YOUTH 12

13 3 3
                                    


DAYS OF YOUTH 12
#LORENZEN VS PARKINSON




"Zoey nababaliw kana ba para gawin iyon?" Sigaw ni Julian

"Hindi ko matandaan na may sinabi akong ganoon" ani ko

"Pero nakakatouch ka!! Ang laki ng tiwala mo sa amin" sabat ni Theo

"Tiwala? Mukhang katapusan ko na ata ngayon ee!! Kailan ba kayo nanalo sa Lorenzen High? Lagi lang kayong pangalawa at lagi pa kayong natatambakan hayttss!! Bakit ko ba kasi ginawa iyon?" Reklamo ko

"Your indeed a Sports Club President of Parkinson High" komento ng isang member nila

"Huh? Hehhehehe"

"Huwag kang mag-alala gagalingan namin para sayo" tinap ni Theo ang braso ko

"Mas maganda sana kung hindi lang kayo sa salita magaling kundi sa gawa din" anas ko

"Magtiwala ka lang sa amin"

"Magbihis na kayo parating na ang mga iyon panigurado" utos ko at nagkanya-kanya naman sila ng tayo at alis papunta sa may locker room nila

"Stupid" napatingin ako ng masama kay Dylan na siyang huling bumaba






Hay! Katapusan ko na! Hindi ko na ba pwedeng bawiin ang sinabi ko? Magtitiwala ba ako kina Julian at sa members niya? Maghahanda na lang siguro akong lumipat ng school? Mas maganda na ang advance kaysa umasa pa

*****************************


Time Check: 11:23 a.m


"Kahit Practice Match lang ito galingan niyo ah! Ipakita niyong nag-improve kayo" anas ni Coach Nakai

"Yung mga nabanggit kong pangalan kanina Julian, Theo, Owen, Jason, Vic and Dylan kayo ang unang papasok sa court" dagdag pa ni Coach

"Hindi ako maglalaro" napatingin ako kay Dylan ng magsalita siya

"Ano? Bakit hindi ka maglalaro? Ikaw ang future ace ng Parkinson High kaya maglaro ka" -Coach Nakai

"Wala ako sa mood maglaro kaya niyo na iyan" umupo na lang siya doon sa bench. Ano bang aasahan ko sa kanya

"Patrick ikaw na lang ang pumalit sa kanya. Team galingan niyo" energetic na sigaw ni Coach sa huling sentence

"Ipanalo niyo sana ito huwag niyo akong ipahiya" sabat ko

"Promise. Ipapanalo namin ito Zoey tiwala lang ginawa mong posible ang imposibleng bagay na ito kaya ganoon din ang gagawin namin" ang yabang talaga ni Julian kapag napatalo nila iyan isasama ko siya sa Lorenzen High

"Goodluck sa inyo" nginitian ko lang sila bago umupo sa may bench






Bigla na lang nagdatingan ang mga students dito ng malaman nila na may laro ang dalawang team. Kahit ang Principal ay nanonood din dahil bihira lang talaga ang pagakakataon na ito

Napatingin ako sa kabilang bench at nakita kong paeasy-easy lang sila doon sana ganyan din ang team namin dito kaso sa panaginip lang ata mangyayari ang bagay na iyon

Nabaling ang tingin ko dito kay Dylan pero prenteng-prente lang siyang nakaupo ang sarap niyang ingudngod ngayon




*PRRRRRRRTTTTTTTT*




Nagpuntahan na ang mga player doon sa gitna at naghanda na at tulad ng inaasahan ang mga team captain ang representative para sa kukuha ng first ball at sa kamalas-malasan si Travis ang nakakuha nun kaya napabagsak na lang ako ng balikat

DAYS OF YOUTHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon