Encounter #17

172 6 2
                                        

Masayang natapos ang gabing iyon. Ang gabi kung saan nadurog ang maraming puso. Ang gabi na kung saan nawasak ang aking puso. Ang gabing punong-puno ng hinagpis at kalungkutan. Gayumpaman, wala na akong magagawa sapagkat tadhana na ang nagtakda.

Sabi nga ng mga life experts;

Life will always try to make things difficult for you, but every time you overcome obstacles, you come out stronger.

Ilang araw na ang nakalilipas. Akala ko magiging masaya na si Ricci dahil nga dumating na ang babaeng para sa kanya. Para sa kanya nga ba? PERO nagkamali pala ako.

Madalas siyang umaalis ng bahay at hindi natutulog katabi si Carmen. Minsan naabutan ko siya sa sala ng madaling araw na natutulog sa may sofa, at ako naman itong ma alagain, kinukumutan ko siya at binibigyan ng unan. Madalas siyang lumalabas ng bahay na hindi nagpapaalam.

Madalas silang nagaaway ni Carmen.

One time naghanda si Carmen ng pagkain para kay Ricci, nasamid si Ricci sa sobrang anghang at alat. Pangiti-ngiti pa ang babae habang sini-serve ang kanyang inihanda, pero yun pala ay ang sama ng lasa. Kaya minsan nagagalit si Ricci sa kanya. Minsan umaalis na siya habang tulog pa si Carmen, kasi kapag nagpapaalam si Ricci ang OA ng reaction niya.

Madalas rin silang nag sasagutan sa kanilang kwarto. Kesyo ayaw ni Ricci makitabi sa kanya. Kesyo may overnight daw sila ng team niya. Kesyo may training. Pero sa totoo, wala naman talaga.

Sabi naman ni Brent na doon raw siya nag papalipas ng oras sa condo unit niya. Pero kapag may pasok naman siya ay sumasama parin ako kasi maraming humahabol sa kanya at kailangan ko iyon protektahan. Habang ang finacè naman niya ay nagaaral rin sa ibang private school.

"Steph, handa na ba ang mga gamit niyo?"

"Hindi pa po. May mga hindi pa po ako nailalagay sa maleta ni Ser. Ricci."

"Eh yung ticket ninyo? --- ahh di-bale, ako nang bahala doon. Basta asikasuhin mo na lang ang mga dapat mong asikasuhin."

"Opo, pero may 1 week pa pong pasok si Ser, based po sa schedule niya, para mag end na ang school year."

"Oo, after that, you'll going to flight in the Province. For the mean time, samahan mo na lang siya everytime he go to school since Carmen also have her own Language study."

"Opo, by the way. Pwedi na pong kumain."

"Ok, sige."

As always, ako ang naghahanda ng pagkain every morning kasi tanghali hanggang hapon ay sinasamahan ko ang amo ko sa Unibersidad. Anim na araw na lang ay matatapos na ang isang school year. Mag babakasyon na.

At next week na ang flight naming tatlo papuntang probinsya.




"Pabiling isaw. Magkano po?"

"Five pesos po. Pili lang po kayo ng gusto niyong sauce."

"Salamat po."

Nandito ako ngayon sa Mang Larry's Isawan. Nagugutom ako at ito lang ang kaya ng pera na dala ko. Kaya bumili na lang ako ng limang pirasong isaw at naglakad pabalik ng sunken garden para hintayin si Ricci doon dahil may pasok pa siya.

"Hi, ex?"
Napahinto ako sa paglalakad ng may naghabol sa akin at tumabi sa aking right side. "Diba bawal outsider dito?" Dagdag pa niyang pangaasar. Hindi pa siya na turuan ng lection eh. Sinuntok na siya noon ni Ricci pero hindi parin siya natuturuan ng leksyon.

"Kilala na ako dito. Kaya wala ka nang magagawa. At isa pa, bakit ba? May ari ka ba ng Unibersidad? Ha?" Pagsusungit ko habang naglalakad ng mabilis. Tumawa lang siya. "Hindi, kasi puso mo lang ang pagmamay-ari ko." Parang naginit ang mukha ko sa banat niyang iyon. Wtf, ano bang klase ng lalakeng ito?

Ricci Rivero EncountersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon