Nagising ako sa katutuhanang inlove na inlove na ako sa amo kong lalaki na si Ricci Rivero. Paano kasi ang rupok rupok ko. Kunting galaw lang niya binibigyan ko na ng meaning. Yung paggawa ko ng assignment niya, feeling ko Jowa niya ako non. Yung pumunta kaming mall, tapos ako umorder ng foods namin feel ko jowa ko na siya.
Yung nasalo niya ako palabas ng elevator, nag slowmo lahat sa paligid pati na ang feelings ko.... HAISSST! ang assuming ko na. Bakit? Bakit may ganon tayong nararamdaman? Na kahit wala naman talagang ibig sabihin pero pilit nating binibigyan ng malalim na kahulugan? Inlove na ba yun? Gosh!
Nandito ako ngayon sa kwarto niya, kino-kolekta ang mga damit na nagamit niya the whole week para huhugasan at lalabahan.
Sheems... bakit ganon? Kahit rumihin na ang bango parin? Haist! Steph, huwag ka ngang mag-isip ng ganyan.
Dali dali naman akong bumaba para tignan kung naluto na ang sinaing kong kanin. "Aleng, Lourdes. Paki tignan mo naman muna yung kanin na sinaing ko oh. Maglalabada lang muna ako, salamat po," hiling ko sa kasama kong kasambahay. Oo dalawa na kami dito na kasambahay. Ako ay pereonal buddy ni Ricci slash kasambahay, dahil daw lagi kaming magkasama lumalabas ng mokong na yun ay wala ng nag aayos ng bahay kaya ayon, naghanap ng bagong makakasama na certified kasambahay talaga hindi travel buddy kundi kasambahay mismo.
"Oh, siya sige na. Dalian mo baka aalis nanaman mamaya yung AMO MO." Mahinang bulong nito sa akin. Diniin talaga ang amo mo.
"Salamat po. Ang bait niyo naman."
"Syempre, sige na. Bilisan mo na." At dali dali naman akong naglakad papuntang banyo upang maglabada.
"Waaaaahhhhh!!!!"
Biglang kumabog ang dibdib ko ng naabutan ko siyang naliligo sa banyo. Naka topless lang siya at nag s'shower. Myyygghaad! Steeepphh.. wala kang nakita okay? Wala yun, sabi ko wala kang nakita.. huehue. this is bullsh*t. Nakalimutan kong magkatok sa sobrang pressure na baka mamaya ay hindi ko nanaman matatapos ito dahil sa pagmamadali.
"So-sorry pooo." Sigaw kong nagmumula sa labas ng banyo yakap-yakap ang mga damit na aking huhugasan. Tumakbo ako kaagad kay aleng lourdes. "Bat hindi niyo po sinabe na andon siya sa loob?" Bulong ko sa kanya.
"Eh... umalis kana agad eh. Sasabihin ko pa sana sayo." Sagot naman nito. Haist! "Oh ayan tapos na siya." Dagdag pa nito.
Dahan dahan akong naglakad papuntang banyo na nakayuko bitbit ang mga dumihin niya. Hindi ako umimik dahil baka papagalitan niya ako. Nakahinga ako ng malalim ng makaabot ako sa loob na walang natanggap na award.
Sa kalagitnaan ng paglalaba ko, " Extra-Large pala brief non?" Bulong ko sa sarili ko. Oh my... ang laki. Tapos puro Calvin Klien. Steph, ang landi mo nanaman. Hynako.
"Steph... bilisan mo mukhang aalis nanaman ang amo mo." Dinig kong bulong ni aleng Lourdes sa may pintuan ng banyo. "Sige po, babanlawan ko na lang ito---" "ako na magpapatuloy niyan bilisan mo. Kumain na siya." Mukhang mapagiiwanan nanaman ako kapag ipinagpatuloy ko pa ito kaya ang ginawa ko ay iniwan ko na lang ang gingawa ko at sinunod na lamang si Aleng Lourdes.
"Sir, diba may e me-meet kayo today?" Biglang tanong ko at nagulat naman siya sa inakto ko. "How did you know?" Tanong naman nito sa akin. Oo nga, paano ko nalaman? At biglang nag flashback sa akin yung narinig ko kagabi na may kausap siya. "Ahh--- I mean po. Diba always naman kayong lumalabas?" Palusot ko na lang at nagpatay maling inihahanda ang mga pinggan namin ni aleng lourdes.
Hindi kami nagsasabay kumain. Madalas siyang nauuna, kasi nga amo siya at kasambahay lang kami. So dapat always prioritise sila. "Yes, I have a training today." Sagot lang nito sabay tayo sa dining table dahil tapos na siyang kumain. At doon pa lamang ako nagumpisang kumain. Training? So pupunta kami ng training ground nila? bulong ko sa sarili ko habang kumakain.
BINABASA MO ANG
Ricci Rivero Encounters
FanfictionA Political Science student meet the UAAP Basketball Hearthrob. She became his University buddy, travel buddy, and his certified housemaid. Eventually, the girl fell inlove with her until such time they became mutual. But this Hearthrob still inlove...
