DAYS OF YOUTH 34
#CONFUSEDTIME CHECK: 8:44 P.M
Nandito kami sa bahay ngayon at nanood lang ng TV ang isang ito habang ako ay nagbabasa ng manga na kabibili ko lang kanina
Nandito kami sa kama nakaupo siya habang ako nakahiga sa lap niya. Akala ko nga magrereklamo pero hindi siya umimik palibhasa tutok sa pinapanood niya. Hayttsss! Wala naman akong hilig manood ng kahit ano nagkakasundo lang kami kapag MMA na ang palabas
"Dylan.... May gusto akong basahin na manga"
"Pinipigilan ba kita magbasa? Bakit mo pa sinasabi sa akin iyan?" Walang lingon-lingon na reklamo niya
"Uwaaahhhhh!!! Hindi mo ba nagegets ang sinasabi ko?" Nagpapadyak ako sa inis
"Magpabili ka kay Uncle o di kaya kay Auntie" as if na bibilhan nila ako! Ang sasabihin lang ng mga iyon mag-aral ka kaysa magbasa ng kung ano-ano
"Gusto ko ibili mo ako! Lahat ng volume nun" this time napatingin na siya sa akin at tumitig lang ako sa kanya
"Tsk. Fine! Masusunod ang gusto mo Boss! Bigyan mo ako ng pera" huh? Seriously?
"Dylan Choiiii!!!"
"Hayyy!!! Oo na ibibili na kita gamit ang pera ko kaya pwede huwag kana lang magsalita hindi ko maintindihan ang pinapanood ko" napangiti lang ako at hindi na nag-ingay
*KRINNNGGGG•KRINNNGGGG*
Kinuha niya yung cellphone niya at tiningnan iyon pero napakunot lang ang noo niya bago ibinaba ulit iyon. Kaso wala pang sampung segundo ay tumunog ulit iyon pero ganoon ulit ang ginawa niya
"Sino yan? Don't tell me na kinuha niya na agad ang number mo?" sinamaan ko siya ng tingin at inagaw yung cellphone niya at saktong tumunog ulit iyon
My Wife Amber Calling...
Huh? What's with this name? Tiningnan ko siya ng masama pero sa TV pa rin ang tingin niya. Tinalikuran ko lang siya sa pagkainis ko. 'My Wife Amber' talaga ang nakasave na pangalan doon samantalang yung sa akin 'Big Sis' lang? Ang unfair niya
Narinig kong tumunog ulit ang cellphone niya kaya tiningnan ko ulit iyon pero siya pa rin ang tumatawag.
"Kung curious ka bakit hindi mo sagutin?" Bigla niyang anas
"Bakit ko sasagutin? Ikaw ang kailangan ng Wife mo at hindi ako"
"Kapag sinagot ko yan magagalit ka at kapag hindi ko sinagot magdudududa ka kaya mas mabuting gawin mo kung anong gusto mo" psh!
"Wala akong laban sa babae mo!" Mahina kong ani
"Matagal na ngayon mo lang ba narealize?" Talagang hindi niya tinatanggi? Napaupo ako ng maayos at diretso siyang tinitigan pero walang emosyon niya lang akong ginantihan
"What? Huwag ka ngang humarang diyan maganda na yung nangyayari oh!" Ano bang aasahan ko sa kanya? Hindi ko nga alam kung ano talaga ang tingin niya sa akin
"You're right!" Napayuko na lang ako at hihiga na sana ulit pero bigla niya na lang ako hinatak at niyakap
"Huwag ka ngang madrama pwede ba? Ano bang gusto mong gawin ko? Ipaliwanag sayo lahat kung paano niya nakuha ang number ko at kung bakit ganoon ang pangalan niya sa phone ko? Kung ano ang ginawa namin sa cafeteria nung umalis ka? Hayyy! Zoey kailangan ko pa bang sabihin lahat iyon?"
BINABASA MO ANG
DAYS OF YOUTH
Teen FictionBeing a youth is the unforgettable part of our life and admit it this is the happiest part of our life. Finding a new friend, enemy or luckily even a lover But it's just normal because this is part of our youth. You can be happy, sad or excited its...