YOUTH 49

1 0 0
                                    


DAYS OF YOUTH 49
#THE THREE OF US






TIME CHECK: 6:17 P.M




*HIKAB*




"Takpan mo ang bibig mo baka pasukan ng lamok yan" sinamaan ko ng tingin yung tumabi dito sa akin

"Tsk. Epal ka talaga! Tapos na ba kayo?" Tanong ko

"Yeah! Tinakasan ko lang sila sa paglilinis. Bakit hindi mo pa pinapauwi si Amber?" Tanong niya

"Huwag kayong maglandian sa harap ko pwede ba? Iniistorbo niyo lang ako dito!" Reklamo ni Amber na ikinagulat namin

"Hindi naman kami naglalandian ah! Iniimagine mo lang iyon linta" pang-aasar ko kaya binatukan ako ng isang ito

"Umayos ka nga sa pakikitungo sa kasamahan mo Zoey" saad ni Dylan

"Maayos naman ako ah! Hindi ko naman sinasaktan iyan! Nananahimik ako dito" napairap lang ako

"Tigilan mo na yan! May bukas pa naman Amber mabuti pa sumama ka sa amin magluluto ako ng chicken curry parehas niyong gusto iyon!" Seriously? This man is really something! Umaasta siyang parang walang nangyari

"Ako? Sasama sa inyong dalawa? No way! Gusto niyo lang ako painggitin maglalambingan kayo sa harap ko at ipapamukha niyo sa akin na kontrabida ako sa umuusbong niyong istorya kaya bakit ako sasama sa inyo? Haler! Hindi ako tanga par---"

"Hahahahahhahahahahaahhahahahahahahahhahahahahahahhahahahahahahahaha" humagalpak kami ng tawa ni Dylan dahil sa mga sinabi niya napahawak pa ako sa tiyan ko! Grabe feeling ko lumala ang tama sa kanya ah! Nasosobrahan na ba siya ng gawain? Hahahahahhahaha hindi na ako makahinga

"Anong tinatawa-tawa niyo? May mali ba sa sinabi ko?" Iritang reklamo niya

"Ikaw kasi.... Hahahhahahahha... Ehem! Ano ba kasing iniisip mo Amber? Kami maglalambingan? Hahahahha isang malaking joke ang sinabi mo!!!" Komento ni Dylan at hinampas pa ang braso ko

"Kanina niya pa talaga namimisinterpret ang sinasabi ko Dylan.. Ang sabi ko sayo walang nagbago sa amin ng little bro ko!! Kaya bakit kami maglalambingan? At anong kontrabida sa umuusbong na istorya namin? Ikaw kontrabida? Matagal kanang kontrabida hahahhahahhahaha" anas ko at bigla niyang pinukpok ang lamesa na ikinatahimik namin

"Big Sis, nakikita mo na ba ang humahaba niyang sungay?"

"Yeah! Umuusok na ang lahat ng butas sa katawan niya"

"Tama-tama! Bubuga na ng apoy yan pustahan tayo"

"Magkano ba ang pusta little bro?"

"Kapag bumuga ng apoy yan ikaw ang magbabayad ng bibilhin natin"

"Kapag hindi bumuga ikaw na ang taya sa pagkain ko whole month!!  Hahahahha"

"Wahhhhhhh!!!! PINAGLALARUAN NIYO BA AKONG DALAWA?? BAKIT UMAASTA KAYONG HINDI KAYO?"

"Paano ba 'yan Big Sis bumuga ng apoy! Ihanda mo na ang allowance mo for whole month uubusin ko iyan hahahhahahaha" napabuga ako ng hangin at kinuha yung wallet ko at tiningnan ang laman at saka ako napasimangot

"Hoy Linta! Bakit ka bumuga ng apoy? Mamumulubi pa ako sayo sa loob ng isang buwan! Hayy wala kang pakisama" ani ko

"HINDI NIYO BA AKO NARIRINIG? SIGURO PINAGLALARUAN NIYO TALAGA AKO PARA MAINGGIT AKO SA INYO!"

DAYS OF YOUTHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon