YOUTH 26

3 0 0
                                    


DAYS OF YOUTH 26
#COMPLICATED FEELINGS



"I-issue? Anong issue?" takang tanong ko

"May kumakalat na picture sa kanila ni Dianne" napakunot ako ng noo

"Eto tingnan mo! Hindi ko alam kung totoo iyan o hindi kaya gusto naming ipakita sayo" tiningnan ko na lang yung picture na ipinakita ni Caliyah at kulang na lang maibato ko ang cellphone na hawak ko



Paano ba naman halatang si Dylan at Dianne ito!! May picture dito na pinipilit niyang hubaran si Dianne at meron din yung hinalikan niya at kahit yung nasa kama na sila at ginagawa ang kababuyan na iyon.


Ibinalik ko na lang kay Cali yung phone niya na saktong paglabas ni Dylan sa CR


"Kumain na ba kayo?" tanong niya

"H-hindi pa" sagot ni Caliyah

"Maghahanda lang ako ng almusal, makakapaghintay ba kayo?" Tumango lang sila kaya dumiretso na lang siya sa kusina

"Zoey, bakit hindi mo na lang siya tanungin kung totoo ang mga nasa litrato? Kung wala siyang sasabihin siguradong malaking gulo ito" napatayo lang ako

"Kahit hindi ko kumpirmahin ang bagay na iyon alam kong hindi niya magagawa iyon kaya huwag niyong paniwalaan ang mga litratong iyan" ani ko at pumunta din sa may kusina



Tinitigan ko siya pero seryoso lang siyang nagluluto doon. Habang ako ay nagtimpl na lang ng kape namin. Hindi siya kumikibo at kahit ako ay ganoon din


Gusto kong magsalita at malaman ang totoo pero hindi umaayon ang katawan ko sa iniisip ko. Ano bang gagawin ko? Sabi ko na walang magagawang maganda ang bruhang iyon ee!! Sana hinayaan niya na lang akong makick-out sa school kung ito lang ang magiging kapalit ng lahat




"Big Sis..."

"Nakita mo na ba? Hindi ko na tatanungin kung totoo iyon o hindi dahil hindi ka rin naman magsasabi ng totoo" lalabas na sana ako ng pigilan niya ako

"Bitawan mo ako!!" mahinang banta ko pero kinuha niya lang yung tasang hawak ko at inilapag iyon

"I'm sorry..." Sorry?

"I hate hearing that from you!" Binawi ko ang kamay ko at kinuha ulit yung tasa at inilapag na lang doon sa mesa


*****************************



*MONDAY*


Nandito ako ngayon sa may room at nakayuko lang sa mesa ko. Simyla dumating ako dito wala na akong ibang narinig kundi ang usapan nila tungkol kay Dylan pero hindi ako umiimik at pinapakinggan lang sila

Simula nung malaman ko iyon ay hindi ko na siya pinapansin at hindi rin siya natulog sa bahay simula din nung araw na iyon. Hindi ko alam kung saan siya pumupunta at wala na rin akong pakialam hindi na siya bata para mawala at kaya niya na ang sarili niya. Nagawa niya nga ang bagay na iyon diba?




"Narinig niyo na ba ang balita? Pinatawag na daw ng Principal si Dylan!"

"Oo nga ee, sigurado akong kick-out na siya dito dahil sa ginawa niya"

"Akala ko pa naman mabait siya tulad ni Blake pero may tinatago pa lang hindi maganda at si Dianne pa talaga ang biniktima niya"

"Nakakatakot ng lumapit sa kanya kaya dapat lang na maalis siya dito"

DAYS OF YOUTHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon