YOUTH 13

10 3 3
                                    


DAYS OF YOUTH 13
#TRUTH ABOUT HER




*PRRRRRTTTTTTT*


"YESSSSS!!!! NANALO TAYOOOO!!!" sigaw ng lahat ng member ko na akala mo isang competition talaga ito practice match lang naman

"Dude! Ang galing mo ah! Lalo na sa last second napabilib mo ako doon" anas ng Team Captain sa kabilang Team

"Tsamba lang iyon tsaka marunong ka naman tumupad ng usapan diba?" Tanong ko na ikinatawa niya

"Wala tayo sa isang drama para mandaya kaya iyong-iyo na ang Ms. Nagger na iyon. She's always acting tough but deep inside she's a crying baby. Una na kami sa susunod tatalunin na kita" tinap niya lang ako sa balikat bago pumunta sa mga kateam mate niya





Paglingon ko sa mga kateammate ko ay nakita ko si Zoey na nakatayo doon at nakatitig lang sa akin. Siguro nga tama ang lalaking iyon she's a crying baby. Umiiyak na naman siya.

Tinaasan ko siya ng kilay at inispread ang kamay ko mukhang nagets niya naman ang ibig kong sabihin kaya lumapit siya sa akin at niyakap ako





"Nakakainis ka! Kailangan ko pa bang magwalk-out para lang maglaro ka! Alam mo bang kabado ako simula pa lang umpisa. Akala ko matatalo na kayo at sasama na ako sa mayabang na iyon" hindi ba siya nauubusan ng salita?

"Huwag kana ngang umiyak diyan hindi naman kita pinapaiyak" ani ko pero humigpit lang ang yakap niya





Lalapit na sana sa akin si Coach Nakai at yung mga members ng team pero sinenyasan ko na silang huwag lumapit buti naman at nagets nila kaya nagthumbs up na lang sila bago lumabas ng gym

And this time kaming dalawa na lang ang nandito sa gym at hinintay ko lang siyang humiwalay sa akin mukhang nawili na ee






"Big Sis, hindi naman ako tatakbo bakit ayaw mong bumitaw?" Humiwalay siya sa akin pero nakakapit pa rin sa may gilid ng jersey ko

"Big Sis!" Nagkatitigan lang kami nun at dahil ako naman ang laging natatalo sa kanya ay hindi na lang ako nagsalita

"Sorry na!!" Napangiti ako sa sinabi niyang iyon minsan lang magsorry sa akin ang taong ito dahil napakataas ng pride niya pagdating sa akin kaya dapat tinetreasure ee kung hindi lang sira ang cellphone ko nirecord ko na sana

"Apology accepted!" Ani ko

"Hindi ko na uulitin iyon! Promise!" Pinunasan ko lang ang luha niya at ginulo ang buhok niya

"Huwag kana sabing umiyak diba? Lagi naman kitang tinutulungan kaya wala kang dapat ikatakot naiintindihan mo?" Tumango lang siya

"Kumain tayo ng ice cream mamayang uwian" suggest ko

"Treat ko" saad niya

"Treat ko na iyon broken hearted ang Big Sis ko ee" sumimangot siya nun kaya hinanda ko na ang kamay ko para sa hampas niya pero ngumiti lang siya sa akin

"Magbihis kana hihintayin kita dito" nagtataka akong tumingin sa kanya

"Bakit dito ka maghihintay?" Tanong ko

"Walang maglilinis dito kaya bilang little brother ko dapat lang ikaw ang tumulong sa akin. Okay?" Napabagsak na lang ako ng balikat ko hanep talaga makautos ang isang ito




********************





"Dylan, ang galing mo kanina sa match niyo sa Lorenzen High hindi ko alam na ganyan kana kagaling" puri ni Zeke sa akin

DAYS OF YOUTHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon