Encounter #39

143 3 0
                                        

Ricci

Hindi ko akalain na after nang ilang mga buwan ay nagkita kaming muli. Hindi ko rin akalain na ganon parin siya kabait, ka soft-hearted, at iyakin. I never thought she still likes me the way she does before. Pero marami rin nagbago sa kanya bukod sa pagiging mabait niya: nag t'tutor na siya at mas lalo pa siyang gumanda.

"So bakit ka napadpad sa Manila at nag apply bilang katulong at sa bahay pa namin mismo?" Tanong ko habang nakahiga kaming lahat sa buhangin at nag i'star gazing. Magkatabi kaming lahat na nakahiga sa buhangin.

Ako, siya, si Kat, Lyn, Grace at Von.


"Wala lang. Gusto ko lang ma try mag work. Bakit ba? Ayaw mo pa yon nakilala mo ako?" Pabalang niyang sagot.



"Hindi, pero nakakapagtaka naman 'yon sa isang babae na tulad mo. Mayaman naman pala kayo tapos pumasok ka sa ganong trabaho?"


"Hindi naman sa pagiging katulong ang basehan ng buhay ng isang tao. Sabi nga nila; 'don't judge the book by its cover'."

Ayaw niya talagang sabihin ang katotohanan. Pero okay na sa akin yong nalaman ko.




~***~

Okay balik na tayo sa dati. Tama na ang flashback Ricci.




AFTER 1 WEEK

"Have you convinced her?" Tanong sa akin ni Mommy habang nag d'drive kami papunta sa bahay ng aming abogado.

"Yes mom, she told me that she'll be there only sa araw ng hearing." I replied.

"Okay, sinabi mo rin ba sa kanya na namatay na si Carmen?" Tanong ulit ni mommy sa akin.

"No, mom. Ayaw kong malaman niya. Gusto kong siya ang makaka alam sa mismong hearing ng case." Sagot ko.


"So, paano mo sinabing sinampahan tayo ng kaso ng mama ni Carmen?" Mom asked again.


"Long story mom."

"Ano pang sinabi niya?"

"No more."


Yong araw bago ako mag travel sa Probinsya nila Steph ay 'yon rin ang araw na tumawag si Mommy sa akin na hindi na raw kinayanan ni Carmen. The Doctor found out that she's not breathing anymore. Itinuloy na niya ang pagtulog at kinalimutan ng magising at huminga. Almost 5 months rin siyang na coma, at within that months ay hindi na rin siya nagising pa. Na postponed ang travel ko that time kaya after 2 weeks na bago ako tumuloy sa Probinsya nila Steph.

Medyo masakit sa part ni Carmen, lalo na sa Family niya, and syempre sa part ko as a fiancè.

Hindi ko rin alam ang rason kung bakit ganon na lang. Kasi wala naman ako that day kung kailan siya napunta sa lugar na iyon.

Hindi ko rin sinabi kay Steph na pumanaw na si Carmen, nadulas rin ako one time pero hindi niya ako pinaniwalaan.


"So where's your witness?" Tanong ng abogada namin na si Atty. Laulita Garcia.

"She'll be there na lang raw attorney during the hearing and interogation. Confident naman rin daw siya na mananalo tayo sa kaso eh." Sagot ko na lang kasi yon rin naman ang sinabi niya sa akin that night.

Ricci Rivero EncountersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon