DAYS OF YOUTH 02
#MR.PERFECT*SIREN SOUND*
Anong ingay yun? May sunog ba? Oh no! Ayoko pang matusta ng maaga
"Ma! Pa! SUNOGGGGG!!!" sigaw ko at nagmadaling tumayo at halos madulas pa sa sahig
"Hoy! Astrid anong sunog ang sinisigaw mo diyan? Nananaginip ka pa ba" biglang pasok ni papa
"May sunog talaga narinig ko ang wangwang ng bumber---"
"Pffftt!!!" Napatingin ako doon sa likuran ni papa kung nasaan yung lalaking nagpipigil ng tawa
"Ano bang sinasabi mo? Nasa tamang katinuan ka pa ba? Sabi ko na hindi ka dapat iwanan mag-isa buti na lang nandito si Dylan" napapailing na saad ni papa at lumabas na rin sa kwarto ko
Napatingin ako ng masama sa lalaking ito na nagpipigil pa rin ng tawa. Naisahan niya na naman ako nakakainis na talaga!!!
"Ikaw ang may kagagawan nito noh?" Anas ko
"Don't accuse someone, you don't have evidence to prove that" ngumiti lang siya bago lumabas ng kwarto ko
Arrrggghhhh!!!!! Napapadyak na lang ako sa inis nun. Gagantihan talaga kita kaya humanda ka!!!!
Pumasok na lang ako sa cr at naligo na lang doon. Nasanay na rin akong gawin ito kaya immune na ang katawan ko sa lamig ng tubig pag umaga
*****************
Time Check: 7:30 am
"Auntie, Uncle, ingat kayo sa biyahe niyo mamaya" feeling mabait ang plastic niya
"Oo naman, ikaw ng bahala dito pati sa pasaway na yan! Tumawag ka sa amin pag may problema" diba dapat sa akin nila sinasabi yan? Siya ba ang anak? Ako yun diba?
"Ma, Pa, wala ba kayong sasabihin sa akin?" Sabay pa silang napailing nun na ikinabagsak lang ng balikat ko
"Whatever hindi pa ako nasanay sa inyo. Simula't sa una pa lang siya na ang ideal son niyo" inirapan ko lang sila at nauna ng lumabas
"Ingat kayo" pahabol pa ni papa
Hindi ko na lang pinansin iyon at naglakad kaso nararamdaman kong nakasunod ang lalaking ito sa akin kaya binilisan ko ang lakad ko pero binilisan niya rin
Nang-aasar ba talaga siya? Tsk. Huminto na lang ako at humarap sa kanya na ikinahinto niya
"Keep your distance to me, 2 meters away" saad ko
"Big Sis, bakit kita susundin? Pwede naman akong mauna sayo kaya keep your distance to me. 2 meters away!" Napatulala ako sa sinabi niya. Linya ko yun bakit bigla niya na lang inaagaw?
"Dylan Choi! Sinong may sabing pwede mong nakawin ang linya ko? Ako ang mauuna" halos patakbo na akong lumakad nun at inunahan siya
Maya-maya lang ay nagugulat ako na nasa harapan ko na siya kaya binibilisan ko ang lakad ko hanggang sa mauwi kami sa tulakan kung sino ang mauuna at sino ang mahuhuli at alam niyo ang ending ng pinaggagawa namin? Nauwi na kami sa marathon
Kaya pagdating namin sa harapan ng school gate ay parehas kaming pawis at hingal na hingal na napahawak na lang sa tuhod bilang alalay
Ngayon ko lang ata ginawa ito sa pagpasok sa school. At dahil lang iyon sa lalaking ito
BINABASA MO ANG
DAYS OF YOUTH
Teen FictionBeing a youth is the unforgettable part of our life and admit it this is the happiest part of our life. Finding a new friend, enemy or luckily even a lover But it's just normal because this is part of our youth. You can be happy, sad or excited its...