DAYS OF YOUTH 07
#TREAT"Ano? Ikaw ang President? Seriously? Hahhahahaha" anong nakakatawa doon?
"Anong tinatawa-tawa mo diyan? Seryoso ako" anas ko
"Alam mo hindi magandang biro iyan! Kailan ka pa nahilig sa mga gawaing ito?" Tumatawa niyang saad na ikinainis ko nakakinsulto na kasi
"Ano ba kasing kailangan mo?" Irita kong tanong
"Seryoso ikaw talaga yung President?" Paulit-ulit ba talaga?
"Sabing oo nga! Anong kailangan mo?" Tanong ko ulit at pilit na kinakalma ang sarili ko
"Kailangan ko ng membership form para sa basketball team" ang dami pang paligoy-ligoy
Tumayo na lang ako at kumuha ng membership form at saka inabot iyon sa kanya.
"Umalis kana!" Pagtataboy ko
"Ang sama mo naman pahiram akong ballpen dito na ako magsasagot" sinasagad niya talaga ang pasensya ko
Napabuga ako ng hangin at kumuha ng ballpen sa bag at inabot iyon sa kanya. Baka may kailangan pa siya? Sabihin niya na lahat para naman hindi na ako mahirapan
"May kailangan ka pa ba? Ibabalik ko pa itong mga kinuha ko sa taas" napatingin siya sa mga hawak ko bago ako tiningnan
"Baliw ka ba? Tingin mo maaabot mo yan sa liit mo?" Nanlait pa ang kapal talaga
"Nakaya ko ngang kuhain bakit hindi ko kayang ibalik? Tsk. Minamaliit mo lang ako" aakyat na sana ako sa upuan ng pigilan niya ako at inagaw yung mga folder na hawak ko
"Stupid! Umupo kana nga lang doon ako na ang magbabalik niyan" magsasalita pa sana ako pero inabot niya lang sa akin yung papel at ballpen na hawak niya at siya na ang nagbalik nun
Dahil mapilit siya ay umupo na lang ako doon at inilapag sa mesa yung papel at ballpen habang siya inaayos na ang paglagay doon sa taas
Napayuko na lang ako at tiningnan yung papel na nasa harap ko
"Bakit ka sasali sa Basketball Team ang alam ko swimming ang gusto mo" saad ko
"Dati yun! Gusto ko lang ng bago ngayon and I'm quite good at that" confident talaga siya sa sarili niya
Hindi na lang ulit ako nagsalita at sinagutan na lang yung membership form ng wala sa oras hindi ako sanay ng walang ginagawa
"Ayan tapos na! May gagawin ka pa ba?" Umiling ako
"Bakit mo sinasagutan iyan?" Lumapit siya sa akin at umupo din sa may gilid
"Wala trip ko lang masama ba? Oh! Ayan na iyo na yan" inabot ko lang sa kanya iyon at yumuko
"Ang moody mo? Galit ka ba sa akin dahil inistorbo ko kayo ni Zeke? Sabi ko naman sayo hindi ko sinasadya iyon" sino kaya ang moody sa aming dalawa? Siya ata iyon at hindi ako
"Sabihin mo nga bakit ka bumalik dito? Yung Grandparents mo nasa America naman pero bakit ka bumalik dito?" Tanong ko tsaka matagal ko na ring gustong itanong sa kanya iyan
"Hindi mo na kailangang malaman pa iyon, aalis din naman ako agad sa bahay niyo" tsk. Lagi niya na lang sinisikreto ang lahat sa akin
"Nakakainis ka pa rin alam mo ba iyon?" Ani ko
BINABASA MO ANG
DAYS OF YOUTH
Novela JuvenilBeing a youth is the unforgettable part of our life and admit it this is the happiest part of our life. Finding a new friend, enemy or luckily even a lover But it's just normal because this is part of our youth. You can be happy, sad or excited its...