlove ka sa Ribero na yon, at isa pa bat ayaw mo ipabura yang mga larawan niya? Niyo?!."

"Grace! Rivero. Hindi Ribero. Shut up ka nga! Hindi nga pwedi kasi.."

"Kasi ano? Gusto mo pa siyang makita at kapag nagkita kayo ano? Aasa ka nanaman? Tapos? Haynako ate!"

"Grace! Pwedi ba? Ayaw kong malaman to nila mama, ayaw kong malaman niya na naging katulong ako sa Maynila. Dahil kung hindi baka itatakwil ako? Or else baka kakasuhan niya family ni ano,"

"Nino? Ni Riberu? Hay nako dapat lang no. Eh muntik ka ng mamatay pala noon tapos ganon ganon na lang?"

"Grace anuba! Support naman oh. Ayaw kong may kaaway pamilya natin. Please, promise me you won't tell mom and dad. Promise me, what happens here today stays here forever,"

"Okay,"

"Delete mo na nga yang mga yan ate. La namang kwenta yang naging boss mo. Mas mabuti pa akin na yang camera mo, gagamitin ko na lang sa Journalism. Haist! Pag makita ko talaga yon uupakan ko yon."

"Oo na Grace, ikaw na yong matapang. Marupok lang kasi siguro ako diba? kaya ako na ano.. ah basta! Oh. Ingatan mo yan ha. Bigay pa yan ng mommy niya sa akin."

"You're not telling your promise pa."

"Promise, ate. Swear!"

"Okay, I love you. Mwaaps!"

Matapos kong ikwento kay Grace ang lahat ng nangyari sa akin at sa Pamilyang Rivero within that 5 months ay ipinaubaya ko na lang ang nagiisang camera na remembrance ko sa family na iyon. Naka move on na man na ako pero hindi ko paring maiwasang masaktan sa nangyari.

Isang buwan na ang nakalilipas but those memories' still linggering in my mind. Sometimes, I couldn't deny it but to miss those memories with those special person I have meet before. They really captivated me, they mold me as what I have become now. The Stephanie who'd never used to cook, who would never do the laundry, whom never wash dishes, whom never do the grocery, but now, she literally change for goodness sake.

K I N A H A P U N A N

"Hindi ka naman marunong baliw ka. Di ka marunong mag focus. Ako na nga, upo ka jan." Pagmamaktol ko sa kapatid kong nag f'feeling Photographer, hindi naman marunong mag operate ng camera.

Nasa resort kami ngayon kung saan dinadayo ng mga tourista dahil sa anyo ng tubig at buhangin mayroon ang aming Isla. Gaya ng mga nakikita sa internet at usual na mga tourist spot. Nakasuot lamang ako ng v shape white lose t'shirt at short na above the knee.

As always, wala nanaman si mommy at daddy dahil busy sa courte. May inaasikaso naman sila na issue at crime. And we thought it takes month bago nanaman sila makabalik. Hindi ko rin alam hanggang kailan nila ipaglalaban ang kamalian ng kanilang mga cliente. Ewan ko ba sa mga lawyer na yan? Imbes na ituwid nila yong mali, nagagawa pa nilang magsinungaling sa Supreme Court along with thier opponent just to show that they really deserved to win the case even they don't.

"Ayan, kunan mo ako dito. Paki sabe naman kung anong ipopose ko? Fierce ba or smile." Paguutos ng kapatid ko sa akin. Napaka bossy neto, siya na nga yong nagpapapicture siya pa itong chossy, di naman kagandahan.

"Alam mo napapagud na ako sayo ha. Umuwi na nga tayo. Gutom lang yan." Pagrereklamo ko at agad na naglakad papuntang parking area bit bit ang camera. "Oww myy.... ate, wait..."

"Che bahala ka jan! Pagud na ako. Magpicture ka jan mag isa mo." Pagtataray ko sa kapatid ko at binilisan ang paglalakad. Medyo nakukuha na namin ang attention ng karamihan sa beach dahil nga sa magaganda kami. Chour! At shempre kilala kami rito kasi nga mayayaman ang Parents namin, pero hindi namin yon fine'feel kasi ayaw ko. Gusto ko mag enjoy sa buhay na walang baundaries.

"Sheet... wait.. huy!!! STEPAHNIE EVE GARCIA NAVALES!" bigla akong napahinto sa paglalakad ng tawagin niya ang buo kong pangalan. Humarap ako sa kanya ng dahan dahan at nag poker face.

"BAKIT GADIA GRACE  GARCIA Nava...les? What....?" Hindi ko natapos ang gantihan siya ng tignan ko kung saan nakatitig ang kanyang mga mata. "My ghad ate, may dumadating. Hanggwapo. Sheems," sabi ng kapatid ko na para bang uhaw sa gwapong lalaki.

Nakasabit lang ang camera sa leeg ko habang hinihintay na dudunggo ang sasakyan sa dunggoan. Hindi naman kalayuan ang parking area sa babaan ng mga pasaherong nanggaling sa iba pang bayan. Sa sobrang sinag ng araw isinuot ko ang aking shades.

Maya't maya pa ay iba na ang nararamdaman ko. Parang hindi na tama ang nakikita ko. Hindi 'to pwedi. Paano? Paano niya natontun ang lugar ko? Bakit? Bakit niya ako sinundan? Mamamasyal ba siya? O ano? Anong ibig sabihin nito?

"Grace, hali kana. Nagugutom na ako." Pag aya ko ulit sa kapatid ko. Pero wala siyang response bagkos naka titig lang siya sa lalaking naglalakad at naghahanap ng matutuluyang kwarto.

"Wait lang, ang gwapo niya. Magpapapicture ako." Sagot naman nito at akmang kukunin ang camera sa leeg ko ay binawi ko ito.

"Grace! Kailan ka pa nagkagusto sa lalaki? Tumigil ka nga. Hali ka na. Ang bata bata mo pa tigilan mo ang kalandian mo ha." Galit kong sabi sa kanya. Ayaw ko siyang magaya sa akin kaya ganon na lang ang pagdidisiplina ko sa 17 years old kong kapatid na babae at babae rin ang hanap madalas.

"Grace halikana! baka mamamatay tao yan. Baka criminal yan. Halikana!!" Gigil kong sambit kay Grace na ayaw talagang sumama. "Oh sige. Magpapicture ka sa lalaking yan." Pagbabawi ko ng makita kong papalapit sa kinatatayuan namin ang lalaking naka hoddie jacket at naka shades rin tulad ko. "Ate siya na yong crush k-- ate? Ate,?" Narinig ko pang bulong nito at pumasok na ako sa sasakyan.

"Wait!!! Steph??!! Hey!!" Narinig ko pang sigaw ng lalaki. Lalaking ayaw ko nang makita pa. Lalaking gusto ko ng ibaon sa limot. Lalaking nagbigay ng delobyo at sakit ng loob at nagwasak ng aking puso. At heto, akala ko tapos na, hindi pa pala.

Agad kong itinaas ang salamin ng aming sasakyan at pinatakbo ito ng mabilis pauwi sa aming bahay at naiwang mag isa sina Grace at ng lalaking iyon. Si Ricci Paolo Uy Rivero.

ENCOUNTER #34; Bakit niya ako sinundan?

***

So ayon na nga. Nagkita na silang muli.

Ricci Rivero EncountersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon