YOUTH 35

3 0 0
                                    


DAYS OF YOUTH 35
#HELL CAMP DAY 1






*YAWNNNN*



"Zoeyyyyyy!!!" Nagulat ako ng may dumamba ng yakap sa akin

"Napaka-hyper niyo naman hindi pa sumisikat ang araw" patukoy ko kay Cali at Corrine

"Hindi ka ba excited sa 3-day Camp natin?" Excited? Kabaligtaran ng bagay na iyon ang nararamdaman ko ngayon mas gusto ko atang matulog na lang

"Nasaan si Dylan?" Biglang tanong ni Cali

"Naghahanap ng pagkain yun!" walang gana kong sagot

"Magkasabay ba kayong pumunta dito?" Tumango lang ako at napahikab ulit




*YAWNNNN*


Napatingin kami dito sa gilid ko ng biglang may tumabi sa akin at sabay pang humikab at nakita ko si Julian at si Theo na mukhang inaantok pa rin


"Zoey? Ikaw pala!" Tumango lang ako sa kanila

"Bakit ba required tayong sumama ditong lahat and besides alas-kuwatro pa lang ng madaling araw oras pa ng pagtulog" reklamo ni Julian

"We have the same feeling Julian" tinap ko lang ang balikat niya

"Oh? Magkakasama na agad kayo? At anong hitsura yan? Para kayong pinagkaitan ng langit at lupa" rinig kong reklamo ni Dylan na nasa harapan ko

"Tsk. Mas maganda atang sabihin na pinagkaitan kami ng tulog" walang ganang saad ni Theo

"Ito na ang pagkain mo! Kumain ka muna" tiningnan ko ang hawak niya at isang croissant bread iyon at apple juice

"Thanks!" Kinuha ko lang iyon at kinain na rin

"Wala ka ba para sa amin?" Tanong ni Corrine

"Oo nga naman huwag mong ipahalata na priority mo si Zoey" dagdag pa ni Julian

"May paa at kamay kayo kaya bumili kayo ng sarili niyo malapit lang naman ang convenience store diyan" aniya

"Oh! Si Blake nandyan na! Blake here!!" Tawag ni Caliyah kaya napatigil ako sa pagkain ko

"Hi! Goodmorning sa inyo"


"Goodmorning Dylan!!!"

Ang boses na iyon! Tsk. Nakalimutan kong kasama pala siya dito. Napakawrong timing niya kahit kailan

"DYLANNNN...."


Yayakapin niya na sana si Dylan pero hinatak ko na iyon patabi sa pagitan namin ni Caliyah. Akala niya ba hindi ako handa sa kanya? Napahinto lang siya at sinamaan ako ng tingin



"Astrid, napakaselfish mo naman bakit mo nilalayo ang boyfriend ko sa akin?" Huh?

"BOYFRIENDDDD???" Sabay-sabay nilang anas

"Boyfriend? Let me correct you again EX- BOYFRIEND baka nakakalimot ka kasi" mataray kong saad

"Tsk. Ex? Maybe you're right but it doesn't mean na hindi na kami pwedeng magkabalikan" bigla niyang hinatak si Dylan at kumapit pa sa braso

"Tabi tayo sa loob ng bus ah!" Napahinga na lang ako ng malalim at umiwas ng tingin sa kanila




Maya-maya lang ay dumating na rin yung bus na maghahatid sa amin. Isang bus kada section sa amin kaya sigurado akong nasa iisang bus lang kami ng lintang iyon!! Kung pwede lang lumipat gagawin ko na



DAYS OF YOUTHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon