YOUTH 30

3 0 0
                                    


DAYS OF YOUTH 30
#A POEM FOR YOU


*KINABUKASAN*

"HAYYYY!!!! Bakit dumami ang mga gawain ko dito?" Gulat kong tanong ng may makita akong patong-patong na folder sa may mesa ko

"Why don't you quit Big Sis?" Sinamaan ko ng tingin si Dylan pero umupo lang siya sa upuan

"Bakit ba nandito ka? Pwede bang tulungan mo na lang yung mga teammates mo habang hindi pa nagsisimula ang klase?" Sarcastic kong saad bago umupo na lang

"Ayoko! Mas kailangan kitang bantayan! Baka bigla kana namang magcutting mahirap na baka sabihin pa ni Auntie at ni Uncle na tinotolerate kita" sarili niya lang ang iniisip niya

Hindi na lang ako nakipagtalo at binuksan ang mga folder na nandito pero list lang ito ng mga magaganap na competition at kung sino ang mga makakalaban nila sa bawat rounds tapos listahan ng mga new recruit members sa bawat sports. The usual work for me. Tsk. Bakit naman kasi tumatanggap sila ng new member kung kailan malapit na ang competition? Nababaliw na ba sila?

Isinara ko na lang ulit iyon bago yumuko dito sa mesa feeling ko gusto ko pang matulog!! Nagpuyat ako para sa tulang ipinapagawa ni Mr. Lincoln kaya ngayon gusto ng bumagsak ng talukap ng mata ko. But knowing na this is the last day of my struggle sa subject niya natutuwa ako sobra

Nagulat ako ng pinat ni Dylan ang ulo ko pero hindi ko na siya tiningnan at hinayaan lang siya

"You did a good job Big Sis! Pwede kanang maiwan dito mag-isa. May mga kaibigan kana at marami na silang poprotekta sayo dito" hindi ako umimik sa sinabi niya

"Someday I'll leave you with them" h-huh? Naikuyom ko lang ang kamao ki sa sinabi niya

"Mukhang okay ka naman kahit wala ako at saka matagal mo nang gusto iyon" seryoso ba talaga siya sa sinsabi niya?

Hinawakan ko ang kamay niya at inangat ko na rin ang ulo ko. Kahit hindi niya sabihin sa akin iyan alam ko naman na aalis pa rin siya. Wala dito ang pamilya niya at nasa ibang bansa. He can't even label me as his true family so definitely babalikan niya yung pamilya niya

Tumingin ako ng diretso sa mata niya pero napaiwas din ako agad!! Bakit hindi ko magawang magsalita



BLAKE POV


"Someday I'll leave you with them"

"Mukhang okay ka naman kahit wala ako at saka matagal mo nang gusto iyon"

Napasilip ako doon sa loob ng Sports Club at nakita ko si Dylan at si Zoey at nakita ko ring nakahawak sa kamay ni Dylan si Zoey

Anong nangyayari sa kanila? Ano bang meron sa kanila? Kahapon sa cafeteria ay nakita ko din na magkahawak sila ng kamay

"A-ah... Ahmm!!"

"Big Sis don't make that a big deal, you're maybe a stupid childish brat but I know na alam mong aalis din ako"

"Oo naman!! A-alam ko"

"What's with that face? Parang iiyak kana? Hindi pa naman ako aalis. Matagal pa and besides hindi ko pa natatapos ang purpose ng pagbalik ko dito"

"Ako? Iiyak? Hahaahhaha nagpapatawa ka ba? Kapag wala kana dito magiging masaya ako hindi na ako mapipikon ng asungot na tulad mo"

DAYS OF YOUTHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon