YOUTH 40

2 0 0
                                    


DAYS OF YOUTH 40
#2ND HELL ACTIVITY






‡ 4TH DAY OF CAMP ‡





Sabay-sabay kaming napaupo ng makarating na kami dito sa may camping site na sinasabi nila at mukhang hindi naman kami ang last na dumating dito.


Sa tagal ng pagstruggle namin. Gusto ko tuloy matulog na lang agad! Nakaamoy ako ng iniihaw na barbecue kaya nabaling ang tingin ko sa may umuusok at nakita ko yung isang teacher na nag-iihaw doon! Gusto kong kumain nun!!



"Dylan, Blake! Nakita namin ang ginawa niyo! Kayo ang nakahanap ng daan papunta dito among your classmates. That's a job well done. You can choose what food you want here! Just a one dish only" huh? Silang dalawa lang? Paano kami?

"Kami lang po ba?" Tanong ni Blake

"No, it's for your classmates too! You show an incredible teamwork since the Day 1" sagot ng teacher

"We want this barbecue" sabay turo ni Dylan doon

"Woahhhh!!" Reaction ng mga classmates ko

"Okay, one barbecue per person lang" one? Kulang pa sa akin ang isa lang!!

"Here! Ipamigay niyo na lang sa kanila" kinuha lang ni Blake iyon bago lumapit sa amin at binigyan kami isa-isa





Wow! ang bango ng amoy nito lalo tuloy akong nagutom! Wala na akong matinong nakain simula Day 1. Mukhang paghihirapan din namin ang kakainin namin dito

Kakain na sana ako ng may nag-abot ulit sa akin kaya napatingin ako doon at nakita ko si Dylan





"A-ah... Meron na ako.." Ani ko

"Alam ko! Binibigay ko ito sayo hindi pa ako nagugutom" nagkatitigan lang kami at sa huli ay kinuha ko rin iyon

"Sigu---"

"Kumain kana lang sabihan mo ako kapag may kailangan ka pa" pinat niya lang ang ulo ko bago bumalik sa pwesto niya

"Ehem! Ang sweet naman..." Siniko ko lang si Corrine sa pang-aasar niya at nagpatuloy na lang sa pagkain




Maya-maya lang ay dumating na rin yung huling section na hinihintay namin at halatang hingal na hingal pa! Mukhang mas malala ang naranasan nila kaysa sa amin




"Okay Class, ngayong nandito na kayong lahat masaya kayong makita kayo ulit after 3 days at mukhang nagsurvive naman kayong lahat. Congratulations nakapasa kayo sa unang hell activity niyo!!"

"This time ididiscuss na namin ng maaga ang second hell activity niyo!!"

"Huh???? Ma'am!! Hindi pa nga kami nakakarecover sa mga nangyari" reklamo nila

"Bukas magaganap ang second hell activity niyo at ang kailangan niyong gawin ay maghanap ng mga pulang sobre na ikakalat namin sa camping site na ito hanggang doon sa magubat na bahaging iyon. This is a group activity again and within 2 hours kung ano lang ang nahanap niyo ayun lang ang ico-consider namin na nakuha niyo" paliwanag niya

"Sir, ano bang laman ng sobre na iyon?"

"That's a good question! Ang laman ng mga sobre na iyon ay ang mga pagkain/ingredients na makukuha niyo mula sa amin at gagamitin niyo for the last 3 days of this camp kaya hindi kayo pwedeng tatamad-tamad. Goodluck!" Goodluck?

"Hindi naman mahirap maghanap diba?" tanong ni Cali

"Kung isa itong hell camp ibig sabihin may twist silang gagawin! They are testing us right?" Sagot ko

DAYS OF YOUTHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon