Encounter #12

234 9 4
                                    

STEPH

"Oh, Steph. Are you okay?"

"Ahh---opo. Okay lang po ako."

"Parang may problema ka yata? Pahinga ka muna."

"Kaya ko po ito. Huwag po kayong mag alala sanay na po ako."

Wednesday morning, tinutulungan ko si aleng Des sa gawaing bahay ng lumapit si tita Abi sa akin habang ako ay naglalabada. Nawawalan na ako ng gana sa trabaho ko simula ng marinig ko ang pinag usapan nina Tita at Ricci tungkol sa fix marraige thingy. Hindi ko alam pero hindi ko talaga maiwasang masaktan, para bang tinusok tusok ng kutsilyo yung puso ko. Sobrang sakit sa pakiramdam. At nakakalungkot isipin na darating ang araw ay hindi ko na siya makakasama. Ang hirap talaga kapag sobrang attached kana sa isang tao, parang feeling mo lahat ng ginagawa niyo may meaning, at kapag may something na nakaka bother nasasaktan ka, walang kayo pero nasasaktan ka. At higit sa lahat ang hirap tangapin na magkasama lang kayo pero hindi kayo itinadhana.

"Huy, okay ka lang ba jan? Huminto na yung washing machine. Ba't naka tunga nga ka jan?" Napabalikwas na lang ako sa inuupuan ko ng tabigin ni Aleng Des yung balikat ko. Sa sobrang imaginination natutulala na lang ako. "Ah.. opo. Hehe." Sagot ko na lang at tumayo na para tanggalin ang mga labada sa loob ng washing machine. "Wee? Totoo?" Tanong naman niya na parang ang hirap akong paniwalaan. "Hindi ko rin talaga naiintindihan eh." Sabi ko sa kanya habang kinukusot ang mga damit.

"Yung amo mo ba yan? Ha?" Tanong niya. Naka tayo lang siya sa side ko habang pinapanood akong naglalabada. Hindi ako sumagot. Kasi nahihiya akong aminin o malaman ng marami na may feelings na ako sa kanya. "Alam mo ikaw, hindi mo naman kailangang kimkimin lahat ng problema mo eh." Sabi ni aleng Des sa akin. Mahinahon lang kaming naguusap sa loob ng laundry area baka marinig kami ni tita at baka darating bigla si Ricci.

"Alam mo, sa mga kinikilos mo pa lang nahahalata na kita eh." Dagdag pa niya. Hindi na ako nakipag argue kasi alam kong mas marami siyang alam tungkol sa mga ganitong bagay dahil well-experienced naman siguro siya. "Hindi ko talaga kayang pigilan eh." Nagaalalang tugon ko sa kanya. "Hindi mo naman kailangang pigilan ang nararamdaman mo. Ipakita mo, basta ang mahalaga ay hindi masama ang ginagawa mo." Advice sa akin ni aleng Des. Tama naman siya, pero paano? Eh baka iiwasan niya ako kapag nalaman niyang may gusto ako sa kanya diba? "Hindi ko naman kasi sinasadyang magustuhan siya at hindi ko rin yun intention." Sagot ko sa kanya.

Nagbabanlaw na ako ngayon ng mga damit ko. "Eh, bakit ka nga malungkot? Diba dahil sa kanya? Kung hindi mo talaga sinasadyang mahalin siya bakit ka nalulungkot, at bakit kailangan mong maghintay ng magdamag bago siya maka uwi ng bahay? Eh, madalas naman siyang ganyan noon pa?" Nagulat ako sa sinabi ni aleng Des? So ibig sabihin ay gising pa siya that time? At ibig sabihin ginawa niya na ang umuwi ng lasing sa ganoong oras? Sheemmps! Bakit hindi ko yun alam? "Haa--?"

"Pssshh!! Baka marinig tayo." Pagpipigil niya sa sasabihin ko. Kita mo to, nagch'chismiss tapos sasabihing baka marinig kami eh siya naman tong madaldal. "Alam mo ikaw, wala naman sigurong masama kapag umamin ka sa kanya na gusto mo siya?" Sabi ni Aleng Des sa akin. "Yun na nga eh, nakalagay kasi sa rules na hindi raw ako pweding ma inlove sa kanya." Sagot ko naman dito habang kinukusot ang mga damit na aking nilalabhan. "Ayon.... eh kung kaya mong tiisin edi tiisin mo muna. Pero kung kaya mo namang panindigan edi umamin ka." Mabilis na paliwanag sa akin ni Aleng Des. Tinignan ko  lang siya at napangiti naman ito dahil nakikita na siya mga mata ko na parang napakaraming problema.

Napaisip naman ako don sa sinabi niya. Paano kung aamin ako? At paano naman kapag titiisin ko na lang? Haist!!! Bahala na nga si Batman. Wala naman sigurong mangyayaring masama kapag umamin ako at kikimkimin ko na lang?


"Hello, Aleng Des, I forgot the lists of orders sa kitchen. Pwedi paki send po sa akin sa messenger?"

"Haynako, ikaw talagang bata ka napaka makalimutin mo."

Ricci Rivero EncountersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon