Encounter #31

152 4 2
                                    

Brent

"Paano na yan 'pag nalaman ni Tita? At ng mama ni Carmen?" Tanong ko kay Ricci. We are on our way to somewhere. Gusto niya raw magpalamig. Since vacation na rin naman namin pumayag na ako.

"I don't know either. Hindi ko na alam ang gagawin ko." Sagot naman nito habang nagmamaneho ng kanilang sasakyan. He's kinda sad and feels empty of emotions in his face right now. He's not the typical Ricci I know.

"Ngayon alam mo na?" I teased him and smirk on him. "Tssk!" He answered and continue driving the vehicle going into somewhere unfamiliar. "Balikan kaya natin yong lugar?" I asked him seriously, but he just smirked on me at para bang hindi makapaniwalang sinabi ko yon. But I was just kidding tryna make him happy a lil bit.

"Wait dito ba yon?" I asked him as he stop the car near the ocean. Alam ko namang hindi yon dito kasi maraming tao, in fact baywalk naman ito. Bumaba siya kaagad sa sasakyan at pumunta ito sa harap ng car habang naka on ang ilaw nito. Nauna siyang lumabas at naiwan ako sa loob, sinusubaybayan ko muna ang paligid ng lugar.

This is my first time to go here. Parang Park lang rin but the freshness and its structure were way different from the park. It seems like very relaxing place. Hindi masyadong maingay kahit maraming tao because they tend to enjoy the beauty of the oacean where boats and ships along the way are lighting while the waves were perfectly hitting the seawalls.

"Oh! Inom mo na lang yan. Everything will be alright." Sabi ko sa kanya nang makalabas ako ng sasakyan bitbit at dalawang cold beer at inabotan ko siya ng isang bote. Dinala ko ito pero hindi niya nakita no'ng ilagay ko sa backseat ng car. Tinanggap naman niya. "Ha, nagawa mo pang isingit yan ha?" He replied. "Of course, diba jan ka magaling?" Mabilis ko namang sagot sa kanya.

Gusto ko lang iparanas sa kanya na hindi sa lahat ng oras ay masaya.

"Whatever," sagot naman nito. Basta inuman wala siyang sinusukuan, ito pa kaya na isang beer lang?

"So what's your plan now? Baka pweding lumayo ka na lang muna? Huwag kang magpapa alam sabihin mo kasama mo si Carmen? Lumuwas kayo ng bansa, o nag ibang bayan. Gano," Pag a'advice ko. But I know deep inside that it is not a good idea though. Pero baka lang naman?

"Paano kapag malaman ni Mommy or dad? Baka mas masaklap na ang aabutin ko. Knowing Steph also left home, pero 'di pa alam ni Mommy yon. Maybe kapag nalaman niya sasabog sa galit yon." Mahaba niyang paliwanag. "Patay tayo jan." Tanging naisagot ko na lang.

"I think much better if hahanapin mo si Steph."

"Tssk! Namomroblema na nga ako kay Carmen eh."

"Sino bang mahal mo? Si Carmen o si Steph?" Tanong ko at hindi siya nakasagot. Akmang iinum  siya ng beer ay napahinto ito sa harapan ng kanyang labi. "Nevermind. Siguro mas mabuti kong aminin mo na lang ang nangyari." Pagiiba ko sa tanong at tinuloy na niya ang kanyang paglagok ng beer.

"Arrrggg....!!!" Biglang sigaw nito matapos ubusin ang isang bote ng beer. He gets the attention of some people around the area. Napayuko lang siya. Naka tatlong bote na siya pero ako hindi ko pa nauubos ang isa. We should've drink 2 bottles each but he insists to drink another one kaya wala ng natira para sa akin.

"Bro, you should follow me." Pagiiba ko ng usapan at naglakad palayo sa sasakyan na aming sinasandigan at bitbit ang dalawang empty bottle at ng aking 'di pa nauubos na beer.

Dahil sa sobrang frustrated siya sa mga oras na ito, dinala ko siya sa isang lugar kung saan maibubuhos niya ang kanyang napupunong galit. Nakita ko siyang sumunod. Medyo hindi na balance ang pag lakad niya kaya hinintay ko siya. "Are you still ok? Kaya pa ba?" Tanong ko na pangaasar. "Ang tapang mo sa mga babae tapos sa alak ka lang tutumba? Hahaha." Pangaasar ko pa.

"Fuck! Kaya ko pa. Who told you na hindi ko kakayanin?" Sagot naman niya habang naglalakad. Nakasuot siya ng hoddie jacket na color yellow at naka stripe pants na color black with a combination of navy blue. Ako naman ay naka pants lang at plain white t'shirt.

"Kanina ko pa ito nakikita eh." Sabi ko ng makarating kami sa isang freedom wall. I couldn't recognize the paintings and calligraphy in it but I'm really sure that this is a freedom wall-wherein you can shout freely, paint innocently, and throw a pieces of bottles angrily. "What the fuck is this?" Tanong niya.

"Oh! Dyan mo ibuhos lahat ng sakit, lahat ng galit na nararamdaman mo, you are free bro." Utos ko sa kanya habang nakatindig lang siya ng matikas at nakapamulsa ang kanyang magkabilang kamay sa kanyang jacket. Iniabot ko ang isang botelya ng beer.

Tinaggap niya ito at pinaglaruan sa kanyang kamay. Maya maya pa ay inilabas niya ang kanyang isa pang kamay at binaling-baling ang bote sa magkabila nitong kamay. "I'm sorry for everything I've done wrong for you." Narinig kong sambit nito. Malapit pa akong mabulunan sa beer na iniinom ko sa sinabi niya. Lol! Drama men.

Who the fuck was that men? Carmen? Or Steph? Hahaha. Maya-maya pa ay nagbwelo ito na para bang baseball player na mag pi'pitch ng ball sa batter, at ibinato ang botelya sa wall habang tumalsik naman ang kapiraso nito sa paligid ng freedom wall. "I MISS YOU!..." Sigaw pa niya nang ibato niya ito. I was really curious who that girl was. Ilang sandali pa ay kinuha nanaman niya ang isa pang bottle ng beer at ibinato itong muli sa napaka tangkad at lawak na freedom wall sa di kalayuan.

"Oyy... wait, anong meron?"

"Ha?, ano yon?"

"Omg... bakit? Pano daw?"

"Halika dito. Bilis, e pwesto mo ng maayos ang camera. Dalian mo."

I was shocked as the crowd gets wild on the baywalk. Some were running out of nowhere, some were screaming and whispering about something near the area. There were reporters and medias who arrived and came near the beach to cover the phenomenon.

Hindi naman kami nagpa aninag ng kasama ko. Akala ko kami yong pinagkakagulohan but I was wrong as the crowd gathered near the ocean.

"Oh my ghad!" Rinig kong sambit ng karamihan. After a couple of minutes, there were rescuers and Police's who came to visit the site.

As I walk towards the people I saw the rescuers having a first aid to the victims. "Sir, humihinga pa itong lalaki." I heared comig from the volunteer. "May pulso pa itong babae. Mabuti siguro dalhin na natin sa hospital." The other volunteer answered. I couldn't recognize those victims who was beeing rescued. Maya maya pa ay binuhat na ng mga rescuer ang dalawang victims using the orange board, isang lalaki at isang babae.

I was curious what actually happened. The rescuer did not even proclaimed the identity of those victims who just admitted now in the hospital. "Anong meron?" I shock my head as Ricci arrives besides me. Napailing na lang ang aking ulo. "I don't know either." I replied.

"Let's go home." Sagot niya naman sabay lakad pabalik sa aming sasakyan.

Habang naglalakad kami, ay siya ring pagbalikan ng mga tao sa kani-kanilang lugar. Napahinto kami ng maabutan naming nagrereport sa harap ng camera at lights ang babaeng reporter.

"Magandang gabi, Pilipinas. Live tayo ngayon dito sa isang baywalk malapit sa ****** **** kung saan ay nabulabog ang mga namamasyal na sa lugar dahil sa pagdating ng isang mangingisda dala dala ang isang lalaki at babae na nagaagaw buhay."

Nakita kong dumeretso na si Ricci sa paglakad.  Napahinto ito ng magsalita muli ang babaeng reporter.

"Sa ngayon, pinigilan ang media na kunan ang mukha ng dalawang biktima ngunit ayon sa lalaking rumescue, kasamahan umano ito ng mga Police sa isang abandonadong Isla kung saan napatunayan na camp site umano ito ng mga kriminal. Sa kabilang dako naman, dinala ang dalawang biktima sa hospita dahil---"

Hindi ko na natapos pakingan ang reporter ng tumakbo si Ricci sa sasakyan.

"Si Carmen, at si Bryle yon." Narinig kong sambit niya. "I will drive. Delikado na, naka inom ka." I asked him at umurong naman ito sa kabilang upuan katabi ng driver seat.

"Buhay sila." He murmured again as I started the engine.

Ricci Rivero EncountersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon