Encounter #14

193 4 0
                                        

Ang daya ng mundo no? Kung sino pa ang mahal mo siya pa yung hindi pweding maging sayo.

Sabi nga nila, ang pagmamahal raw ay parang sugal, hindi ka mananalo kung agad-agad ka na lang sumusuko.

Oo nga, ang pagmamahal ay parang sugal, alam mo na ngang mali pinipilit mo parin makipaglaro para lang manalo.

"Steph? Where's Ricci? Maaga ba siyang umalis?"

"Ahh--- ehh, si-siguro po. Baka po may pinuntahan?" Utal utal kong sagot kay tita Abi. Hindi ko alam kung anong isasagot ko kasi baka kapag nalaman niyang hindi siya dito natulog ay mapapagalitan ako. Sumibat kasi siya kagabi.

"Aleng Des, ikaw ba? May idea ka ba kung saan siya pumunta?" Biglang tanong naman niya kay Aleng Des. Tinignan ko lang si Aleng Des ng Huwag mong sasabihin kung saan look at umiling naman siya. "Hindi maam eh. Siguro nga tama si Steph. Baka may pinuntahan lang po maam." Sagot naman ni aleng Des buti naman at nailusot niya.

"Haist! Ito talagang batang to napaka lakwatsero." Tugon nalang ni Tita Abi. Kalmado lang siya, hindi naman siya marunong siguro magalit kasi napakabait ng hitsura niya.

"Ah Tita, baka nasa barkada niya po?" Sabi ko na nagtataka ang mukha. Alam ko namang nakila Brent siya, ayaw ko lang mapagalitan kaya hindi ko sinabi ang totoo na hindi siya dito natulog.

*kring*

"He-hello?" Napabalikwas ako ng bahagya ng maramdaman kong nag vibrate ang phone ko sa aking bulsa. Sinagot ko ang unknow number. Tunog babae siya, hindi ko na inexpect na si Ricci or Brent iyon.

"Hello, anak?" Sagot naman niya sa kabilang linya, teka lang bakit niya ako tinawag na anak? Di--ba wait!-- "ma?" Sagot ko naman. Lumabas ako ng bahay ng malaman kong si mama ang tumawag sa aking telepono. "Kumusta ka na? When will you visit us here? Namimiss ka na namin ng papa at kapatid mo." Malumanay na tugon ni mama sa kabilang linya at naramdaman ko naman iyon.

"Ah, maa-- wala kasi akong off duty dito. Bali fulltime job po ako sa isang co-companya. Oo ma, companya po." Pagsisinungaling ko. Napakamot nalang ako sa ulo sa ginawa kong pagsisinungaling. Napakagat ako sa daliro ko sa ginawa kong pagsisinungaling. Mukhang nasiyahan naman si mama sa ipinaabot kong balita. "Anak, bumisita ka naman dito kahit minsan." Pagmamakaawa ni mama sa kabilang linya. Ramdam na ramdam ko ang pagkaalila niya sa akin pero ayaw ko talagang tumambay sa bahay kasi nga napaka boring.

Masaya rin naman sa Probinsya pero ang pamilya namin ay hindi typical na probinsyana/probinsyano. Kami yung may kaya at halos lahat ay provided na kasi nga Lawyer pareho ang mama at papa ko. "Wait lang ma," pagpuputol ko sa usapan namin ng may dumating na bisita. Inilagay ko ang telepono ko sa aking bulsa at pinagbuksan ko ng gate ang dumating na tao. "Faster!!!" Sigaw ng lalaki na nakadaong ang ulos sa bintana ng sasakyan. "Ser, kayo pala. Good morning." Sigaw ko naman habang nagmamadaling buksan ang gate.

Agad naman niya pinark ang sasakyan sa parking area. Ng napagtanto kong nakapasok na siya sa loob kinuha ko ulit ang aking cellphone. "Hello, ma. Anjan ka pa ba?" Tanong ko. "Oo, sino ba yun? Bakit parang masungit?" Sagot naman ni mama sa akin na parang nag aalala. "Ah-- si-- yung amo namin ma. CEO ng companya. Oo siya nga. Si--Ser... Sungit. Hehe" Sagot ko habang tumatawa ng palihim at dahang dahang isinasara ang gate.

"Haynako, ano bang klaseng amo yan?"

"Ma, sungit ang pangalan niya dito sa companya. Haha, kasi kapag dumating o kinakausap ng mga katulo--- I mean mga employee sumisigaw. Haha. Moody siya ma, akala mo naman kung--" 

"What do you say?" Naputol ang sasabihin ko ng may nagsalita sa aking likuran. Agad ko namang ibanaba at pinatay ang linya ng maramdaman ko kung kaninong boses iyon. "Ah.. ser, kayo pala? Kayo talaga mahilig kayong mang gu--"

Ricci Rivero EncountersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon