G R A C E
"Steph... wait..." rinig kong sigaw ng gwapong lalaki na nakasuot ng shades at hoddie jacket at above the knee na maong shorts. Wait, kilala niya ate ko? Langya. Paano?
Liningon ko ang ate ko pero hindi ito sumagot at tumingin sa lalaki, tanging ang ginawa niya lang ay pinatakbo na ang sasakyan palabas ng resort. Chossy naman ng ate ko? Ang gwapo na nang naghahabol pa hard to get pa ang gag*.
Nakita kong lumingon yong lalaki sa akin. "H--hi?.." bati ko sabay ng paghagod ng aking buhok na naka harang sa aking mukha at inipit ito sa likod ng aking tenga. "Beket me kelele eng ete ke? Kyah? Eheeh!" Pabebe kong tanong sa kanya. Pakipot amp. Pero parang di naman nasindak si kuya sa ganda ko. "Huh? Ate mo-- si, ate mo si Steph.?" Tanong niya sa akin na para bang hindi makapaniwala.
"Ebvious be? Shebe ke nge ete ke diba?" Sarcastic kong sagot. Eng bebe me nemen kyah. Gwepe ke pe nemen shene. Pabulong ko sa aking sarili na sakto lang para hindi niya marinig. Medyo nagpapakipot parin ako sa kanya. Tinanggal niya ang kanyang shades at kalo para maaninag niya ako ng tuluyan dahil hindi nga siya sigurado sa akin na kapatid ko si ate Steph. Mas nagulat pa ako ng bongga sa nakita kong mukha niya. I shook my head, chour!
"Wait!!! I-ikaw si-- IKAW SI RIBERO? HUH? BAKIT KA ANDITO HUH? ANONG GINAGAWA MO DITO? SUSUYOIN MO NANAMAN ANG ATE KO? TAPOS ANO? TAPOS MAHUHULOG NANAMAN SIYA SAYO? TAPOS KAPAG NAHULOG NA SIYA PAPAKASALAN MO NA YONG FIANCÈ MO? TAPOS--"
"Hey! Ouch!! Ouch!! Stop!" Pinaghahampas ko siya ng sling ng aking camera. Tinuro turo ko siya na para bang may utang sa akin ng napakatagal nang hindi nabayaran? Napapa atras lang siya dahil sinusulong ko siya at pinag duduro. "ANO SUMAGOT KA? SAGOT?! Ang tagal ko ng hinintay ang pagkakataon na ito ha, ano? Magsalita ka." Pananakot ko sa kanya pero nakangiti lang siya sa akin habang nakikinig na sinisigawan ko siya. Halos lahat na ng tao sa resort naka tingin na sa amin.
"Wait, hindi ka ba naga'gwapohan sa akin? Tssk!" Lalong nag init ang ulo ko sa sinabi niya.
"Wow! Ang kapal mo rin no? Asa ka pa? Ha, ganyan ba talaga basta mga basketball player? Ang kakapal ng mga apog, napakayabang aka--- HUY? kinakausap pa kita bumalik ka dito. Huy! Ribero?"
Hinabol ko siya nang sumunod siya sa direction kung saan pinatakbo ng ate ko ang aming sasakyan. Tumakbo ako ng pagewang gewang dahil naililibing ang aking mga paa sa buhangin bit bit ang camera na binigay ng ate ko sa akin. "Huy! Ribero!" Sigaw ko pa. Ang bilis niya maglakad ha, ang hahaba kasi ng mga paa niya parang kabayo maglakad.
"Huy wait! Saan ka ba talaga pupunta. Ano, uhm.. hoy!" Naglalakad na kami sa hallway ng resort kung saan sa tabi nito ay mga cottage or kwarto na pweding tutuluyan ng mga bisita. Maya maya pa ay pumunta na siya sa tourism quarter kung saan doon lamang pweding makipag communicate kung paano ang process ng pag stay sa Isla. Lahat ng protocol at babayarin ay doon pinoprocess.
Dahil close ko yong head ng tourism lumapit ako sa kanya kunware makiki inom sa water despencer nila. "Manang, ibagam na awan iti available nga kwarton." (Sabihan mo siya na wala ng available na room) bulong ko sa head ng tourism at bago ako lumabas. "Huh? Apaya? Ka am-amom isuna?" (Huh? Bakit? Kakilala mo ba siya?) Curious na tanong ni manang. "Wen, basta ibagam laeng." (Oo, basta sabihin mo lang.)
"Hi, sir. Welcome to S****** Highlands, and welcome to the Beautiful Province of S*******. Ano pong maipaglilingkod namin sa inyo sir?"
Narinig kong sabe ni manang. Akmang aalis na ako ng magsalita si Rivero. "Saan ba pweding makituloy? Or any quarters available here?" Tanong niya sa head ng tourism. "Ay sorry sir. Wala ng vacant. Kasi reserve po yong ibang rooms for the staff of abs-cbn media corps para sa shooting at taping nila ng magandang buhay." Mahabang paliwanag ni ate. Napangiti naman ako sa sagot niya.
Ano ka ngayon ribero? Magdusa ka sa lamig dito.
"oh my, sis. May gwapo sa tourism quarter."
"Luh? Oo nga, tara papicture tayo?"
"Tara sis. Bilis"
Narinig kong mga tilian ng mga babae na bisita rin sa Isla. Naka two piece at naka shades with matching round cap. Tssk! Mga higad!
"But sir, pwedi naman kayong magpatayo ng tent sa bandang dulo if you have with you your tent. Pero may bayad po. 200 pesos per day. Tapos sa foods niyo po pwedi kayong bumili sa food hub ng Isla. Or maghanap na lang kayo ng boarding house. Pero nasa kabilang bayan nga lang. Mga isang oras pa ang byahe." Narinig kong paliwanag ni Manang. Good job manang good job!
Paalis na ako, nakababa na ako sa quarter ng tourism dahil marami pang dumarating na bisita.
"Hey, saglit lang." Napahinto ako ng habulin ako ni Ribero. Napangiti naman ako sa tuwa dahil siya nanaman ang naghahabol ngayon. Nang lumapit siya sa akin tinanong niya kung saan ba pweding makatuloy. "Wala na bukod sa amin." Sagot ko naman. "Huh? Pwedi ba?" Tanong niyang muli.
"Shempre hindi. Ulol!" Mataray kong sagot at inirapan siya at naglakad na akong muli palabas ng resort. "Huy saglit lang, paano ba ako mapapatawad ng ate mo?" Sabe niya sa aking likuran. Oo nga paano nga ba? Napaisip ako. "Oo nga, bakit hindi mo yan tanungin sa sarili mo?" Sagot kong muli sa kanya at naglakad muli.
Naglalakad na ako papuntang parking area para hintayin ang sundo ko, tinext ko na rin si ate na magpapasundo na ako kay mang Bert, personal driver namin. Nakabuntot parin siya sa akin. "Pumunta ako dito para bisitahin ang ate mo. Nagaalala ako sa kanya dahil hindi siya nagpa alam."
Medyo naawa na ako sa kanya kasi hirap na hirap na siya sa paglalakad dahil sa gamit na dala niya at pagud sa byahe. "So bisitahin mo lang pala siya dito? Pwedi ka nang umuwi since nakita mo naman siyang buhay hindi ba?" Sagot ko sa kanya. Umupo ako sa mahabang upuan na kahoy sa parking area habang hinihintay si mang Bert na dumating.
Nakita ko ring umupo siya sa di kalayuan. Huminga siya ng malalim at nagsalitang muli. "Wal--"
"Huwag mo ng ituloy yan. Doon ka sa ate ko magpaliwanag. Baka sakaling mapatawad ka niya." Pagpuputol ko sa salitang sasabihin niya. Napailing na lang siya ng kanyang ulo. "Ano nga ang gagawin ko?" Sagot naman niya.
Napaisip ako, paano kaya kapag pahirapan rin namin siya? Yong pagsisilbihan niya rin kami tulad ng pagsisilbi ng ate ko sa pamilya nila. Or ipapagawa namin yong mga gawaing kabaliktaran sa ginawa ng ate ko sa bahay nila noon. Napangiti ako sa naisip ko.
"Oh sige, ganto na lang. Uhmm... Sumayaw ka na lang ng budotz!"
"Huh?"
"Charot! Ito naman hindi mabiro. Pinapatawa lang kita."
"Ganito kasi yon, yong ate ko may tutorial. Nag t'tutor siya sa bahay 3 times a week. Maybe makakausap mo lang siya kung gugustuhin niya. Pero huwag mo siyang pilitin baka maapektohan yong mga tinuturuan niya." Pagpapaliwanag ko sa kanya at medyo naguguluhan naman siya sa mga sinabi ko. "It's okay. I can cook her for snacks. Pwedi ba yon?" Sagot naman niya na ikinagulat ko. Kasi base sa kwento ng ate ko hindi siya marunong magluto, pero binaliwala ko na lang. Baka naman marunong ng konti?
"Sige." Tanging sagot ko na lamang.
Maya maya pa ay dumating na si mang Bert, nang tumayo na ako inaya ko na siyang sumakay sa sasakyan at doon muna tutuloy sa amin. "Eh?" Sagot niya. "Oo na, sakay na. Baka magbago pa ang isip ko eh, bilis na." Sagot ko sa kanya. Sumakay na kami sa kotse at umuwi na nang bahay para umpisahan ang dapat umpisahan.
ENCOUNTER #35; May mga taong hindi itinakdang magkatuluyan pero kaya nilang baguhin ang kanilang kapalaran kung pipilitin nilang ipaglaban.
BINABASA MO ANG
Ricci Rivero Encounters
Fiksi PenggemarA Political Science student meet the UAAP Basketball Hearthrob. She became his University buddy, travel buddy, and his certified housemaid. Eventually, the girl fell inlove with her until such time they became mutual. But this Hearthrob still inlove...
