STEPH POV
Ikatlong gabi ng pagdurusa sa mga kamay ng mga mamamatay tao. Ikatlong araw na paghihirap sa loob ng isang abandonadong lugar. Halos nanginginig na ako sa sakit at hapdi ng aking mga natamong sugat sa aking katawan. Nanlalamig at nagdidilim ang aking paningin.
Medyo nakakaluwag na ako sa mga panahong ito dahil hindi na ibinitay ang aking katawan. Inilagay na nila ako sa isang masikip, madilim at maliit na kwarto at tanging patay damo lamanng ang nagsisilbing banig ko.
"Oh, kumain ka na muna. Utos ni boss."
Narinig kong sambit ng isang lalaki. Tinignan ko lang siya ng matalim habang yakap ang aking dalawang tuhod. "Ayaw mo? Sige magugutoman ka." Sambit pa nito na parang nanlilinlang na kainin ko ang pagkain habang nakaupo ito sa harap ng pintuan ng aking kulungan.
"Wala itong lason, kaya kainin--" Naputol ang kanyang sasabihin ng makarinig siya ng kalabog sa 'di kalayuan. Binunot niya ang kanyang baril at dahan dahan itong umalis.
Hindi na ako nag dalawang isip pa at agad inabot ang pagkain at kinain ito ng mabilis. Hindi ko alam kung ano bang hitsura ko sa mga oras na ito, ang tanging alam ko lang ay punit punit ang aking mga damit at napakadungis ng aking katawan. Napahinto ako ng bahagya ng may nakita akong lalaking familiar ang pangangatawan.
Tumayo ako at pumunta sa may pintuan. Pilit kong binubuksan ito para makuha ko ang pansin ng dumaan na lalaki. Bryle? Tanong ko sa aking isipan. Siya nga. Nakita ko siyang dumaan hawak ang kanyang baril at dahan dahang naghahanap ng kalaban.
Parang nagkaroon ako ng lakas ng loob nang makita ko ang presensya ni Bryle. Ibig sabihin non ay makakalaya na ako sa mga kamay ng kriminal na dumukot sa akin. Pero bakit siya lang? Bakit siya lang ang nagkusang iligtas ako? Haist! Erase, erase, ang mahalaga may magliligtas sa akin at makaka alis na rin ako dito.
Napaupo ako ng bahagya ng tumama sa aking mukha ang spotlight na nagbibigay ng liwanag sa lugar na aking kinarurounan. Nanlaki ang mga mata ko ng maymakita akong kumikinang na bagay sa aking harapan. Gumapang ako para maaninag ko ito. Nabuhayan naman ang aking loob nang makita ko ang isang susi. Pilit ko itong inaabot dahil medyo malayo siya sa akin.
"Ouch!! Lumapit ka sa akin. Langya ka." Bulong ko habang inaabot ang susi.
Siguro nahulog ito ng isang lalaki kanina na naghatid sa akin ng pagkain. Napaatras naman ako ng may dumaan na lalaki sa kabilang dako. Nagpanggap akong tulog at naghihirap para hindi ako mahalata ng tao. Mayamaya pa ay nawala na ang ingay. Bumalik ako sa pagabot ng susi. Mga ilang sandali pa ay naabot ko na ang susi at hindi naman ako nabigo.
Agad kong binuksan ang kandado at dahan-dahang lumabas sa kwarto. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng maaninag ko ang iba pang sulok ng lugar.
Pagkabukas ko ng pintuan ay dahan dahan akong lumabas sa masikip na kulungan, naghahanap ng daanan palabas ng abandonadong lugar. Hirap akong maglakad at madalas ay nakakagawa ako ng ingay sa mga nababangga kong mga bagay. Nakukuha ko rin ang atention ng ibang kalalakihan ngunit bigo silang mahanap ako.
Napabalikwas ako at napatakip ng aking bunganga ng may dalawang lalaki na naguusap. Lumaki ang aking mga mata nang marinig ko ang napakalakas na boses na nang gagaling sa isang trumpeta.
"Welcome to the hell. Where demons are born and angels are burn. HAHAHAAHAHA" Isa lang ang sigurado ko. Boses ito ng kanilang amo. Pero sino bang kausap niya?
"Mukhang miss na miss mo na ang alaga mo?" dagdag pa ng lalaki.
Sumilip ako ng bahagya, at nagulat ako sa nakita ko. It was Bryle and Ricci together holding thier guns at hinahanap ang pinagmulan ng boses.
BINABASA MO ANG
Ricci Rivero Encounters
FanfictionA Political Science student meet the UAAP Basketball Hearthrob. She became his University buddy, travel buddy, and his certified housemaid. Eventually, the girl fell inlove with her until such time they became mutual. But this Hearthrob still inlove...
