S U N D A Y
Halos lumabas na yung mata ko sa sobrang puyat. Nagtataka si Aleng Des dahil pagkagising niya ay wala na siyang gagawin dahil ginawa ko na lahat ng gawaing bahay. Kaya ang ginawa niya na lang ay naglaba ng kanyang sariling gamit. Haha. Ganon ako kabait
Nakita kong pababa na ng hagdan ang lasingero kong amo. Naka shorts na siya at suot parin yung damit na ibinihis ko sa kanya kagabi. Ang gwapo niya sa suot niya dahil sa magulong buhok niya at sumingkit ang kanyang mga mata. Bakit ganon? Natulog lang gumwapo na. Pero ako parang multo kapag bagong gising? Gosh! Sana all. Haha. "Ser, nagkakape po ba ka---" "no." Hindi ko na naituloy ang sinabi ko dahil sumagot na ito kaagad. Ay ang sungeet ng mokong. May amats pa yata eh?
Maya maya pa ay lumabas siya ng bahay. At nakita ko siyang dumeretso sa parking area. Nakita kong pinaandar niya ang gripo at winashingan ang kanilang sasakyan. Parang gusto ko siyang tulungan. Pero baka susungitan niya lang ako.
"Ser, kape po muna kayo oh." Hindi na ako nakatiis. Pinuntahan ko na siya sa garahe kung saan siya nag wawashing ng sasakyan. Pero hindi niya yata ako narinig. "Ser, kape niyo. Capuccino flavor po with sugar and milk." Pabiro kong sabi at nagpapakipot na parang nag aalok ng pagkain sa bata na ayaw kumain. Lumapit ako sa kanya. Kinuha naman niya ito at inilagay sa tabi. Wala man lang ka thank you- thank you. Maka alis na nga.
Maglalakad na sana ako pa pasok ng bahay ng bigla siya magsalita. "Wait." Pag pipigil niya sa akin at humarap naman ako sa kanya na parang na e'excite sa sasabihin niya. "Yes, ser." Pagpapacute ko kahit na mukhang zombie na. Haha. Syempre maganda parin yata ako no kahit puyat. Sana all, ganern.
"Did--- did, I tell something last night?" Biglang tanong niya habang naka upo sa maliit na upuuan habang sinasabunan ang ibaba ng sasakyan at naka tingin lang sa akin ng deretso na parang naguguluhan ang mukha. Nagisip muna ako bago sumagot. Ano ba dapat? "Uhm--- yes... sabi niyo mahal niyo pa si Anne, kahit pangit siya, sabi mo pa I love you, tapos sabi mo na sana hindi na lang kayo nag break tapos sabi mo na mas maganda si Anne sa akin at sobrang miss na miss mo----"
"Stop!!" Pagpuputol niya sa mga sinabi ko, pero totoo naman eh. Napapikit na lang ako ng tudo sabay kunot ng aking mukha dahil sumigaw nanaman siya. "Did I utter those words?" Curious niyang tanong at dahan dahan ko namang binuksan ang aking mga mata. "Yes. At higit sa lahat sinabe mo ring---"
"No!!! Forget about that. Okay?!! I'm just drunk." Agrisibo niyang pagpuputol sa sasabihin ko at hinagisan niya ako ng tubig na nanggaling sa hose ng tubig dahilan para mabasa ng kaunti ang damit ko. Napaka torture niya talagang tao. Kung hindi ka sisigawan tatapunan ka nang kung ano-ano. Minsan dine deadma ka pa niya. Haist! Napaka moody. "Sorry. Sir." Mahinahon kung sabi sabay yuko ng aking ulo. "Sorry." Bulong rin niya. Wait was he just say sorry? Napataas ako ng mukha sabay tanong na. "Saan po?"
Medyo na taranta naman siya. Pero nagpakawalang kibo na lang ito at sumagot lang ng "wala." Haynako steph. Ang swerte mo at napunta ka sa isang taong napaka moody. Masungit, mataray, matapang, ano pa bang synonyms ng masungit? Yun na yun.
"Pero ser, sino si Merienne?" Biglang tanong ko na ikinagulat naman niya at napahinto ng bahagya sa kanyang ginagawa. Nagulat rin ako bakit ko ito tinanong pero sineryuso ko na lang ang mukha ko, at nginitian siya. "Paano mo siya nakilala?" Tanong niya. "Eh diba sabi mo kagabi, I mishs you merienne." Sagot ko at ginaya ang kanyang aksyon kagabi na lasing mode. "Tssk!" Nag smirked lang siya at binaliwala ang tanong ko. Baka na bother siya sa ginawa kong pang gagaya sa kanya. But honestly, wala naman talaga siyang binanggit sa akin na ganon kagabi, pero diba nga lasing siya? Kaya ok lang na e blackmail siya. Wala naman siyang malay sa mga pinagsasabi niya kagabe eh.
BINABASA MO ANG
Ricci Rivero Encounters
FanficA Political Science student meet the UAAP Basketball Hearthrob. She became his University buddy, travel buddy, and his certified housemaid. Eventually, the girl fell inlove with her until such time they became mutual. But this Hearthrob still inlove...