Encounter #38

126 2 0
                                        

S T E P H


"Oy, kuya Sahia, libre mo naman kaming overnight stay sa resort mamayang gabi."

"Oo nga, kung hindi dahil sayo di namin ma p'perfect yong exam na ibinigay sa amin ni ate Steph."

"Sige na kuya, please... sige na."

Napabuntong hininga na lang ako at napailing ang aking ulo ng marinig kong kinakausap ng aking mga studyante si Ricci, and guess what? Nag fe'feeling close pa sila at nagpapalibre sa lalaki. Alam ko namang wala talagang connect yong mga pinagsasabi nila sa pre test na binigay ko eh, as if they just would want to get close with Ricci.


"Sure, bakit hindi? Gusto niyo mamaya na agad?" Narinig kong sagot niya. Napahinto ako ng bahagya sa niloloto kong dish for lunch. "Waaahh... sige sige, gusto ko yon." Narinig kong tili ni Lyn. "Eh? Hindi tayo papayagan Lyn. Alam mo namang strict si mommy?." Pagmamaktol naman ni Kat. "Edi kay daddy tayo magpapaalam." Arisgadang sagot naman ni Lyn.

"Okay, count me in. I wanna join." Says Von in a hundred percent willingness.

"Pero, tatanungin niyo muna ang ate Steph niyo. Pero ang alam ko papayag yan eh." Pagpaparinig ni Tanga. "Oo nga ate, please.. kahit ngayon lang." Pagmamakaawa ni Von habang nag p'prayer sign siya hawak ang kanyang ballpen. "Ate Steph, sige na. Gusto ko rin makita anong view ng resort kapag gabi." Dagdag naman ni Kat habang nag b'baby face ito.

"Oo nga ate Steph. Diba malapit kanang umalis? Please please ate. Sige na." Pagmamakaawa naman ni Lyn at nilakihan ko siya ng mata sa sinabi niya. "Huh, aalis ba ang ate niyo? Saan naman siya pupunta?" Nagtatakang tanong ni Ricci. "OH SIGE! MAMAYA, PERO KELANGAN MAGPAALAM MUNA KAYO SA MGA PARENTS NIYO, Okay?"

"Yeheeey... sabi ko sayo kuya papayag yan eh." Pumayag na ako para ma divert ang usapan sa kabilang topic. Ayaw ko kasing malaman niya na magiibang bansa ako. "Sige. Ako na magbabayad lahat." Sagot naman ni Rivero sa mga bata. Ewan ko pero ambilis niyang nakuha ang loob ng mga bata? Siguro nga dahil mababait naman sila at mukhang may disiplina.

"Magdadala ako ng chichiria." Sagot naman ni Von sabay nang pagtaas ng kanyang kamay. Hindi ko alam kung malamig ba itong bahay namin pero lagi talagang naka jacket itong si Von. Haha. Naaliw ako sa kanya kasi kahit nerd siya, marunong siyang makisama. "Ako mag t'two piece, tapos magrarampa ako sa dagat. Oy, Kat picturan mo ako mamaya ha, dalhin mo yong DSLR, dapat maganda ako kasi magpapalit na ako ng profile picture sa facebook." Ambisyosyang hiling naman ni Lyn.

"LYN! Ikaw talaga kahit kailan." Pagrereklamo ni Kat sa kambal niyang mabunganga. Ang cute nilang dalawa. Hindi ko pa sila nakitang nagaaway kasi kahit na may ibang ugali si Lyn iniintindi siya lagi ni Kat. "Pero may bayad raw ang tent doon eh, paano yan? Saan kayo matutulog?" Tanong naman ni Ricci sa kanila. "We'll bring." Sagot ko naman mula sa kusina.




4:00 P.M

Alam kong hindi mo pansin
Narito lang ako
Naghihintay na mahalin
Umaasa kahit di man ngayon
Mapapansin mo rin
Mapapansin mo rin

Alam kong hindi mo makita
Narito lang ako
Hinihintay lagi kita
Umaasa kahit di man ngayon
Hahanapin mo rin
Hahanapin mo din

Habang nasa byahe kami, hindi nila maiwasang mapakanta sa tuwa dahil finally, nakapag outing nanaman sila at hindi ko naman akalain na mangyayari yon kasama ako. Siguro kung hindi dahil kay Ricci hindi ito mangyayari.


"Guys, ang ingay niyo." Reklamo ni Grace. Pero wala siyang magawa eh makulit talaga si Lyn. Haha. "Ate Grace, sumabay ka na lang. In 1... 2... 3... Pagdating ng panahon
Baka ikaw rin at ako
Baka tibok ng puso ko'y maging tibok ng puso mo
Sana nga'y mangyari yon kahit di pa lang ngayon


Ricci Rivero EncountersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon