YOUTH 17

10 2 1
                                    


DAYS OF YOUTH 17
#TROUBLE IN SPORTS CLUB


Time Check: 12:43 mn

Napatingin ako dito sa may sahig at nakita ko si Dylan at Blake na natutulog. Dito kasi sila natulog at naglatag lang habang yung dalawa magkatabi sa taas

Hindi pa rin ako makatulog at hindi ko alam kung bakit! Tumayo na lang ako at sinilip yung dalawa sa taas at malalim na ang tulog

At inaayos ko lang yung pagkakakumot ni Blake bago lumabas at humiga doon sa may papag dito sa labas at tumingin sa mga bituin

Kinuha ko yung wallet ni Dylan na nakita ni Cali at tiningnan yung picture na sinasabi nila at nakita ko nga yung picture ko doon mag-isa lang ako at mukhang stolen shot pa

"Anong ginagawa mo dito?" Inagaw niya yung wallet na hawak ko at umupo sa tabi ko

"Bakit nasa iyo ito?" Hindi ko siya sinagot

"Galit ka pa rin sa akin? Hay!! Simpleng bagay ikinakagalit mo" huwag niya akong intindihin problema ba iyon?

"Sinadya kong hindi ka bilhan kasi gusto kong dalhin ka sa ice cream shop na iyon" tsk. Hindi na papasa sa akin ang palusot niya

"Big Sis bangon na diyan ibibili kita ng ice cream na gusto mo" hinatak niya ako paupo kaya sinamaan ko siya ng tingin

"Ayaw mo? Sige huwag na lang" maglalakad na sana siya pero pinigilan ko agad siya

"Sabi mo bibilhan mo ako tapos ngayon babawiin mo? Ang unfair naman na sila lang binigyan mo at hindi ako" reklamo ko

"Big Sis, tara na!" Tumayo na lang ako nun




Walking distance lang naman iyon kaya nilakad na lang namin papunta doon. Ngayon lang ako naglakad ng ganitong oras kung sina mama at papa ang nandito hindi nila ako papayagan

Pagdating namin doon ay kaunti lang ang tao pero agaw pansin agad yung mga nakadisplay na picture ng ice cream



"Dylan, ayun ang gusto ko" sabay turo sa isang ice cream

"Okay! Maupo kana doon ako na ang bahala dito" sumunod na lang ako sa sinabi niya at naghanap ng magandang pwesto

"Ang gwapo nung boy oh!"

"Oo nga, tanungin kaya natin ang pangalan"

"Oo nga!"




Nakita ko yung dalawang babae na lumapit kay Dylan kaya napairap na lang ako. Ang lakas talaga ng charisma niya sa mga babae sino kaya sa kanila ang mapapansin niya?

After ng ilang minuto ay dumating na din siya dala yung ice cream na gusto ko


"Maganda ba yung mga babae? Sinabi mo ba ang pangalan mo?" Tanong ko

"Kumain kana lang" bad mood ba siya? Dahil nilapitan siya ng babae?

"Little bro, nagkagirl---"

"Hindi!"

"Bakit naman hindi? Bakla ka ba kaya lahat ng babae nirereject mo?" Tiningnan niya ako ng masama

"Baka naman si Am---" pinisil niya bigla ang pisngi ko

"Big Sis, maniniwala ka ba kung sasabihin ko na ikaw ang hinihintay ko?" A-ano daw? Inalis ko yung kamay niya at kumain lang ng ice cream

DAYS OF YOUTHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon