"He likes sinigang."
"He likes spam."
"He loves to wear shorts."
"He likes watching teleserye, and movies."
Mga linyang paulit-ulit kong binabanggit habang naglalakad-lakad sa loob ng bahay na ito. In short, minimimorize ko ang mga gusto at ayaw ng lalaking kasama ko ngayon mag-isa dito sa bahay.
Binigyan ako ni tita ng reviewer bago sila umalis. Ang social diba? Ako tinatamad sa school mag study pero dito kasambahay lang ako pero required may reviewer.
Pero 'di bale, nakakatulong naman atleast alam ko kung anong gusto at ayaw niya sa buhay. Baka naman kapag nalabag ko ang kagstuhan niya madadamay pa ako lalo na't kami na lang dalawa ang magkasama dito. Pero hindi ba siya na wie-wierdohan sa akin? Ay tama, sya pala yung wierd.
*booggssh*
Dali-dali akong lumabas ng banyo ng may narinig akong kumalabog sa sala. "Ano pong hinahanap niyo, ser?"- mahinahon kong tanong habang nakangiti. Ngunit inirapan niya lang ako. Ang sungit ah.
"Ser"- paguulit ko. Tinignan niya lang ako ng masama at tumingin sa hawak ko. Omyghhad! Bigla ko itong itinago sa likod ko ng mapagtantong ang hawak kong gamit ay isang brief na calvin klien.
"Where's my nike air shoes?"- masungit na tanong nito habang hinahalungkat ang buong shoe rock. "Ay, ser nalabahan ko po kahap----" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng pinagtaasan niya ako ng boses.
"What?! May sinabe ba akong labhan mo yun?"- madiin na tanong nito sa akin at tinignan niya lang ako ng nakaka-sunog-look. Ang sungit naman niya, kung hindi lang ito gwapo tinabunan ko na ng brief ang face niya.
Naghanap na lang siya ng ibang maisusuot. Ang dami naman palang choice eh, hinhanap pa yung wala.
"Ser, saan kayo pupunta?"
"Ser."
"Ser, hintayin mo ako."
Agad-agad akong tumakbo pabalik ng banyo at inilagay ang brief sa washing machine. Pagkalabas ko ng banyo nakita ko siyang pababa ng hagdan kaya agad-agad rin akong umakyat sa kwarto ko.
"Ser, wait."- sigaw ko mula sa kwarto habang binibihisan ang aking t'shirt. Parang may kumagat sa likod ko na something sa sobrang bilis kong kumilos.
Dumeretso na ako sa parking area at dali-daling sumakay sa ford nilang sasakyan. Umupo ako sa tabi ng driver seat kung saan ay katabi ko siya. Tinignan niya lang ako ng masama. "Huh?" Tanong ko sa kanya at nilakihan ko lang siya ng mata.
Bakit niya ako pinapababa? What? Bakit ba siya galit sa akin? Pero wala na siyang nagawa kaya pinatakbo na lang ang sasakyan ng mabilis.
Sobrang tahimik ng byahe namin. Ayaw ko rin namang magsalita baka sabihin niya na tsismosa akong kasambahay. Or baka ihuhulog niya ako sa daanan na ang daming sasakyang tumatakbo. Ayaw ko pang mamatay no.
"Uheeem!"- pagbabasag ko ng katahimikan. Try ko lang baka sasagot siya or makikiusap siya sa akin.
"Ang sabi ng mommy niyo susundan daw kita kung saan ka pupunta."
"Dapat lagi mo akong kasama."
"Dapat kasama mo ako kung lalabas ka ng bahay."
"At huwag ka raw magpapakalasing."
"At huwag ka raw nambaba----"
Hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil siguro naiingayan na siya sa sobrang dami kong sinabe.
"Will you please shut your mouth up? Hindi ka nakakatulong eh. Alam ko na yun lahat."- pagtataas niya ng boses. Infairness ha, ang kyut niyang magalit. Parang lang siyang natalo sa ML tournament na na frustrate kasi na defeat.
"Opo, ser"- maikli kong tugon. At tumingin lang ng deretso sa daanan. Yun lang yung naisip kong sagot. Waaagh.. Ang sungit.
"Ang sakit mo sa tenga eh."- dugtung pa niya. At bumagting ang aking tenga sa sinabe niya. Kung masakit pala ako sa tenga edi sana nag headset siya habang nag d'drive. Ang moody niya talaga.
Habang naglalakad kami papasok sa mall nasa likuran niya lang ako naghahabol. Ang tataas ng biyas niya at ang lalayo ng hakbang niya, ang bilis nya maglakad. Kabayo ba siya,?
Habang panay ako sa paghabol sa kanya, ang daming nakatingin sa kanya. Yung iba nag bubulungan, yung iba naman panay ngiti. Bakit mukha ba siyang nagnakaw dito noon o 'di kaya ay naging wanted? Hindi ko na lang ininda kung anong mga pinagsasabi nila.
Habang hingal na hingal ako kakahabol sa kaniya naramdaman kong tumog ang cellphone ko.
* 1 conversation*
From tita abi;
Steph, madalas siyang lumabas
para kumain ng lunch. Sorry,
I forgot to tell you.
Hindi ko na sinagot si tita abi dahil nakalayo na yung kabayo este yung pogi kong kasama. "Ser," mahinahon kong sigaw sa kanya. Pero di siya lumingon. Bukod sa mabilis siyang lumakad, bingi rin pala siya.
Na distruct ako ulit sa paglalakad ng tumunog ulit ang cellphone ko.
* 1 Conversation*
Hindi rin siya marunong
om-morder ng foods. Please,
do it for him. Thanks.
-from tita abi.
Dali-dali kong ibinalik ang aking cp sa sling bag na suot ko, yung parang sling bag ni Kathryn Bernardo sa HLGB at ni Liza Soberano sa Forevermore. Ganon para safe at cool lang, simple but elegant. Chuss.
Pero teka lang nawala na sa sight ko yung alaga kong kabayo, este yung pogi at matampuhin kong alaga.
Lingon lang ako ng lingon kahit saan. At patakbo-takbo lang sa loob ng mall para mahanap kung saan na si Ser, Ricci. Pero di ko siya makita. Huminto ako ng saglit ng makakita ako ng food court. Lumingon ako ng bahagya sa loob at nakita ko siya doon sa sulok na nakaupo habang nag c'cellphone.
Dali-dali akong lumapit sa kanya at inihagis sa harap niya ang sling bag ko. Feeling tropa lang ganon. Pero wala siyang kibo, binaba niya lang ng kaunti ang kalo niyang kulay pula para matakpan ang mukha niya. Baka may kausap? Or busy busyhan kunware para hindi madisturbo. Ngunit bigla kung naalala na hindi raw siya marunong um-morder. Kaya tumayo ako kaagad at kinuha ang bag ko upang om-morder ng pagkain. Baka kasi ako lang yong hinihintay niya para makakain na siya. Pero diba dapat sabihan niya sana ako ng;
"Steph, samahan mo ako sa labas."
"Steph, kakain tayo sa labas."
"Steph, Sunday ngayon samahan mo akong mamasyal."
Pero wala eh, masungit siya at matampuhin. Mood swing, at atapang atao.
Habang nasa pila ako, naisipan kong kunan siya ng litrato gamit ang camerang ibinigay sa akin ni tita bago sila umalis, habang nakaupo siya sa tabi. Ok, kyut. Nakakatuwa yung hitsura niya para siyang walang magulang. Eraseee, eraseee, bakit ba ako nak'kyutan? Diba katulong ako? Haaist! Steph, kalma lang. Huwag kang ma fall. Hindi yun maganda sa isang katulong na kagaya mo.
*click*
Ngumiti ako habang tinititigan ang larawan na aking kinunan.
ENCOUNTER #2; ANONG MASARAP ORDERin NA PAGKAIN KAPAG NAKASAMA MO SI RICCI RIVERO SA ISANG FOOD COURT SA MALL.?
BINABASA MO ANG
Ricci Rivero Encounters
FanfictionA Political Science student meet the UAAP Basketball Hearthrob. She became his University buddy, travel buddy, and his certified housemaid. Eventually, the girl fell inlove with her until such time they became mutual. But this Hearthrob still inlove...
